Daniel 2
Ang Biblia (1978)
Ang nakalimutang panaginip ng hari at ang kaniyang bala.
2 At (A)nang ikalawang taon ng paghahari ni Nabucodonosor ay nanaginip si Nabucodonosor ng mga panaginip; at ang kaniyang espiritu ay nabagabag, at siya'y napukaw sa pagkakatulog.
2 Nang magkagayo'y (B)ipinatawag ng hari ang mga mahiko, at ang mga enkantador, at ang mga manghuhula, at ang mga (C)Caldeo, upang saysayin sa hari ang kaniyang mga panaginip. Sa gayo'y nagsipasok sila at sila'y nagsiharap sa hari.
3 At sinabi ng hari sa kanila, Ako'y nanaginip ng isang panaginip, at ang aking Espiritu ay nabagabag upang maalaman ang panaginip.
4 Nang magkagayo'y nagsalita ang mga Caldeo sa hari sa wikang Siria, Oh hari, mabuhay ka magpakailan man: saysayin mo sa iyong mga lingkod ang panaginip, at aming ipaliliwanag ang kahulugan.
5 Ang hari ay sumagot, at nagsabi sa mga Caldeo, Ang bagay ay nawala sa akin: kung di ninyo ipaliliwanag sa akin ang panaginip at ang kahulugan niyaon, kayo'y (D)pagpuputolputulin, at ang inyong mga bahay ay gagawing dumihan.
6 Nguni't (E)kung inyong ipaliwanag ang panaginip at ang kahulugan niyaon, kayo'y magsisitanggap sa akin ng mga kaloob at mga kagantihan at dakilang karangalan: kaya't ipaliwanag ninyo sa akin ang panaginip at ang kahulugan niyaon.
7 Sila'y nagsisagot na ikalawa, at nangagsabi, Saysayin ng hari sa kaniyang mga lingkod ang panaginip, at aming ipaliliwanag ang kahulugan.
8 Ang hari ay sumagot, at nagsabi. Tunay na talastas ko na ibig ninyong magdahilan, sapagka't inyong nalalaman na nawala sa akin ang bagay.
9 Nguni't kung di ninyo ipaliwanag sa akin ang panaginip, iisang kautusan lamang mayroon sa inyo; sapagka't kayo'y nangaghanda ng pagbubulaan at mga hamak na salita sa harap ko, hanggang sa ang panahon ay magbago: kaya't saysayin ninyo sa akin ang panaginip, at malalaman ko na inyong maipaliliwanag sa akin ang kahulugan niyaon.
10 Ang mga Caldeo ay nagsisagot sa harap ng hari, at nangagsabi, Walang tao sa ibabaw ng lupa na makapagpapaaninaw ng bagay ng hari, palibhasa'y walang hari, panginoon, o pinuno man, na nagtanong ng ganyang bagay sa kanino mang mahiko, enkantador, o Caldeo.
11 At isang mahirap na bagay ang inuusisa ng hari, at walang ibang makapagpapaaninaw sa harap ng hari, (F)liban ang mga dios, na ang tahanan ay hindi kasama ng tao.
12 Dahil sa bagay na ito ang hari ay nagalit at totoong nagalab sa galit, at nagutos na lipulin ang lahat (G)na pantas na tao sa Babilonia.
13 Sa gayo'y itinanyag ang pasiya, at ang mga pantas na tao ay papatayin; at hinanap nila si Daniel at ang kaniyang mga kasama upang patayin.
Si Daniel ay humingi ng panahon; nagkaroon ng panaginip.
14 Nang magkagayo'y nagbalik ng sagot si Daniel na may payo at kabaitan kay Arioch na punong kawal ng bantay ng hari, na lumabas upang patayin ang mga pantas na tao sa Babilonia;
15 Siya'y sumagot, at nagsabi kay Arioch na punong kawal ng hari, Bakit ang pasiya ay totoong madalian mula sa hari? Nang magkagayo'y ipinatalastas ni Arioch ang bagay kay Daniel.
16 At si Daniel ay pumasok, at humiling sa hari na takdaan siya ng panahon, at kaniyang ipaaaninaw sa hari ang kahulugan.
17 Nang magkagayo'y naparoon si Daniel sa kaniyang bahay, at ipinaalam ang bagay kay (H)Ananias, kay Misael, at kay Azarias, na kaniyang mga kasama:
18 Upang sila'y magsipagnais ng kaawaan sa Dios ng langit tungkol sa lihim na ito; upang si Daniel at ang kaniyang mga kasama ay hindi mangamatay na kasama ng ibang mga pantas na tao sa Babilonia.
19 Nang magkagayo'y nahayag ang lihim kay Daniel sa isang pangitain sa gabi. Nang magkagayo'y pinuri ni Daniel ang Dios sa langit.
20 Si Daniel ay sumagot, at nagsabi, (I)Purihin ang pangalan ng Dios magpakailan man: sapagka't ang karunungan at kapangyarihan ay kaniya.
21 At kaniyang binabago (J)ang mga panahon at mga kapanahunan; (K)siya'y nagaalis ng mga hari, at naglalagay ng mga hari; siya'y nagbibigay ng karunungan sa marunong at ng (L)kaalaman sa makakaalam ng unawa;
22 Siya'y naghahayag ng malalim at lihim na mga bagay; kaniyang nalalaman kung ano ang nasa kadiliman, at (M)ang liwanag ay tumatahang kasama niya.
23 Pinasasalamatan kita, at pinupuri kita, Oh ikaw na (N)Dios ng aking mga magulang, na siyang nagbigay sa akin ng karunungan at lakas, at nagpatalastas ngayon sa akin ng ninais namin sa iyo; sapagka't iyong ipinaalam sa amin ang bagay ng hari.
24 Kaya't pinasok ni Daniel si Arioch na siyang inihalal ng hari na lipulin ang mga pantas na tao sa Babilonia; siya'y naparoon, at nagsabi sa kaniya ng ganito, Huwag mong lipulin ang mga pantas na tao sa Babilonia; dalhin mo ako sa harap ng hari, at aking ipaaaninaw sa hari ang kahulugan.
Ipinahayag ni Daniel ang panaginip ng hari.
25 Nang magkagayo'y dinalang madali ni Arioch si Daniel sa harap ng hari, at nagsabing ganito sa kaniya, Ako'y nakasumpong ng isang lalake sa mga anak ng nangabihag sa Juda, na magpapaaninaw sa hari ng kahulugan.
26 Ang hari ay sumagot, at nagsabi kay Daniel, (O)na ang pangalan ay Beltsasar, Maipaaaninaw mo baga sa akin ang panaginip na aking nakita, at ang kahulugan niyaon?
27 Si Daniel ay sumagot sa harap ng hari, at nagsabi, Ang lihim na itinatanong ng hari ay hindi maipaaaninaw sa hari kahit ng mga pantas na tao, ng mga enkantador, ng mga mahiko man, o ng mga manghuhula man.
28 Nguni't may (P)isang Dios sa langit na naghahayag ng mga lihim, at siyang nagpapaaninaw sa haring Nabucodonosor kung ano ang mangyayari sa mga huling araw. Ang iyong panaginip, at ang pangitain ng iyong ulo sa iyong higaan ay ang mga ito:
29 Tungkol sa iyo, Oh hari, ang iyong mga pagiisip ay dumating sa iyo sa iyong higaan, kung ano ang mangyayari sa panahong darating; at siya na naghahayag ng mga lihim ay ipinaaninaw sa iyo kung ano ang mangyayari.
30 Nguni't (Q)tungkol sa akin ang lihim na ito ay hindi nahayag sa akin ng dahil sa anomang karunungan na tinamo kong higit kay sa sinomang may buhay, kundi upang maipaaninaw sa hari ang kahulugan at upang iyong maalaman ang mga pagiisip ng iyong puso.
31 Ikaw, Oh hari, nakakita, at narito, ang isang malaking larawan. Ang larawang ito na makapangyarihan, at ang kaniyang kakinangan ay mainam, ay tumayo sa harap mo; at ang anyo niyao'y kakilakilabot.
32 Tungkol sa larawang ito, ang kaniyang ulo ay dalisay na ginto, ang kaniyang dibdib at ang kaniyang mga bisig ay pilak, ang kaniyang tiyan at ang kaniyang mga hita ay tanso,
33 Ang kaniyang mga binti ay bakal, ang kaniyang mga paa'y isang bahagi ay bakal, at isang bahagi ay putik na luto.
34 Iyong tinitingnan hanggang sa may natibag na isang bato, (R)hindi ng mga kamay, na tumama sa larawan sa kaniyang mga paang bakal at putik na luto, at mga yao'y binasag.
35 Nang magkagayo'y ang bakal, ang putik na luto, ang tanso, ang pilak, at ang ginto ay nagkaputolputol na magkakasama, at naging parang dayami sa mga giikan sa tagaraw; at tinangay ng hangin na (S)walang dakong kasumpungan sa mga yaon: at ang bato na tumama sa larawan ay naging malaking bundok, at pinuno ang buong lupa.
Binigyan niya ng kahulugan ang panaginip ng hari.
36 Ito ang panaginip; at aming sasaysayin ang kahulugan niyaon sa harap ng hari.
37 Ikaw, Oh hari, (T)ay hari ng mga hari, (U)na pinagbigyan ng Dios sa langit ng kaharian, ng kapangyarihan, at ng kalakasan, at ng kaluwalhatian;
38 At alin mang tinatahanan ng mga anak ng mga tao, ng mga hayop sa parang at ng mga ibon sa himpapawid ay ibinigay sa iyong kamay, at pinapagpuno ka sa kanilang lahat: (V)ikaw ang ulo na ginto.
39 At pagkatapos mo ay babangon ang (W)ibang kaharian na mababa sa iyo; at ang (X)ibang ikatlong kaharian na tanso na magpupuno sa buong lupa.
40 At ang ikaapat na kaharian ay (Y)magiging matibay na parang bakal, palibhasa'y ang bakal ay nakadudurog at nakapagpapasuko ng lahat na bagay; at kung paanong dinidikdik ng bakal ang lahat ng ito, siya'y magkakaputolputol at madidikdik.
41 At yamang iyong nakita na ang mga paa at mga daliri, ang isang bahagi ay putik na luto ng magpapalyok, at ang isang bahagi ay bakal, ay magiging kahariang hati; nguni't magkakaroon yaon ng kalakasan ng bakal, yamang iyong nakita na ang bakal ay nahahalo sa putik na luto.
42 At kung paanong ang mga daliri ng paa ay bakal ang isang bahagi at ang isang bahagi ay putik, magkakagayon ang kaharian na ang isang bahagi ay matibay, at isang bahagi ay marupok.
43 At yamang iyong nakita na ang bakal ay nahahaluan ng putik na luto, sila'y magkakahalo ng lahi ng mga tao; nguni't hindi sila magkakalakipan, gaya ng bakal na hindi lumalakip sa putik.
44 At sa mga kaarawan ng mga haring yaon ay maglalagay ang Dios sa langit ng (Z)isang kaharian, na hindi magigiba kailan man, o ang kapangyarihan man niyao'y iiwan sa ibang bayan; kundi pagpuputolputulin at lilipulin niya ang lahat na kahariang ito, at yao'y lalagi magpakailan man.
45 Yamang (AA)iyong nakita na ang isang bato ay natibag sa bundok, hindi ng mga kamay, at pumutol ng mga bakal, ng tanso, ng putik, ng pilak, at ng ginto; ipinaalam ng dakilang Dios sa hari kung ano ang mangyayari sa haharapin: at ang panaginip ay tunay at ang pagkapaaninaw niyao'y tapat.
Si Daniel ay itinaas ng hari.
46 Nang magkagayo'y ang haring Nabucodonosor ay (AB)nagpatirapa, at sumamba kay Daniel, (AC)at nagutos na sila'y maghandog ng alay at ng may masarap na amoy sa kaniya.
47 Ang hari ay sumagot kay Daniel, at nagsabi, Sa katotohanan ang inyong Dios ay (AD)Dios ng mga dios, at Panginoon ng mga hari, at tagapaghayag ng mga lihim, yamang ikaw ay nakapaghayag ng lihim na ito.
48 Nang magkagayo'y pinadakila ng hari si Daniel, at binigyan siya ng maraming dakilang kaloob, at pinapagpuno siya sa buong (AE)lalawigan ng Babilonia, (AF)at pinapaging pangulo ng mga tagapamahala sa lahat (AG)na pantas sa Babilonia.
49 At si Daniel ay humiling sa hari, (AH)at kaniyang inihalal, si (AI)Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego, sa mga gawain sa lalawigan ng Babilonia; nguni't si Daniel ay (AJ)nasa pintuang-daan ng hari.
Daniel 2
New Living Translation
Nebuchadnezzar’s Dream
2 One night during the second year of his reign,[a] Nebuchadnezzar had such disturbing dreams that he couldn’t sleep. 2 He called in his magicians, enchanters, sorcerers, and astrologers,[b] and he demanded that they tell him what he had dreamed. As they stood before the king, 3 he said, “I have had a dream that deeply troubles me, and I must know what it means.”
4 Then the astrologers answered the king in Aramaic,[c] “Long live the king! Tell us the dream, and we will tell you what it means.”
5 But the king said to the astrologers, “I am serious about this. If you don’t tell me what my dream was and what it means, you will be torn limb from limb, and your houses will be turned into heaps of rubble! 6 But if you tell me what I dreamed and what the dream means, I will give you many wonderful gifts and honors. Just tell me the dream and what it means!”
7 They said again, “Please, Your Majesty. Tell us the dream, and we will tell you what it means.”
8 The king replied, “I know what you are doing! You’re stalling for time because you know I am serious when I say, 9 ‘If you don’t tell me the dream, you are doomed.’ So you have conspired to tell me lies, hoping I will change my mind. But tell me the dream, and then I’ll know that you can tell me what it means.”
10 The astrologers replied to the king, “No one on earth can tell the king his dream! And no king, however great and powerful, has ever asked such a thing of any magician, enchanter, or astrologer! 11 The king’s demand is impossible. No one except the gods can tell you your dream, and they do not live here among people.”
12 The king was furious when he heard this, and he ordered that all the wise men of Babylon be executed. 13 And because of the king’s decree, men were sent to find and kill Daniel and his friends.
14 When Arioch, the commander of the king’s guard, came to kill them, Daniel handled the situation with wisdom and discretion. 15 He asked Arioch, “Why has the king issued such a harsh decree?” So Arioch told him all that had happened. 16 Daniel went at once to see the king and requested more time to tell the king what the dream meant.
17 Then Daniel went home and told his friends Hananiah, Mishael, and Azariah what had happened. 18 He urged them to ask the God of heaven to show them his mercy by telling them the secret, so they would not be executed along with the other wise men of Babylon. 19 That night the secret was revealed to Daniel in a vision. Then Daniel praised the God of heaven. 20 He said,
“Praise the name of God forever and ever,
for he has all wisdom and power.
21 He controls the course of world events;
he removes kings and sets up other kings.
He gives wisdom to the wise
and knowledge to the scholars.
22 He reveals deep and mysterious things
and knows what lies hidden in darkness,
though he is surrounded by light.
23 I thank and praise you, God of my ancestors,
for you have given me wisdom and strength.
You have told me what we asked of you
and revealed to us what the king demanded.”
Daniel Interprets the Dream
24 Then Daniel went in to see Arioch, whom the king had ordered to execute the wise men of Babylon. Daniel said to him, “Don’t kill the wise men. Take me to the king, and I will tell him the meaning of his dream.”
25 Arioch quickly took Daniel to the king and said, “I have found one of the captives from Judah who will tell the king the meaning of his dream!”
26 The king said to Daniel (also known as Belteshazzar), “Is this true? Can you tell me what my dream was and what it means?”
27 Daniel replied, “There are no wise men, enchanters, magicians, or fortune-tellers who can reveal the king’s secret. 28 But there is a God in heaven who reveals secrets, and he has shown King Nebuchadnezzar what will happen in the future. Now I will tell you your dream and the visions you saw as you lay on your bed.
29 “While Your Majesty was sleeping, you dreamed about coming events. He who reveals secrets has shown you what is going to happen. 30 And it is not because I am wiser than anyone else that I know the secret of your dream, but because God wants you to understand what was in your heart.
31 “In your vision, Your Majesty, you saw standing before you a huge, shining statue of a man. It was a frightening sight. 32 The head of the statue was made of fine gold. Its chest and arms were silver, its belly and thighs were bronze, 33 its legs were iron, and its feet were a combination of iron and baked clay. 34 As you watched, a rock was cut from a mountain,[d] but not by human hands. It struck the feet of iron and clay, smashing them to bits. 35 The whole statue was crushed into small pieces of iron, clay, bronze, silver, and gold. Then the wind blew them away without a trace, like chaff on a threshing floor. But the rock that knocked the statue down became a great mountain that covered the whole earth.
36 “That was the dream. Now we will tell the king what it means. 37 Your Majesty, you are the greatest of kings. The God of heaven has given you sovereignty, power, strength, and honor. 38 He has made you the ruler over all the inhabited world and has put even the wild animals and birds under your control. You are the head of gold.
39 “But after your kingdom comes to an end, another kingdom, inferior to yours, will rise to take your place. After that kingdom has fallen, yet a third kingdom, represented by bronze, will rise to rule the world. 40 Following that kingdom, there will be a fourth one, as strong as iron. That kingdom will smash and crush all previous empires, just as iron smashes and crushes everything it strikes. 41 The feet and toes you saw were a combination of iron and baked clay, showing that this kingdom will be divided. Like iron mixed with clay, it will have some of the strength of iron. 42 But while some parts of it will be as strong as iron, other parts will be as weak as clay. 43 This mixture of iron and clay also shows that these kingdoms will try to strengthen themselves by forming alliances with each other through intermarriage. But they will not hold together, just as iron and clay do not mix.
44 “During the reigns of those kings, the God of heaven will set up a kingdom that will never be destroyed or conquered. It will crush all these kingdoms into nothingness, and it will stand forever. 45 That is the meaning of the rock cut from the mountain, though not by human hands, that crushed to pieces the statue of iron, bronze, clay, silver, and gold. The great God was showing the king what will happen in the future. The dream is true, and its meaning is certain.”
Nebuchadnezzar Rewards Daniel
46 Then King Nebuchadnezzar threw himself down before Daniel and worshiped him, and he commanded his people to offer sacrifices and burn sweet incense before him. 47 The king said to Daniel, “Truly, your God is the greatest of gods, the Lord over kings, a revealer of mysteries, for you have been able to reveal this secret.”
48 Then the king appointed Daniel to a high position and gave him many valuable gifts. He made Daniel ruler over the whole province of Babylon, as well as chief over all his wise men. 49 At Daniel’s request, the king appointed Shadrach, Meshach, and Abednego to be in charge of all the affairs of the province of Babylon, while Daniel remained in the king’s court.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New Living Translation, copyright © 1996, 2004, 2015 by Tyndale House Foundation. Used by permission of Tyndale House Publishers, Inc., Carol Stream, Illinois 60188. All rights reserved.
