Add parallel Print Page Options

Sinabi niya sa kanila, “Nanaginip ako at ito ang bumabagabag sa akin hanggang ngayon. Ipaliwanag nga ninyo ang kahulugan ng aking panaginip.”

Sumagot ang mga astrologo sa wikang Aramaico,[a] “Mabuhay ang hari! Sabihin po ninyo ang panaginip at ipapaliwanag namin.”

Sinabi ng hari sa mga astrologo, “Ipinag-uutos kong sabihin muna ninyo ang aking panaginip saka ninyo ipaliwanag. Kung hindi, ipapapatay ko kayo at ipawawasak ang inyong mga tahanan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Daniel 2:4 ARAMAICO: Sa orihinal na wika, ang bahaging 2:4–7:28 ay nakasulat sa wikang Aramaico, isang wikang malapit sa wikang Hebreo.