Add parallel Print Page Options

Dahil dito, ipinatawag niya ang lahat ng salamangkero, enkantador, mangkukulam, at astrologo upang ipaliwanag ang kanyang panaginip. Sinabi niya sa kanila, “Nanaginip ako at ito ang bumabagabag sa akin hanggang ngayon. Ipaliwanag nga ninyo ang kahulugan ng aking panaginip.”

Sumagot ang mga astrologo sa wikang Aramaico,[a] “Mabuhay ang hari! Sabihin po ninyo ang panaginip at ipapaliwanag namin.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Daniel 2:4 ARAMAICO: Sa orihinal na wika, ang bahaging 2:4–7:28 ay nakasulat sa wikang Aramaico, isang wikang malapit sa wikang Hebreo.