Daniel 12
Magandang Balita Biblia
Pahayag tungkol sa Huling Panahon
12 “Sa(A) panahong iyon, darating ang dakilang anghel na si Miguel, ang makapangyarihang pinuno at tagapagtanggol ng bansang Israel, at magkakaroon ng matinding kahirapang hindi pa nangyayari kailanman. Ngunit maliligtas ang mga kababayan mong ang pangalan ay nakasulat sa aklat ng Diyos. 2 Muling(B) mabubuhay ang maraming mga namatay sa lahat ng panig ng daigdig; ang iba'y sa buhay na walang hanggan, at ang iba nama'y sa kaparusahang walang hanggan. 3 Ang marurunong na pinuno ay magniningning na gaya ng liwanag sa langit at ang mga umaakay sa marami sa pagiging matuwid ay sisikat na parang bituin magpakailanman. 4 Daniel,(C) ingatan mo muna ang mga pahayag na ito at isara ang aklat upang hindi ito mabuksan hanggang sa katapusan ng sanlibutan. Marami ang magsasaliksik at magsisikap na maunawaan ang maraming bagay.”
5 Akong si Daniel ay tumingin at may nakita akong dalawang tao, isa sa magkabilang pampang ng ilog. 6 Tinanong ng isa ang anghel na nakatayo sa gawing dulo, “Gaano pa katagal bago maganap ang mga pangitaing ito?”
7 Itinaas(D) ng anghel ang dalawang kamay at narinig kong sinabi niya, “Sa pangalan ng Diyos na nabubuhay magpakailanman, magaganap ang lahat ng ito sa loob ng tatlong taon at kalahati, kapag natapos na ang paghihirap ng bayan ng Diyos.”
8 Hindi ko naunawaan ang kanyang sagot, kaya't ako'y nagtanong, “Ginoo, ano po ba ang kahihinatnan ng lahat ng ito?”
9 Sinabi niya sa akin, “Makakaalis ka na, Daniel. Ang kahulugan nito'y mananatiling lihim hanggang dumating ang wakas. 10 Marami(E) ang dadalisayin at mapapatunayang may malinis na kalooban. Ngunit magpapakasama pa ang masasama, at wala isa man sa kanila ang makakaunawa sa mga bagay na mauunawaan ng marurunong. 11 Lilipas(F) ang 1,290 araw mula sa panahon na papatigilin ang araw-araw na paghahandog at ilalagay ang kasuklam-suklam. 12 Mapapalad ang mananatiling tapat hanggang sa matapos ang 1,335 araw. 13 Daniel, maging tapat ka nawa hanggang sa wakas. Mamamatay ka ngunit muling bubuhayin sa huling araw upang tanggapin ang iyong gantimpala.”
Daniel 12
Revised Standard Version Catholic Edition
The Resurrection of the Dead
12 “At that time shall arise Michael, the great prince who has charge of your people. And there shall be a time of trouble, such as never has been since there was a nation till that time; but at that time your people shall be delivered, every one whose name shall be found written in the book. 2 And many of those who sleep in the dust of the earth shall awake, some to everlasting life, and some to shame and everlasting contempt. 3 And those who are wise shall shine like the brightness of the firmament; and those who turn many to righteousness, like the stars for ever and ever. 4 But you, Daniel, shut up the words, and seal the book, until the time of the end. Many shall run to and fro, and knowledge shall increase.”
5 Then I Daniel looked, and behold, two others stood, one on this bank of the stream and one on that bank of the stream. 6 And I[a] said to the man clothed in linen, who was above the waters of the stream, “How long shall it be till the end of these wonders?” 7 The man clothed in linen, who was above the waters of the stream, raised his right hand and his left hand toward heaven; and I heard him swear by him who lives for ever that it would be for a time, two times, and half a time; and that when the shattering of the power of the holy people comes to an end all these things would be accomplished. 8 I heard, but I did not understand. Then I said, “O my lord, what shall be the issue of these things?” 9 He said, “Go your way, Daniel, for the words are shut up and sealed until the time of the end. 10 Many shall purify themselves, and make themselves white, and be refined; but the wicked shall do wickedly; and none of the wicked shall understand; but those who are wise shall understand. 11 And from the time that the continual burnt offering is taken away, and the abomination that makes desolate is set up, there shall be a thousand two hundred and ninety days. 12 Blessed is he who waits and comes to the thousand three hundred and thirty-five days. 13 But go your way till the end; and you shall rest, and shall stand in your allotted place at the end of the days.”
Footnotes
- Daniel 12:6 Gk Vg: Heb he
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
The Revised Standard Version of the Bible: Catholic Edition, copyright © 1965, 1966 the Division of Christian Education of the National Council of the Churches of Christ in the United States of America. Used by permission. All rights reserved.