Daniel 8:21
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
21 Ang kambing naman ay ang kaharian ng Grecia, at ang malaking sungay sa gitna ng kanyang mga mata ay ang unang hari.
Read full chapter
Daniel 10:20
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
20 Sumagot siya, “Kinakailangang bumalik ako sa pakikipaglaban sa pinuno ng Persia. Pagkatapos, darating naman ang pinuno[a] ng Grecia. Pero alam mo ba kung bakit ako pumarito sa iyo?
Read full chapterFootnotes
- 10:20 pinuno: Ang tinutukoy dito ay isang masamang anghel na nagbabantay o tumutulong sa kaharian ng Grecia.
Daniel 11:2-4
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang mga Hari ng Hilaga at Timog
2 “Sasabihin ko sa iyo ngayon ang katotohanan: Tatlo pang hari ang maghahari sa Persia. Ang ikaapat na hari na susunod sa kanila ay mas mayaman pa kaysa sa mga nauna. Sa pamamagitan ng kanyang kayamanan, magiging makapangyarihan siya, at susulsulan niya ang ibang kaharian na makipaglaban sa Grecia. 3 Pagkatapos, isa pang makapangyarihang hari ang darating. Maraming bansa ang kanyang sasakupin, at gagawin niya ang gusto niyang gawin. 4 Kapag siyaʼy naging makapangyarihan na, mawawasak ang kanyang kaharian at mahahati sa apat na bahagi ng daigdig, pero hindi ang kanyang mga angkan ang maghahari dito. Ang mga haring papalit sa kanya ay hindi makakapamahala tulad ng kanyang pamamahala. Kukunin ang kanyang kaharian at ibibigay sa iba.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®