Add parallel Print Page Options

Kung kayo nga'y (A)muling binuhay na kalakip ni Cristo, ay hanapin ninyo ang mga bagay na nangasa itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Dios.

Ilagak ninyo ang inyong pagiisip sa mga bagay na nangasa itaas, huwag sa mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa.

Sapagka't (B)kayo'y nangamatay na, at ang inyong buhay ay natatagong kasama ni Cristo sa Dios.

Pagka si Cristo na (C)ating buhay ay mahayag, (D)ay mahahayag nga rin kayo na kasama niya (E)sa kaluwalhatian.

(F)Patayin nga ninyo ang (G)inyong mga sangkap ng katawang nangasa ibabaw ng lupa, (H)pakikiapid, karumihan, masamang pita, masasamang nasa, at kasakiman, (I)na iya'y pagsamba sa mga diosdiosan;

Na dahil sa mga bagay na iyan ay dumarating (J)ang kagalitan ng Dios sa (K)mga anak ng pagsuway:

Na inyo ring nilakaran nang una, nang kayo'y nangabubuhay pa sa mga bagay na ito;

Datapuwa't ngayon ay (L)inyo namang layuan ang lahat ng mga ito: (M)galit, kapootan, paghihinala, panunungayaw, (N)mga salitang kahalay-halay na mula sa inyong bibig:

Huwag kayong mangagbubulaan sa isa't isa; (O)yamang hinubad na ninyo (P)ang datihang pagkatao pati ng kaniyang mga gawa,

10 At kayo'y nangagbihis ng bagong pagkatao, na nagbabago sa kaalaman ayon (Q)sa larawan niyaong lumalang sa kaniya:

11 Doo'y hindi maaaring magkaroon ng (R)Griego at ng Judio, ng (S)pagtutuli at ng di pagtutuli, ng barbaro, ng Scita, ng alipin, ng laya; kundi si (T)Cristo ang lahat, at sa lahat.

12 Mangagbihis nga kayo (U)gaya ng mga hinirang ng Dios, na mga banal at minamahal, (V)ng isang pusong mahabagin, ng (W)kagandahangloob, ng kababaan, ng kaamuan, ng pagpapahinuhod:

13 Mangagtiisan kayo sa isa't isa, at (X)mangagpatawaran kayo sa isa't isa, kung ang sinoman ay may sumbong laban sa kanino man; na kung paanong pinatawad kayo ng Panginoon, ay gayon din naman ang inyong gawin:

14 At sa ibabaw ng lahat ng mga bagay na ito ay (Y)mangagbihis kayo ng pagibig na siyang tali ng kasakdalan.

15 At maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, (Z)na diya'y tinawag din naman kayo (AA)sa isang katawan; at kayo'y maging mapagpasalamat.

16 Manahanan nawang sagana sa inyo ang salita ni Cristo; ayon sa buong karunungan, kayo'y mangagturuan at mangagpaalalahanan sa isa't isa (AB)sa pamamagitan ng mga salmo at ng mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na magsiawit kayong may biyaya sa inyong puso sa Dios.

17 At anomang inyong ginagawa, (AC)sa salita, o sa gawa, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus, na nagpapasalamat kayo sa Dios sa pamamagitan niya.

18 Mga babae, (AD)pasakop kayo sa inyo-inyong asawa, gaya ng nararapat sa Panginoon.

19 Mga lalake, (AE)ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, at huwag kayong maging mapait sa kanila.

20 Mga anak, (AF)magsitalima kayo sa inyong magulang sa lahat ng mga bagay, sapagka't ito'y totoong nakalulugod sa Panginoon.

21 Mga ama, (AG)huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak, upang huwag manghina ang loob nila.

22 (AH)Mga alipin, magsitalima kayo sa lahat ng mga bagay sa mga yaong ayon sa laman ay inyong mga panginoon: hindi ang paglilingkod sa paningin, na gaya ng pagbibigay lugod sa mga tao, kundi sa katapatan ng puso, na mangatakot sa Panginoon:

23 Anomang inyong ginagawa, (AI)ay inyong gawin ng buong puso, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao;

24 Yamang inyong nalalaman na sa Panginoon ay (AJ)tatanggapin ninyo ang ganting (AK)mana; sapagka't naglilingkod kayo sa Panginoong Jesucristo.

25 Sapagka't ang gumagawa ng masama ay tatanggap ng ayon sa masama na kaniyang ginawa; (AL)at walang itinatanging mga tao.

If ye then be risen with Christ, seek those things which are above, where Christ sitteth on the right hand of God.

Set your affection on things above, not on things on the earth.

For ye are dead, and your life is hid with Christ in God.

When Christ, who is our life, shall appear, then shall ye also appear with him in glory.

Mortify therefore your members which are upon the earth; fornication, uncleanness, inordinate affection, evil concupiscence, and covetousness, which is idolatry:

For which things' sake the wrath of God cometh on the children of disobedience:

In the which ye also walked some time, when ye lived in them.

But now ye also put off all these; anger, wrath, malice, blasphemy, filthy communication out of your mouth.

Lie not one to another, seeing that ye have put off the old man with his deeds;

10 And have put on the new man, which is renewed in knowledge after the image of him that created him:

11 Where there is neither Greek nor Jew, circumcision nor uncircumcision, Barbarian, Scythian, bond nor free: but Christ is all, and in all.

12 Put on therefore, as the elect of God, holy and beloved, bowels of mercies, kindness, humbleness of mind, meekness, longsuffering;

13 Forbearing one another, and forgiving one another, if any man have a quarrel against any: even as Christ forgave you, so also do ye.

14 And above all these things put on charity, which is the bond of perfectness.

15 And let the peace of God rule in your hearts, to the which also ye are called in one body; and be ye thankful.

16 Let the word of Christ dwell in you richly in all wisdom; teaching and admonishing one another in psalms and hymns and spiritual songs, singing with grace in your hearts to the Lord.

17 And whatsoever ye do in word or deed, do all in the name of the Lord Jesus, giving thanks to God and the Father by him.

18 Wives, submit yourselves unto your own husbands, as it is fit in the Lord.

19 Husbands, love your wives, and be not bitter against them.

20 Children, obey your parents in all things: for this is well pleasing unto the Lord.

21 Fathers, provoke not your children to anger, lest they be discouraged.

22 Servants, obey in all things your masters according to the flesh; not with eyeservice, as menpleasers; but in singleness of heart, fearing God;

23 And whatsoever ye do, do it heartily, as to the Lord, and not unto men;

24 Knowing that of the Lord ye shall receive the reward of the inheritance: for ye serve the Lord Christ.

25 But he that doeth wrong shall receive for the wrong which he hath done: and there is no respect of persons.