Colosas 3
Ang Biblia, 2001
Ang Bagong Buhay kay Cristo
3 Kung(A) kayo nga'y muling binuhay na kasama ni Cristo, ay hanapin ninyo ang mga bagay na nasa itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos.
2 Ituon ninyo ang inyong pag-iisip sa mga bagay na nasa itaas, hindi sa mga bagay na nasa ibabaw ng lupa,
3 sapagkat kayo'y namatay na, at ang inyong buhay ay natatagong kasama ni Cristo sa Diyos.
4 Kapag si Cristo na inyong[a] buhay ay nahayag, ay mahahayag nga rin kayo na kasama niya sa kaluwalhatian.
5 Patayin ninyo ang anumang makalupa na nasa inyo: pakikiapid, karumihan, masamang pita, masasamang pagnanasa, at kasakiman na ito'y pagsamba sa mga diyus-diyosan.
6 Dahil sa mga bagay na ito ay dumarating ang poot ng Diyos sa mga anak ng pagsuway.[b]
7 Ang mga ito rin ang nilakaran ninyo noong una, nang kayo'y nabubuhay pa sa mga bagay na ito.
8 Ngunit ngayon ay itakuwil ninyo ang lahat ng mga ito: galit, poot, masamang pag-iisip, panlalait, at maruming pananalita mula sa inyong bibig.
9 Huwag(B) kayong magsinungaling sa isa't isa, yamang hinubad na ninyo ang dating pagkatao pati ang mga gawa nito,
10 at(C) kayo'y nagbihis na ng bagong pagkatao, na binabago sa kaalaman ayon sa larawan ng lumalang sa kanya.
11 Dito'y wala ng Griyego at Judio, tuli at di-tuli, ng barbaro, ng Scita, ng alipin, ng malaya; kundi si Cristo ang lahat at nasa lahat!
12 Bilang(D) mga hinirang ng Diyos, mga banal at minamahal, magbihis kayo ng kahabagan, ng kabaitan, ng kababaang-loob, ng kaamuan, at ng katiyagaan.
13 Pagtiisan(E) ninyo ang isa't isa, at kung ang sinuman ay may reklamo laban sa kanino man, magpatawaran kayo sa isa't isa, kung paanong pinatawad kayo ng Panginoon, ay gayundin naman ang inyong gawin.
14 At higit sa lahat ng mga bagay na ito ay magbihis kayo ng pag-ibig na siyang tali ng kasakdalan.
15 At maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, na doon ay tinawag din naman kayo sa isang katawan. At kayo'y maging mapagpasalamat.
16 Manirahan(F) nawang sagana sa inyo ang salita ni Cristo ayon sa lahat ng karunungan; magturo at magpaalalahanan kayo sa isa't isa sa pamamagitan ng mga salmo at ng mga himno at mga awiting espirituwal, na umaawit na may pasasalamat sa Diyos sa inyong mga puso.
17 At anumang inyong ginagawa, sa salita, o sa gawa, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus, na nagpapasalamat kayo sa Diyos Ama sa pamamagitan niya.
Mga Tuntunin sa mga Pamilyang Cristiano
18 Mga(G) babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa, gaya ng nararapat sa Panginoon.
19 Mga(H) lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa at huwag kayong maging malupit sa kanila.
20 Mga(I) anak, sumunod kayo sa inyong mga magulang sa lahat ng mga bagay, sapagkat ito'y nakakalugod sa Panginoon.
21 Mga ama,(J) huwag ninyong ibunsod sa galit ang inyong mga anak, baka manghina ang loob nila.
22 Mga(K) alipin, sumunod kayo sa lahat ng mga bagay sa mga panginoon ninyo sa lupa, hindi naglilingkod kung may tumitingin, na gaya ng pagbibigay-lugod sa mga tao, kundi sa katapatan ng puso, na may takot sa Panginoon.
23 Anuman ang inyong ginagawa, ay inyong gawin ng buong puso, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao;
24 yamang inyong nalalaman na sa Panginoon ay tatanggapin ninyo ang gantimpalang mana. Paglingkuran ninyo ang Panginoong Jesu-Cristo.
25 Sapagkat(L) ang gumagawa ng masama ay pagbabayarin sa kasamaang kanyang ginawa; at walang itinatanging tao.
Footnotes
- Colosas 3:4 Sa ibang mga kasulatan ay ating .
- Colosas 3:6 Sa ibang mga kasulatan ay walang mga anak ng pagsuway .
Colossians 3
New King James Version
Not Carnality but Christ
3 If then you were (A)raised with Christ, seek those things which are above, (B)where Christ is, sitting at the right hand of God. 2 Set your mind on things above, not on things on the (C)earth. 3 (D)For you died, (E)and your life is hidden with Christ in God. 4 (F)When Christ who is (G)our life appears, then you also will appear with Him in (H)glory.
5 (I)Therefore put to death (J)your members which are on the earth: (K)fornication, uncleanness, passion, evil desire, and covetousness, (L)which is idolatry. 6 (M)Because of these things the wrath of God is coming upon (N)the sons of disobedience, 7 (O)in which you yourselves once walked when you lived in them.
8 (P)But now you yourselves are to put off all these: anger, wrath, malice, blasphemy, filthy language out of your mouth. 9 Do not lie to one another, since you have put off the old man with his deeds, 10 and have put on the new man who (Q)is renewed in knowledge (R)according to the image of Him who (S)created him, 11 where there is neither (T)Greek nor Jew, circumcised nor uncircumcised, barbarian, Scythian, slave nor free, (U)but Christ is all and in all.
Character of the New Man
12 Therefore, (V)as the elect of God, holy and beloved, (W)put on tender mercies, kindness, humility, meekness, longsuffering; 13 (X)bearing with one another, and forgiving one another, if anyone has a complaint against another; even as Christ forgave you, so you also must do. 14 (Y)But above all these things (Z)put on love, which is the (AA)bond of perfection. 15 And let (AB)the peace of God rule in your hearts, (AC)to which also you were called (AD)in one body; and (AE)be thankful. 16 Let the word of Christ dwell in you richly in all wisdom, teaching and admonishing one another (AF)in psalms and hymns and spiritual songs, singing with grace in your hearts to the Lord. 17 And (AG)whatever you do in word or deed, do all in the name of the Lord Jesus, giving thanks to God the Father through Him.
The Christian Home(AH)
18 (AI)Wives, submit to your own husbands, (AJ)as is fitting in the Lord.
19 (AK)Husbands, love your wives and do not be (AL)bitter toward them.
20 (AM)Children, obey your parents (AN)in all things, for this is well pleasing to the Lord.
21 (AO)Fathers, do not provoke your children, lest they become discouraged.
22 (AP)Bondservants, obey in all things your masters according to the flesh, not with eyeservice, as men-pleasers, but in sincerity of heart, fearing God. 23 (AQ)And whatever you do, do it heartily, as to the Lord and not to men, 24 (AR)knowing that from the Lord you will receive the reward of the inheritance; (AS)for[a] you serve the Lord Christ. 25 But he who does wrong will be repaid for what he has done, and (AT)there is no partiality.
Footnotes
- Colossians 3:24 NU omits for
Scripture taken from the New King James Version®. Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved.

