Add parallel Print Page Options

Iba Pang Tagubilin

Magpatuloy kayo sa pananalangin, at kayo'y magbantay na may pagpapasalamat.

At idalangin din ninyo kami, na buksan ng Diyos para sa amin ang pinto para sa salita, upang aming maipahayag ang hiwaga ni Cristo, na dahil din dito ako'y nakagapos,

upang ito'y aking maipahayag, gaya ng aking nararapat na sabihin.

Lumakad(A) kayo na may karunungan sa harap ng mga nasa labas, na inyong samantalahin ang pagkakataon.

Ang inyong pananalita nawa'y laging may biyaya, na may timplang asin, upang inyong malaman kung paano ninyo dapat sagutin ang bawat isa.

Read full chapter