Colosas 3
Ang Biblia (1978)
3 Kung kayo nga'y (A)muling binuhay na kalakip ni Cristo, ay hanapin ninyo ang mga bagay na nangasa itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Dios.
2 Ilagak ninyo ang inyong pagiisip sa mga bagay na nangasa itaas, huwag sa mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa.
3 Sapagka't (B)kayo'y nangamatay na, at ang inyong buhay ay natatagong kasama ni Cristo sa Dios.
4 Pagka si Cristo na (C)ating buhay ay mahayag, (D)ay mahahayag nga rin kayo na kasama niya (E)sa kaluwalhatian.
5 (F)Patayin nga ninyo ang (G)inyong mga sangkap ng katawang nangasa ibabaw ng lupa, (H)pakikiapid, karumihan, masamang pita, masasamang nasa, at kasakiman, (I)na iya'y pagsamba sa mga diosdiosan;
6 Na dahil sa mga bagay na iyan ay dumarating (J)ang kagalitan ng Dios sa (K)mga anak ng pagsuway:
7 Na inyo ring nilakaran nang una, nang kayo'y nangabubuhay pa sa mga bagay na ito;
8 Datapuwa't ngayon ay (L)inyo namang layuan ang lahat ng mga ito: (M)galit, kapootan, paghihinala, panunungayaw, (N)mga salitang kahalay-halay na mula sa inyong bibig:
9 Huwag kayong mangagbubulaan sa isa't isa; (O)yamang hinubad na ninyo (P)ang datihang pagkatao pati ng kaniyang mga gawa,
10 At kayo'y nangagbihis ng bagong pagkatao, na nagbabago sa kaalaman ayon (Q)sa larawan niyaong lumalang sa kaniya:
11 Doo'y hindi maaaring magkaroon ng (R)Griego at ng Judio, ng (S)pagtutuli at ng di pagtutuli, ng barbaro, ng Scita, ng alipin, ng laya; kundi si (T)Cristo ang lahat, at sa lahat.
12 Mangagbihis nga kayo (U)gaya ng mga hinirang ng Dios, na mga banal at minamahal, (V)ng isang pusong mahabagin, ng (W)kagandahangloob, ng kababaan, ng kaamuan, ng pagpapahinuhod:
13 Mangagtiisan kayo sa isa't isa, at (X)mangagpatawaran kayo sa isa't isa, kung ang sinoman ay may sumbong laban sa kanino man; na kung paanong pinatawad kayo ng Panginoon, ay gayon din naman ang inyong gawin:
14 At sa ibabaw ng lahat ng mga bagay na ito ay (Y)mangagbihis kayo ng pagibig na siyang tali ng kasakdalan.
15 At maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, (Z)na diya'y tinawag din naman kayo (AA)sa isang katawan; at kayo'y maging mapagpasalamat.
16 Manahanan nawang sagana sa inyo ang salita ni Cristo; ayon sa buong karunungan, kayo'y mangagturuan at mangagpaalalahanan sa isa't isa (AB)sa pamamagitan ng mga salmo at ng mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na magsiawit kayong may biyaya sa inyong puso sa Dios.
17 At anomang inyong ginagawa, (AC)sa salita, o sa gawa, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus, na nagpapasalamat kayo sa Dios sa pamamagitan niya.
18 Mga babae, (AD)pasakop kayo sa inyo-inyong asawa, gaya ng nararapat sa Panginoon.
19 Mga lalake, (AE)ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, at huwag kayong maging mapait sa kanila.
20 Mga anak, (AF)magsitalima kayo sa inyong magulang sa lahat ng mga bagay, sapagka't ito'y totoong nakalulugod sa Panginoon.
21 Mga ama, (AG)huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak, upang huwag manghina ang loob nila.
22 (AH)Mga alipin, magsitalima kayo sa lahat ng mga bagay sa mga yaong ayon sa laman ay inyong mga panginoon: hindi ang paglilingkod sa paningin, na gaya ng pagbibigay lugod sa mga tao, kundi sa katapatan ng puso, na mangatakot sa Panginoon:
23 Anomang inyong ginagawa, (AI)ay inyong gawin ng buong puso, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao;
24 Yamang inyong nalalaman na sa Panginoon ay (AJ)tatanggapin ninyo ang ganting (AK)mana; sapagka't naglilingkod kayo sa Panginoong Jesucristo.
25 Sapagka't ang gumagawa ng masama ay tatanggap ng ayon sa masama na kaniyang ginawa; (AL)at walang itinatanging mga tao.
Colosas 3
Ang Salita ng Diyos
Tuntunin Para sa Matuwid na Pamumuhay
3 Yamang kayo nga ay muling binuhay na kasama ni Cristo, hanapin ninyo ang mga bagay na nasa itaas, kung saan si Cristo ay nakaupo sakanan ng Diyos.
2 Ituon ninyo ang inyong pag-iisip sa mga bagay na nasaitaas at hindi sa mga bagay na nasa lupa. 3 Ito ay sapagkat namatay nakayo at ang buhay ninyo ay natatagong kasama ni Cristo sa Diyos. 4 Kapag si Cristo na ating buhay ay mahahayag, kasama rin naman niya kayong mahahayag sa kaluwalhatian.
5 Patayin nga ninyo ang inyong mga bahagi na maka-lupa. Ito ay ang pakikiapid, karumihan, pita ng laman, masasamang nasa at kasakiman na siyang pagsamba sa diyos-diyosan. 6 Dahil sa mga bagay na ito, ang poot ng Diyos ay dumarating sa mga anak na masuwayin. 7 Ang mga ito ay inyo rin namang nilakaran noong una nang kayo ay namumuhay pa sa gani-tong mga bagay. 8 Ngunit ngayon ay hubarin na ninyo ang lahat ng ito: galit, poot, masamang hangarin, pamumusong, malalaswang salita na mula sa inyong bibig. 9 Huwag na kayong magsinungaling sa isa’t isa, yamang hinubad na ninyo nang lubusan ang dating pagkatao kasama ang mga masasamang gawa nito. 10 Isuot naman ninyo ang bagong pagkatao na binago patungo sa kaalaman ayon sa wangis ng lumalang sa kaniya. 11 Doon ay wala ng pagkakaiba ang mga Griyego o mga Judio, ang mga nasa pagtutuli o wala sa pagtutuli, mga hindi Griyego, mga Scita, mga alipin o malaya. Si Cristo ang lahat at nasa lahat.
12 Kaya nga, bilang mga hinirang ng Diyos, mga banal at minamahal, magsuot kayo ng pusong maawain, ng kabutihan, kapakumbabaan ng pag-iisip, ng kaamuan at pagtitiyaga. 13 Magbatahan kayo sa isa’t isa at magpatawaran kayo sa isa’t isa kapag ang sinuman ay may hinaing sa kaninuman. Kung paanong pinatawad kayo ni Cristo ay gayundin kayo magpatawad. 14 Higit sa lahat ng mga bagay na ito, magbihis kayo ng pag-ibig na siyang tali ng kasakdalan.
15 Ang kapayapaan ng Diyos ang siyang maghari sa inyong mga puso. Kayo ay tinawag dito sa isang katawan at maging mapagpasalamat kayo. 16 Manahang sagana sa inyo ang salita ni Cristo sa lahat ng karunungan. Turuan at payuhan ninyo ang bawat isa sa pamamagitan ng mga salmo, ng mga himno at mga awiting espirituwal. Umawit kayong may biyaya sa inyong puso sa Panginoon. 17 Anuman ang inyong gawin sa salita o sa gawa, gawin ninyo ang lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus na may pagpapasalamat sa Diyos Ama sa pamamagitan niya.
Tuntunin Para sa Sambahayang Kristiyano
18 Mga asawang babae, magpasakop kayo sa inyong asawa gaya ng nararapat sa Panginoon.
19 Mga asawang lalaki, ibigin ninyo ang inyong asawa at huwag kayong maging marahas sa kanila.
20 Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa lahat ng bagay sapagkat nakalulugod ito sa Diyos.
21 Mga ama, huwag ninyong ibunsod sa galit ang inyong mga anak upang huwag manghina ang kanilang loob.
22 Mga alipin, sundin ninyo sa lahat ng bagay ang inyong mga amo dito sa lupa, hindi lamang kung sila ay nakatingin bilang pakitang-tao, kundi sa katapatan ng puso na may takot sa Diyos. 23 Anuman ang inyong gawin, gawin ninyo ito ng buong puso na para sa Panginoon at hindi para sa mga tao. 24 Yamang nalalaman ninyo na kayo ay tatanggap mula sa Panginoon ng gantimpalang mana dahil ang Panginoon, ang Cristo ang inyong pinaglilingkuran. 25 Ang sinumang gumagawa ng masama ay tatanggap ng kabayaran sa kaniyang ginawangkasamaan. Ang Diyos ay walang mga taong itinatangi.
歌罗西书 3
Chinese Contemporary Bible (Simplified)
追求属天的事
3 你们既然和基督一同复活了,就应当追求天上的事,那里有坐在上帝右边的基督。 2 你们要思想天上的事,而不是地上的事, 3 因为你们的旧生命已经死了,你们的新生命与基督一同藏在上帝里面。 4 基督就是你们的新生命,祂显现的时候,你们也必和祂一起在荣耀中显现。
5 所以,你们要治死身上属世的罪恶,如淫乱、污秽、邪情、恶欲和贪心,贪心就是拜偶像, 6 因为上帝的烈怒必临到做这些事的悖逆之人。 7 你们过去也和他们一样过着罪恶的生活, 8 但现在必须杜绝这一切的恶事,如怒气、愤恨、恶毒、毁谤和污言秽语。 9 不要彼此说谎,因为你们已经脱去了旧人和旧的行为, 10 穿上了新人。这新人在知识上不断更新,更像他的造物主。 11 从此,不再分希腊人、犹太人,受割礼的、未受割礼的,野蛮人、未开化的人[a],奴隶和自由人,基督就是一切,并且贯穿一切。
12 所以,你们既然是上帝所拣选的,是圣洁、蒙爱的人,就要心存怜悯、恩慈、谦虚、温柔和忍耐。 13 倘若彼此之间有怨言,总要互相宽容,彼此饶恕,主怎样饶恕你们,你们也要照样饶恕他人。 14 最重要的是要有爱,爱能把一切完美地联合在一起。 15 要让基督的平安掌管你们的心,你们就是为此而蒙召成为一个身体。要常存感恩的心。 16 要将基督的话丰丰富富地存在心里,用各样智慧彼此教导,互相劝诫,以感恩的心用诗篇、圣乐、灵歌颂赞上帝。 17 你们无论做什么事、说什么话,都要奉主耶稣的名而行,并借着祂感谢父上帝。
和谐家庭
18 你们做妻子的,要顺服丈夫,信主的人应当这样做。 19 你们做丈夫的,要爱妻子,不可恶待她们。 20 你们做儿女的,凡事要听从父母,因为这是主所喜悦的。 21 你们做父亲的,不要激怒儿女,免得他们灰心丧志。 22 你们做奴仆的,凡事要听从你们世上的主人,不要只做讨好人的表面工夫,要以敬畏主的心真诚服侍。 23 无论做什么事,都要发自内心,像是为主做的,而不是为人做的, 24 因为你们知道自己一定会从主那里得到基业为奖赏。你们事奉的是主基督, 25 凡作恶的人终必自食恶果,因为上帝不偏待人。
Footnotes
- 3:11 “未开化的人”希腊文是“西古提人”。
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Copyright © 1998 by Bibles International
Chinese Contemporary Bible Copyright © 1979, 2005, 2007, 2011 by Biblica® Used by permission. All rights reserved worldwide.
