Font Size
Colosas 3:12-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Colosas 3:12-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
12 Kaya(A) nga, dahil kayo'y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para sa kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbaba, mahinahon, at mapagtiis. 13 Magpasensiya(B) kayo sa isa't isa. Kung may hinanakit kayo kaninuman, magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon.[a] 14 At higit sa lahat, taglayin ninyo ang pagmamahalan, na siyang nagbubuklod sa lahat sa ganap na pagkakaisa.
Read full chapterFootnotes
- 13 ng Panginoon: Sa ibang manuskrito'y ni Cristo, at sa iba pang manuskrito'y ng Diyos kay Cristo .