Colosas 2
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
2 Nais kong malaman nʼyo kung gaano kalaki ang paghihirap ko para sa inyo, ganoon din sa mga nasa Laodicea at sa lahat ng hindi pa nakakakilala sa akin nang personal. 2 Ginagawa ko ito para palakasin ang loob ninyong lahat at pag-isahin kayo sa pag-ibig. Sa ganoon, malalaman at mauunawaan nʼyo nang lubos ang lihim na plano ng Dios tungkol kay Cristo. 3 Si Cristo ang pinagmumulan ng lahat ng karunungan at kaalaman.
4 Sinasabi ko sa inyo ang mga bagay na ito para hindi kayo malinlang ninuman sa pamamagitan ng magagaling nilang pangangatwiran. 5 Kahit wala ako riyan sa inyo, lagi kayong nasa isipan ko. At masaya ako dahil maayos ang pamumuhay nʼyo at matatag ang inyong pananampalataya kay Cristo.
Si Cristo ang Dapat Nating Sundin
6 Dahil tinanggap nʼyo na si Cristo Jesus bilang Panginoon, mamuhay kayo nang karapat-dapat sa kanya. 7 Patuloy kayong lumago at tumibay sa kanya. Magpakatatag kayo sa pananampalatayang itinuro sa inyo, at maging mapagpasalamat din kayo.
8 Mag-ingat kayo nang hindi kayo madala ng walang kabuluhan at mapandayang pilosopiya. Mga tradisyon lang ito at mga pamamaraan ng mundo, at hindi mula kay Cristo. 9 Kaya huwag kayong padadala, dahil ang kapuspusan ng Dios ay nananahan sa katawan ni Cristo. 10 At naging ganap kayo sa pakikipag-isa nʼyo sa kanya, na siyang pangulo ng lahat ng espiritung namumuno at may kapangyarihan.
11 Dahil sa pakikipag-isa nʼyo kay Cristo, tinuli na kayo. Ang pagtutuli na ito ay hindi pisikal kundi espiritwal – ang pag-aalis ng masasamang hilig ng laman. Ito ang pagtutuling mula kay Cristo. 12 Inilibing kayong kasama ni Cristo nang bautismuhan kayo. At dahil nakay Cristo na kayo, muli kayong binuhay na kasama niya, dahil nananalig kayo sa kapangyarihan ng Dios na bumuhay sa kanya. 13 Noong una, itinuring kayong mga patay ng Dios dahil sa mga kasalanan ninyo. Pero ngayon, binuhay kayo ng Dios kasama ni Cristo. Pinatawad niya ang lahat ng kasalanan natin. 14 May pananagutan dapat tayo sa Dios dahil hindi natin matupad ang Kautusan. Pero inalis ito ng Dios sa pamamagitan ng pagkapako ni Cristo sa krus. Kaya hindi na tayo parurusahan. 15 Doon din sa krus nilupig ng Dios ang mga espiritung namumuno at may kapangyarihan, at ipinakita sa lahat na ang mga ito ay bihag na niya.
16 Kaya nga, huwag na kayong padadala sa mga tao na nagsasabi sa inyo kung ano ang hindi dapat kainin o inumin, o kung ano ang dapat gawin tuwing kapistahan, Pista ng Pagsisimula ng Buwan, o Araw ng Pamamahinga. 17 Anino lang ang mga ito ng inaasahan noon na darating, at si Cristo ang katuparan nito. 18 Huwag kayong padadaya sa mga taong humihikayat na kailangan ninyong pagkaitan ang sarili nʼyo at sambahin ang mga anghel. Pinaninindigan nila ang mga ito dahil sa mga pangitain nila na pagyayabang lang, walang kabuluhan, at gawa-gawa lang ng makamundo nilang pag-iisip. 19 Wala silang kaugnayan kay Cristo na siyang ulo natin. Siya ang nag-uugnay-ugnay at nag-aalaga sa atin na kanyang katawan sa pamamagitan ng mga magkakaugnay na bahagi nito. Sa ganoon, lumalago tayo nang naaayon sa Dios.
Ang Bagong Buhay Kay Cristo
20 Namatay kayong kasama ni Cristo, at pinalaya sa mga walang kabuluhang pamamaraan ng mundo, kaya bakit namumuhay pa rin kayo na parang mga makamundo? Bakit sumusunod pa rin kayo sa mga tuntuning tulad ng, 21 “Huwag hahawak nito,” “Huwag titikim niyon,” “Huwag hihipo niyan”? 22 Ang mga itoʼy batay lang sa utos at turo ng tao tungkol sa mga bagay na nawawala pagkatapos kainin o inumin. 23 Sa unang tingin, parang may karunungan ang mga ganitong katuruan tungkol sa gusto nilang pagsamba, pagpapakumbaba, at pagpapahirap sa sariling katawan. Pero ang totoo, wala namang naitutulong ang mga ito sa pagpipigil sa masasamang hilig ng laman.
Colossians 2
New King James Version
Not Philosophy but Christ
2 For I want you to know what a great (A)conflict[a] I have for you and those in Laodicea, and for as many as have not seen my face in the flesh, 2 that their hearts may be encouraged, being knit together in love, and attaining to all riches of the full assurance of understanding, to the knowledge of the mystery of God, [b]both of the Father and of Christ, 3 (B)in whom are hidden all the treasures of wisdom and knowledge.
4 Now this I say (C)lest anyone should deceive you with persuasive words. 5 For (D)though I am absent in the flesh, yet I am with you in spirit, rejoicing [c]to see (E)your good order and the (F)steadfastness of your faith in Christ.
6 (G)As you therefore have received Christ Jesus the Lord, so walk in Him, 7 (H)rooted and built up in Him and established in the faith, as you have been taught, abounding [d]in it with thanksgiving.
8 Beware lest anyone [e]cheat you through philosophy and empty deceit, according to (I)the tradition of men, according to the (J)basic principles of the world, and not according to Christ. 9 For (K)in Him dwells all the fullness of the Godhead [f]bodily; 10 and you are complete in Him, who is the (L)head of all [g]principality and power.
Not Legalism but Christ
11 In Him you were also (M)circumcised with the circumcision made without hands, by (N)putting off the body [h]of the sins of the flesh, by the circumcision of Christ, 12 (O)buried with Him in baptism, in which you also were raised with Him through (P)faith in the working of God, (Q)who raised Him from the dead. 13 And you, being dead in your trespasses and the uncircumcision of your flesh, He has made alive together with Him, having forgiven you all trespasses, 14 (R)having wiped out the [i]handwriting of requirements that was against us, which was contrary to us. And He has taken it out of the way, having nailed it to the cross. 15 (S)Having disarmed (T)principalities and powers, He made a public spectacle of them, triumphing over them in it.
16 So let no one (U)judge you in food or in drink, or regarding a [j]festival or a new moon or sabbaths, 17 (V)which are a shadow of things to come, but the [k]substance is of Christ. 18 Let no one cheat you of your reward, taking delight in false humility and worship of angels, intruding into those things which he has [l]not seen, vainly puffed up by his fleshly mind, 19 and not holding fast to (W)the Head, from whom all the body, nourished and knit together by joints and ligaments, (X)grows with the increase that is from God.
20 [m]Therefore, if you (Y)died with Christ from the basic principles of the world, (Z)why, as though living in the world, do you subject yourselves to regulations— 21 (AA)“Do not touch, do not taste, do not handle,” 22 which all concern things which perish with the using—(AB)according to the commandments and doctrines of men? 23 (AC)These things indeed have an appearance of wisdom in self-imposed religion, false humility, and [n]neglect of the body, but are of no value against the indulgence of the flesh.
Footnotes
- Colossians 2:1 struggle
- Colossians 2:2 NU omits both of the Father and
- Colossians 2:5 Lit. and seeing
- Colossians 2:7 NU omits in it
- Colossians 2:8 Lit. plunder you or take you captive
- Colossians 2:9 in bodily form
- Colossians 2:10 rule and authority
- Colossians 2:11 NU omits of the sins
- Colossians 2:14 certificate of debt with its
- Colossians 2:16 feast day
- Colossians 2:17 Lit. body
- Colossians 2:18 NU omits not
- Colossians 2:20 NU, M omit Therefore
- Colossians 2:23 severe treatment, asceticism
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Scripture taken from the New King James Version®. Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved.
