Add parallel Print Page Options

Ang pananam­palataya at pag-ibig na ito ay dahil sa pag-asang nakalaan para sa inyo sa kalangitan, na una ninyong narinig sa salita ng katotohanan ng ebanghelyo. Dumating ito sa inyo, tulad ng pagdating nito sa buong sanlibutan. Ito ay nagbubunga gaya rin naman ng pagbubunga sa inyo mula nang araw na inyong marinig at malaman ang biyaya ng Diyos sa katotohanan. Ito ay katulad ng natutunan ninyo kay Epafras, ang minamahal naming kapwa-alipin, na tapat na tagapaglingkod ni Cristo para sa inyo.

Read full chapter