Font Size
Colosas 1:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Colosas 1:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
5 dahil sa pag-asang makakamtan ninyo na inihanda para sa inyo sa langit. Nalaman ninyo ang tungkol sa pag-asang ito nang ipangaral sa inyo ang salita ng katotohanan, ang Magandang Balita na dumating sa inyo. 6 Ito'y lumalaganap at nagdadala ng pagpapala sa buong daigdig, tulad ng nangyari sa inyo mula nang marinig at maunawaan ninyo ang katotohanan tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos. 7 Natutunan ninyo ito kay Epafras(A), ang aming kamanggagawa, isang tapat na lingkod ni Cristo at kinatawan ninyo.[a]
Read full chapterFootnotes
- 7 kinatawan ninyo: Sa ibang manuskrito'y kinatawan namin .