Font Size
Colosas 1:22-24
Ang Salita ng Diyos
Colosas 1:22-24
Ang Salita ng Diyos
22 Ito ay sa katawan ng kaniyang laman sa pamamagitan ngkaniyang kamatayan upang kayo ay maiharap na banal at walang kapintasan at walang maipaparatang sa kaniyang paningin. 23 Ito ay kung manatili kayo sa pananampalataya na matatag at matibay at hindi malilipat mulasa pag-asa ng ebanghelyo na inyong narinig at ito ang ipinangaral sa bawat nilalang na nasa silong ng langit. Akong si Pablo ay ginawang tagapaglingkod ng ebanghelyong ito.
Ang Pagpapagal ni Pablo Para sa Iglesiya
24 Ako ngayon ay nagagalak sa aking mga paghihirap alang-alang sa inyo. Pinupunuan ko sa aking katawan ang mga kakulangan ng mga paghihirap niCristo para sa kapakanan ng kaniyang katawan, ang iglesiya.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International