Add parallel Print Page Options

12 Magpasalamat kayo sa Ama na nagpaging-dapat sa atin na maging kabahagi ng mana ng mga banal sa kaliwanagan. 13 Siya ang nagligtas sa atin mula sa kapama­halaan ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng kaniyang pinakamamahal na Anak. 14 Sa kaniya ay mayroon tayong katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ang kapatawaran ng mga kasalanan.

Read full chapter