Add parallel Print Page Options

12 Lagi kayong magpasalamat sa Ama sapagkat minarapat niyang makabahagi kayo[a] sa mga pangako ng Diyos para sa mga hinirang na nasa liwanag. 13 Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak. 14 Sa(A) pamamagitan niya ay napalaya tayo, samakatuwid ay pinatawad ang ating mga kasalanan [sa pamamagitan ng kanyang dugo].[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 12 kayo: Sa ibang manuskrito'y tayo .
  2. 14 sa pamamagitan ng kanyang dugo: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang mga salitang ito.