Colosas 1:13
Magandang Balita Biblia
13 Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak.
Read full chapter
1 Tesalonica 1:10
Magandang Balita Biblia
10 at maghintay sa pagbabalik ng kanyang Anak mula sa langit. Ito'y si Jesus na muli niyang binuhay; na siya ring nagliligtas sa atin sa darating na poot ng Diyos.
Read full chapter
1 Pedro 1:18
Magandang Balita Biblia
18 Alam ninyo kung ano ang ipinantubos sa inyo sa walang kabuluhang pamumuhay na inyong minana sa inyong mga magulang. Tinubos kayo hindi sa pamamagitan ng mga bagay na nasisira, tulad ng ginto o pilak,
Read full chapter
Mga Hebreo 2:14-15
Magandang Balita Biblia
14 Dahil sa ang mga anak na tinutukoy niya ay tao, naging tao rin si Jesus at tulad nila'y may laman at dugo. Ginawa niya ito upang sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay mawasak niya ang diyablo na siyang may kapangyarihan sa kamatayan. 15 Sa pamamagitan din ng kanyang kamatayan ay pinalaya niya ang lahat ng tao na buong buhay nila'y inalipin ng takot sa kamatayan.
Read full chapter
Galacia 3:13
Magandang Balita Biblia
13 Tinubos(A) tayo ni Cristo mula sa sumpa ng Kautusan nang siya ay isinumpa para sa atin, sapagkat nasusulat, “Isinumpa ang bawat binibitay sa punongkahoy.”
Read full chapter
Pahayag 1:5
Magandang Balita Biblia
5 at(A) mula kay Jesu-Cristo, ang tapat na saksi, ang panganay sa mga binuhay mula sa kamatayan, at ang pinuno ng mga hari sa lupa.
Iniibig niya tayo, at sa pamamagitan ng kanyang dugo ay pinalaya[a] niya tayo sa ating mga kasalanan.
Read full chapterFootnotes
- Pahayag 1:5 pinalaya: Sa ibang manuskrito'y hinugasan .
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
