Bilang 33
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang mga Lugar na Dinaanan ng mga Israelita mula Egipto Papuntang Moab
33 Ito ang mga lugar na dinaanan ng mga Israelita nang umalis sila sa Egipto na nakagrupo ang bawat lahi sa ilalim ng pangunguna nina Moises at Aaron. 2 Ayon sa utos ng Panginoon, inilista ni Moises ang kanilang dinaanan na mga lugar mula sa kanilang pinanggalingan. 3 Umalis sila sa Rameses nang ika-15 araw ng unang buwan pagkatapos ng Pista ng Paglampas ng Anghel. Umalis silang may lakas ng loob, habang nakatingin ang mga Egipcio 4 na naglilibing ng lahat ng panganay nilang lalaki na pinatay ng Panginoon dahil hinatulan sila ng Panginoon sa kanilang pagsamba sa mga dios-diosan nila.
5 Mula sa Rameses, nagkampo sila sa Sucot.
6 Mula sa Sucot, nagkampo sila sa Etam, na tabi ng disyerto.
7 Mula sa Etam, nagbalik sila papunta sa Pi Harirot na nasa silangan ng Baal Zefon, at nagkampo malapit sa Migdol.
8 Mula sa Pi Harirot, tumawid sila sa dagat at pumunta sa disyerto. Naglakbay sila sa loob ng tatlong araw sa disyerto ng Etam at nagkampo sila sa Mara. 9 Mula sa Mara, nagkampo sila sa Elim, kung saan may 12 bukal at 70 puno ng palma.
10 Mula sa Elim nagkampo sila sa tabi ng Dagat na Pula. 11 Mula sa Dagat na Pula nagkampo sila sa ilang ng Sin.
12 Mula sa ilang ng Sin, nagkampo sila sa Dofka.
13 Mula sa Dofka, nagkampo sila sa Alus.
14 Mula sa Alus, nagkampo sila sa Refidim, kung saan walang tubig na naiinom ang mga tao.
15 Mula sa Refidim, nagkampo sila sa disyerto ng Sinai.
16-36 Ito pa ang mga lugar na kanilang pinagkampuhan nang naglalakbay sila mula sa disyerto ng Sinai papunta sa Kadesh, sa ilang ng Zin: Kibrot Hataava, Hazerot, Ritma, Rimon Perez, Libna, Risa, Kehelata, Bundok ng Shefer, Harada, Makelot, Tahat, Tera, Mitca, Hasmona, Moserot, Bene Jaakan, Hor Hagidgad, Jotbata, Abrona, Ezion Geber at hanggang sa makarating sila sa Kadesh sa ilang ng Zin.
37 Mula sa Kadesh, nagkampo sila sa Bundok ng Hor, sa hangganan ng lupain ng Edom. 38-39 Sa utos ng Panginoon, umakyat si Aaron sa Bundok ng Hor at doon siya namatay sa edad na 123 taon. Nangyari ito noong unang araw ng ikalimang buwan, nang ika-40 taon mula nang umalis ang mga Israelita sa Egipto.
40 Ngayon, ang hari ng Canaan na si Arad na naninirahan sa Negev ay nakabalita na paparating ang mga mamamayan ng Israel.
41-48 Mula naman sa Bundok ng Hor, nagpatuloy ang mga Israelita sa kanilang paglalakbay. Ito ang mga lugar na kanilang pinagkampuhan: Zalmona, Punon, Obot, Iye Abarim, na nasa hangganan ng Moab, Dibon Gad, Almon Diblataim, sa mga bundok ng Abarim na malapit sa Nebo, at hanggang sa nakarating sila sa kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan malapit sa Jerico. 49 Nagkampo sila roon sa tabi ng Jordan mula sa Bet Jeshimot hanggang sa Abel Shitim na sakop pa rin ng kapatagan ng Moab. 50 At habang nagkakampo sila roon sa kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan malapit sa Jerico, sinabi ng Panginoon kay Moises, 51 “Sabihin mo sa mga Israelita na kung tatawid sila sa Ilog ng Jordan papunta sa Canaan, 52 palayasin nila ang lahat ng naninirahan doon at gibain ang lahat ng dios-diosan nila na gawa sa mga bato at metal, at ang lahat ng kanilang sambahan sa matataas na lugar.[a] 53 Sasakupin ninyo ang mga lupaing iyon at doon kayo titira dahil ibinibigay ko ito sa inyo. 54 Partihin ninyo ang lupa sa pamamagitan ng palabunutan ayon sa dami ng bawat lahi. Ang lahi na may maraming bilang ay partihan ninyo ng malaki, at ang lahi na may kakaunting bilang ay partihan ninyo ng maliit. Kung ano ang mabunot nila, iyon na ang kanilang parte. Sa pamamagitan nito, mahahati ang lupa sa bawat lahi.
55 “Pero kung hindi ninyo palalayasin ang mga naninirahan doon, ang mga matitira sa kanilaʼy magiging parang puwing sa inyong mga mata at tinik sa inyong mga tagiliran. Magbibigay sila ng kaguluhan sa inyong paninirahan doon. 56 At gagawin ko sa inyo ang parusa na dapat para sa kanila.”
Footnotes
- 33:52 sambahan sa matataas na lugar: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.
Mga Bilang 33
Ang Dating Biblia (1905)
33 Ito ang mga paglalakbay ng mga anak ni Israel, nang sila'y magsilabas sa lupain ng Egipto, ayon sa kanilang mga hukbo sa ilalim ng kapangyarihan ni Moises at ni Aaron.
2 At isinulat ni Moises ang kanilang mga pagyao ayon sa kanilang mga paglalakbay alinsunod sa utos ng Panginoon: at ito ang kanilang mga paglalakbay ayon sa kanilang mga pagyao.
3 At sila'y nagsipaglakbay mula sa Rameses nang unang buwan, nang ikalabing limang araw ng unang buwan; nang kinabukasan pagkatapos ng paskua ay nagsialis ang mga anak ni Israel na may kamay na nakataas sa paningin ng lahat ng mga taga Egipto,
4 Samantalang inililibing ng mga taga Egipto ang lahat ng kanilang panganay, na nilipol ng Panginoon sa gitna nila: na pati ng kanilang mga dios ay hinatulan ng Panginoon.
5 At ang mga anak ni Israel ay naglakbay mula sa Rameses at humantong sa Succoth.
6 At sila'y naglakbay mula sa Succoth at humantong sa Etham na nasa gilid ng ilang.
7 At sila'y naglakbay mula sa Etham, at lumiko sa Pi-hahiroth, na nasa tapat ng Baal-sephon: at humantong sa tapat ng Migdol.
8 At sila'y naglakbay mula sa tapat ng Hahiroth, at nagsipagdaan sa gitna ng dagat hanggang sa ilang: at sila'y naglakbay na tatlong araw sa ilang ng Etham at humantong sa Mara.
9 At sila'y naglakbay mula sa Mara, at dumating sa Elim: at sa Elim ay may labing dalawang bukal ng tubig at pitong pung puno ng palma; at sila'y humantong doon.
10 At sila'y naglakbay mula sa Elim, at humantong sa tabi ng Dagat na Mapula.
11 At sila'y naglakbay mula sa Dagat na Mapula, at humantong sa ilang ng Zin.
12 At sila'y naglakbay mula sa ilang ng Zin, at humantong sa Dophca.
13 At sila'y naglakbay mula sa Dophca, at humantong sa Alus.
14 At sila'y naglakbay mula sa Alus, at humantong sa Rephidim, na doon, nga walang tubig na mainom ang bayan.
15 At sila'y naglakbay mula sa Rephidim, at humantong sa ilang ng Sinai.
16 At sila'y naglakbay mula sa ilang ng Sinai, at humantong sa Kibroth-hataava.
17 At sila'y naglakbay mula sa Kibroth-hataava, at humantong sa Haseroth.
18 At sila'y naglakbay mula sa Haseroth, at humantong sa Ritma.
19 At sila'y naglakbay mula sa Ritma, at humantong sa Rimmon-peres.
20 At sila'y naglakbay mula sa Rimmon-peres, at humantong sa Libna.
21 At sila'y naglakbay mula sa Libna, at humantong sa Rissa.
22 At sila'y naglakbay mula sa Rissa, at humantong sa Ceelatha.
23 At sila'y naglakbay mula sa Ceelatha at humantong sa bundok ng Sepher.
24 At sila'y naglakbay mula sa bundok ng Sepher, at humantong sa Harada.
25 At sila'y naglakbay mula sa Harada, at humantong sa Maceloth.
26 At sila'y naglakbay mula sa Maceloth, at humantong sa Tahath.
27 At sila'y naglakbay mula sa Tahath at humantong sa Tara.
28 At sila'y naglakbay mula sa Tara, at humantong sa Mithca.
29 At sila'y naglakbay mula sa Mithca, at humantong sa Hasmona.
30 At sila'y naglakbay mula sa Hasmona, at humantong sa Moseroth.
31 At sila'y naglakbay mula sa Moseroth, at humantong sa Bene-jaacan.
32 At sila'y naglakbay mula sa Bene-jaacan, at humantong sa Horhagidgad.
33 At sila'y naglakbay mula sa Horhagidgad at humantong sa Jotbatha.
34 At sila'y naglakbay mula sa Jotbatha, at humantong sa Abrona.
35 At sila'y naglakbay mula sa Abrona, at humantong sa Esion-geber.
36 At sila'y naglakbay mula sa Esion-geber, at humantong sa ilang ng Zin (na siya ring Cades).
37 At sila'y naglakbay mula sa Cades, at humantong sa bundok ng Hor, sa gilid ng lupain ng Edom.
38 At si Aaron na saserdote ay sumampa sa bundok ng Hor sa utos ng Panginoon, at namatay roon, sa ikaapat na pung taon, pagkaalis ng mga anak ni Israel sa lupain ng Egipto, sa ikalimang buwan, nang unang araw ng buwan.
39 At si Aaron ay may isang daan at dalawang pu't tatlong taon nang siya'y mamatay sa bundok ng Hor.
40 At ang Cananeo na hari sa Arad, na tumatahan sa Timugan, sa lupain ng Canaan, ay nakarinig ng pagdating ng mga anak ni Israel.
41 At sila'y naglakbay mula sa bundok ng Hor, at humantong sa Salmona.
42 At sila'y naglakbay mula sa Salmona, at humantong sa Phunon.
43 At sila'y naglakbay mula sa Phunon, at humantong sa Oboth.
44 At sila'y naglakbay mula sa Oboth, at humantong sa Igeabarim, sa hangganan ng Moab.
45 At sila'y naglakbay mula sa Igeabarim, at humantong sa Dibon-gad.
46 At sila'y naglakbay mula sa Dibon-gad, at humantong sa Almon-diblathaim.
47 At sila'y naglakbay mula sa Almon-diblathaim, at humantong sa mga bundok ng Abarim, sa harap ng Nebo.
48 At sila'y naglakbay mula sa mga bundok ng Abarim, at humantong sa mga kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan, sa tapat ng Jerico.
49 At sila'y humantong sa tabi ng Jordan, mula sa Beth-jesimoth hanggang sa Abel-sitim, sa mga kapatagan ng Moab.
50 At sinalita ng Panginoon kay Moises sa mga kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan, sa tapat ng Jerico, na sinasabi,
51 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagtawid ninyo sa Jordan sa lupain ng Canaan,
52 Ay inyo ngang palalayasin ang lahat ng nananahan sa lupain sa harap ninyo, at inyong sisirain ang lahat ng kanilang mga batong tinapyasan, at inyong sisirain ang lahat ng kanilang mga larawang binubo, at inyong gigibain ang lahat ng kanilang mga mataas na dako:
53 At inyong ariin ang lupain, at tatahan kayo roon: sapagka't sa inyo ibinigay ko ang lupain upang ariin.
54 At inyong aariin ang lupain sa sapalaran ayon sa inyong mga angkan; sa marami ay magbibigay kayo ng maraming mana, at sa kaunti ay magbibigay kayo ng kaunting mana: kung kanino mahulog ang palad sa bawa't isa, ay yaon ang magiging kaniya; ayon sa mga lipi ng inyong mga magulang ay inyong mamanahin.
55 Nguni't kung hindi ninyo palalayasin ang mga nananahanan sa lupain sa harap ninyo; ay magiging parang mga tibo nga sa inyong mga mata, at parang mga tinik sa inyong mga tagiliran ang mga ititira ninyo sa kanila, at kanilang babagabagin kayo sa lupain na inyong tinatahanan.
56 At mangyayari, na kung ano ang iniisip kong gawin sa kanila, ay gayon ang gagawin ko sa inyo.
民数记 33
Chinese New Version (Simplified)
从兰塞到亚伯.什亭的路程
33 以下是以色列人按着他们的队伍,在摩西和亚伦的手下,从埃及地出来以后所行的路程。 2 摩西照着耶和华的命令,把他们出发的路程记下来,他们出发的路程是这样: 3 一月十五日,就是逾越节的次日,以色列人从兰塞起行,在所有埃及人眼前昂然无惧地出去了。 4 那时,埃及人正在埋葬他们的长子,就是耶和华在他们中间击杀的,耶和华也对他们的神施行审判。
5 以色列人从兰塞起行,在疏割安营。 6 从疏割起行,在旷野边界的以倘安营。 7 从以倘起行,转到比哈.希录,是在巴力.洗分前面,就在密夺对面安营。 8 从比哈.希录起行,经过了海来到旷野,又在伊坦旷野走了三天的路程,就在玛拉安营。 9 从玛拉起行,来到以琳;在以琳有十二股水泉,七十棵棕树;他们就在那里安营。 10 从以琳起行,在红海边安营。 11 从红海起行,在汛的旷野安营。 12 从汛的旷野起行,在脱加安营。 13 从脱加起行,在亚录安营。 14 从亚录起行,在利非订安营,在那里众民没有水喝。 15 从利非订起行,在西奈的旷野安营。 16 从西奈的旷野起行,在基博罗.哈他瓦安营。
17 从基博罗.哈他瓦起行,在哈洗录安营。 18 从哈洗录起行,在利提玛安营。 19 从利提玛起行,在临门.帕烈安营。 20 从临门.帕烈起行,在立拿安营。 21 从立拿起行,在勒撒安营。 22 从勒撒起行,在基希拉他安营。 23 从基希拉他起行,在沙斐山安营。 24 从沙斐山起行,在哈拉大安营。 25 从哈拉大起行,在玛吉希录安营。 26 从玛吉希录起行,在他哈安营。 27 从他哈起行,在他拉安营。 28 从他拉起行,在密加安营。 29 从密加起行,在哈摩拿安营。 30 从哈摩拿起行,在摩西录安营。 31 从摩西录起行,在比尼.亚干安营。 32 从比尼.亚干起行,在曷.哈及甲安营。 33 从曷.哈及甲起行,在约巴他安营。 34 从约巴他起行,在阿博拿安营。 35 从阿博拿起行,在以旬.迦别安营。 36 从以旬.迦别起行,在寻的旷野安营,寻就是加低斯。 37 从加低斯起行,在以东地边界上的何珥山安营。
38 以色列人从埃及地出来以后四十年,五月一日,亚伦祭司照着耶和华的吩咐,上了何珥山,就死在那里。 39 亚伦死在何珥山上的时候,是一百二十三岁。
40 那时,住在迦南地南方的迦南人亚拉得王,听说以色列人来了。
41 以色列人从何珥山起行,在撒摩拿安营。 42 从撒摩拿起行,在普嫩安营。 43 从普嫩起行,在阿伯安营。 44 从阿伯起行,在摩押边境的以耶.亚巴琳安营。 45 从以耶.亚巴琳起行,在底本.迦得安营。 46 从底本.迦得起行,在亚门.低比拉太音安营。 47 从亚门.低比拉太音起行,在尼波前面的亚巴琳山安营。 48 从亚巴琳山起行,在耶利哥对面,约旦河边的摩押平原安营。 49 他们在摩押平原,沿着约旦河边安营,从帕.耶施末直到亚伯.什亭。
50 耶和华在摩押平原约旦河边,耶利哥对面对摩西说: 51 “你要吩咐以色列说:‘你们过约旦河到了迦南地的时候, 52 就要把所有的居民从你们面前赶出去,毁坏他们的一切雕像,以及一切铸像,又拆毁他们的一切邱坛。 53 你们要占领那地,住在那里,因为我已经把那地赐给你们作产业。 54 你们要按着家族抽签承受那地作产业;人多的,要把产业多分给他们;人少的,要把产业少分给他们;抽签抽出那地归谁,就归谁;你们要按着宗族支派承受产业。 55 如果你们不把那地的居民从你们面前赶出去,所留下的人就必成为你们眼中的刺,肋旁的荆棘,在你们所住的地方扰害你们; 56 并且我原计划怎样待他们,也要怎样待你们。’”
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Chinese New Version (CNV). Copyright © 1976, 1992, 1999, 2001, 2005 by Worldwide Bible Society.