Add parallel Print Page Options

Ipinadala sila ni Moises sa labanan, 1,000 mula sa bawat lahi na pinamumunuan ni Finehas na anak ng paring si Eleazar. Nagdala si Finehas ng mga kagamitan mula sa templo at ng mga trumpeta para sa pagbibigay-babala.

Nakipaglaban sila sa mga Midianita, ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises at pinatay nila ang lahat ng lalaki. Kasama sa pinatay nila ang limang hari ng Midian na sina Evi, Rekem, Zur, Hur at Reba. Pinatay din nila si Balaam na anak ni Beor sa pamamagitan ng espada.

Read full chapter