Add parallel Print Page Options

Ang Pang-araw-araw na mga Handog(A)

28 Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sabihin mo sa mga Israelita na kailangan silang maghandog sa akin ng mga handog sa pamamagitan ng apoy[a] sa nakatakdang panahon. Ang mga handog na ito ay ang pagkain ko, at ang mabangong samyo nito ay makalulugod sa akin. Kaya sabihin mo ito sa mga Israelita: ‘Ito ang mga handog sa pamamagitan ng apoy na inyong iaalay sa Panginoon araw-araw: dalawang tupa na isang taong gulang at walang kapintasan. Ang isang handog ay sa umaga at isa sa hapon, kasama ng handog bilang pagpaparangal sa Panginoon na dalawang kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng isang litrong langis ng olibo. Ito ang pang-araw-araw na handog na inyong susunugin na iniutos noon ng Panginoon sa inyo sa Bundok ng Sinai. Ang mabangong samyo ng handog na ito sa pamamagitan ng apoy ay makalulugod sa Panginoon. Ang handog na inumin na isasama sa bawat tupa ay isang litrong alak at ibubuhos ito sa banal na lugar para sa Panginoon. Ito rin ang gagawin ninyo sa ikalawang tupa na ihahandog ninyo sa hapon. Samahan din ninyo ito ng isang handog bilang pagpaparangal sa Panginoon at handog na inumin. Ang mabangong samyo ng handog na ito sa pamamagitan ng apoy ay makalulugod sa Panginoon.

Ang mga Handog sa Araw ng Pamamahinga

“ ‘Sa araw ng Pamamahinga, maghandog kayo ng dalawang tupa na isang taong gulang at walang kapintasan, kasama ang handog na inumin at ang handog bilang pagpaparangal sa Panginoon na apat na kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis. 10 Ito ang handog na sinusunog tuwing Araw ng Pamamahinga, bukod pa sa pang-araw-araw na handog kasama ang handog na inumin.

Ang Buwanang Handog

11 “ ‘Sa bawat unang araw ng buwan, maghahandog kayo ng handog na sinusunog sa Panginoon. Ang inyong handog ay dalawang batang toro, isang lalaking tupa at pitong batang lalaking tupa na isang taong gulang. Kailangan na walang kapintasan ang lahat ng mga ito. 12 Ang bawat toro ay sasamahan ng handog bilang pagpaparangal sa Panginoon na mga anim na kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis, bawat isang lalaking tupa ay sasamahan din ng handog na may mga apat na kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis bilang pagpaparangal sa Panginoon. 13 At ang batang lalaking tupa ay sasamahan ng handog na dalawang kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis bilang pagpaparangal sa Panginoon. Itoʼy mga handog na sinusunog, ang mabangong samyo nito ay makalulugod sa Panginoon. 14 Ang bawat toro ay sasamahan ng handog na inumin na dalawang litrong katas ng ubas. At ang bawat batang tupa ay sasamahan ng mga isang litrong alak. Ito ang buwanang handog na sinusunog na inyong gagawin sa bawat simula ng buwan sa buong taon. 15 Maghandog pa kayo sa Panginoon ng isang lalaking kambing bilang handog sa paglilinis. Gawin ninyo ito bukod pa sa pang-araw-araw na handog na sinusunog at sa mga handog na inumin.’

Ang Pista ng Paglampas ng Anghel(B)

16 “Ipagdiwang ninyo ang Pista ng Paglampas ng Anghel sa ika-14 na araw ng unang buwan. 17 Bukas magsisimula ang pitong araw na pista. At sa loob ng pitong araw, huwag kayong kakain ng tinapay na may pampaalsa. 18 Sa unang araw ng pista, huwag kayong magtatrabaho, sa halip magtipon kayo para sumamba sa Panginoon. 19 Maghandog kayo sa Panginoon ng handog na sinusunog na dalawang batang toro, isang lalaking tupa at pitong batang lalaking tupa na isang taong gulang. Kailangan na walang kapintasan ang lahat ng mga ito. 20 At sa paghahandog ninyo nito, samahan ninyo ito ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis, anim na kilo sa bawat toro, apat na kilo sa lalaking tupa 21 at dalawang kilo sa bawat batang tupa. 22 Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog sa paglilinis para mapatawad ang inyong mga kasalanan. 23 Ialay ninyo ang mga handog na ito bukod pa sa inyong pang-araw-araw na handog na sinusunog tuwing umaga. 24 Sa ganitong paraan ninyo ialay itong mga handog sa pamamagitan ng apoy bilang pagkain para sa Panginoon. Gawin ninyo ito bawat araw sa loob ng pitong araw. Ang mabangong samyo ng mga handog na ito ay makalulugod sa Panginoon. Ihandog ninyo ito bukod pa sa pang-araw-araw na handog na sinusunog at sa handog na inumin. 25 Sa ikapitong araw, muli kayong magtipon sa pagsamba sa Panginoon. At huwag kayong magtatrabaho sa araw na iyon.

Ang mga Handog sa Panahon ng Pista ng Pag-aani(C)

26 “Sa unang araw ng Pista ng Pag-aani, sa panahon na maghahandog kayo sa Panginoon ng bagong ani ng trigo, huwag kayong magtatrabaho, sa halip magtipon kayo bilang pagsamba sa Panginoon. 27 Maghandog kayo ng handog na sinusunog: dalawang batang toro, isang lalaking tupa at pitong batang lalaking tupa na isang taong gulang. Ang mabangong samyo ng handog na itoʼy makalulugod sa Panginoon. 28 At sa paghahandog ninyo nito, samahan ninyo ito ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis, anim na kilo sa bawat toro, apat na kilo sa lalaking tupa 29 at dalawang kilo sa bawat batang tupa. 30 Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing para sa kapatawaran ng inyong mga kasalanan. 31 Ihandog ninyo ito kasama ang mga handog na inumin bukod pa sa pang-araw-araw na handog na sinusunog at ng handog bilang pagpaparangal sa Panginoon. Siguraduhin ninyo na ang mga hayop na ito ay walang kapintasan.

Footnotes

  1. 28:2 handog sa pamamagitan ng apoy: Tingnan ang “footnote” sa 15:3.

Offerings to the Lord

28 The Lord said to Moses, ‘Tell the Israelites that they must give their gifts to God at the proper time. The smell of the gifts when they burn will make him happy. You must say to them, “This is the offering by fire that you must offer to the Lord: It must be two male lambs that are one year old. They must not have anything wrong with them. That is the burnt offering for every day. You must give one lamb in the morning and one lamb in the evening. With the lambs, you must also offer to God one kilogram of flour that you have mixed with one litre of good olive oil. It is a regular burnt offering that God told you about. He told you about it on Sinai mountain. It is an offering by fire to the Lord. The smell as it burns makes the Lord happy. Then the drink offering with it will be one litre of wine for each lamb. In God's Holy Tent, you must pour out a drink offering of the best wine to the Lord. You must offer the other lamb when it begins to get dark. Offer it with a grain offering and a drink offering like the offerings in the morning. You must give it as an offering by fire. The smell of the smoke from these sacrifices will make the Lord happy.

Then on the Sabbath day, you must offer two male lambs that are one year old. They must not have anything wrong with them. And you must offer 2 kilograms of good flour. Mix that with oil as a grain offering. And you must give the proper drink offering with it. 10 This is the burnt offering for every Sabbath. But you must also give the regular burnt offering with its proper drink offering.

11 Also, on the first day of every month, you must give a burnt offering to the Lord. It must be two young bulls, one male sheep and seven male lambs. The lambs must be one year old and they must not have anything wrong with them. 12 With each bull and with the male sheep, you must give a grain offering. Mix together 3 kilograms of the best flour with olive oil. Offer it to me with each bull. Mix together 2 kilograms of the best flour with olive oil. Offer it to me with the male sheep. 13 And with each lamb you must give a grain offering. Mix together 1 kilogram of the best flour with olive oil. Offer it to me with each male lamb as a burnt offering to the Lord. The smell of the smoke from these sacrifices will make the Lord happy. 14 And there must be drink offerings with these sacrifices. The offering must be 2 litres of wine for a bull. It must be 1.5 litres for the male sheep and 1 litre for a lamb. That is the burnt offering of each month for every month of the year. 15 Also, you must offer one male goat as a sin offering to the Lord. You must offer it with the proper drink offering. But you must still offer the regular burnt offering.

The Passover

16 On the 14th day of the first month, you must eat the Lord's Passover meal. 17 Day 15 is the start of a week when you must eat the flat bread. You must not put any yeast in the bread. You must do that for seven days. 18 The first day will be a holy day and all the people must meet together. You must not work at your jobs on that day. 19 And you must give an offering by fire, a burnt offering to the Lord. The offering must be two young bulls, one male sheep and seven male lambs that are one year old. But these animals must not have anything wrong with them. 20 Offer the proper grain offering with each animal. Mix together 3 kilograms of the best flour and olive oil. Offer it to me with each bull. With the male sheep, offer 2 kilograms of the best flour with oil. 21 With each of the seven lambs, you must offer one kilogram of flour that you have mixed with oil. 22 You must also give one male goat as a sin offering. That is to make things right with God for you. 23 But you must still give the regular burnt offering in the morning. 24 You must offer those gifts every day for seven days. They are the food of an offering by fire. The smell of them as they burn will make the Lord happy. But you must still give the regular burnt offering with the proper drink offering. 25 And the seventh day must be a holy day and all the people must meet together. You must not work at your jobs on that day.

The Festival of Weeks

26 The day when you offer to the Lord the first part of the harvest must also be a holy day. That is also the day when you give to the Lord an offering of new grain. That is the Festival of Weeks. All the people must meet together. You must not work at your jobs on that day. 27 And you must give a burnt offering to the Lord. The offering must be two young bulls, one male sheep and seven male lambs that are one year old. The smell of the smoke from these sacrifices will make the Lord happy. 28 Mix together 3 kilograms of the best flour and olive oil. Offer that with each bull. With the male sheep, offer 2 kilograms of flour with oil. 29 With each of the seven lambs, you must offer one kilogram of flour that you have mixed with oil. 30 You must also offer one male goat to remove your sins. 31 You must still give the regular burnt offering with the proper grain offering. You must give them with the proper drink offerings. The animals must not have anything wrong with them.