Add parallel Print Page Options

25-30 “Ang mga lahi nina Dan, Asher at Naftali ay magkakampo sa hilaga, sa ilalim ng bandila ng kani-kanilang lahi. Ito ang mga pangalan ng kanilang mga pinuno at ang bilang ng kanilang mga tauhan:

Lahi Pinuno Bilang
DanAhiezer na anak ni Amishadai62,700
AsherPagiel na anak ni Ocran41,500
NaftaliAhira na anak ni Enan53,400

31 Ang bilang ng lahat ng grupong ito na pinangungunahan ng lahi ni Dan ay 157,600. Sila ang kahuli-hulihang grupo sa linya kapag naglalakbay ang mga Israelita.”

32 Ang kabuuang bilang ng mga Israelita na nailista ayon sa kanilang lahi ay 603,550 lahat.

Read full chapter