Add parallel Print Page Options

13 Hindi pa ba sapat na kinuha mo kami sa Egipto na maganda at masaganang lupain[a] para patayin lang kami rito sa ilang? At ngayon, gusto mo pang maghari sa amin. 14 At isa pa, hindi mo kami dinala sa maganda at masaganang lupain o binigyan ng mga bukid o mga ubasan na aming aariin. Ngayon, gusto mo pa ba kaming lokohin? Hindi kami pupunta sa iyo!

15 Nagalit si Moises at sinabi niya sa Panginoon, “Huwag po ninyong tatanggapin ang kanilang mga handog. Hindi ako nagkasala sa sinuman sa kanila; wala akong kinuha sa kanila kahit isang asno.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 16:13 maganda at masaganang lupain: sa literal, lupain na dumadaloy ang gatas at pulot. Ganito rin sa talatang 14.