Add parallel Print Page Options

“Panginoong Makapangyarihan sa Lahat, Diyos ng Israel, kami po ay tumatawag sa inyo sa gitna ng aming pagdurusa. Dinggin ninyo kami at kahabagan, O Panginoon, sapagkat nagkasala kami sa inyo. Kayo po ang naghahari magpakailanman, samantalang kami'y namamatay at tuluyan nang naglalaho. Panginoong Makapangyarihan sa lahat, Diyos ng Israel, dinggin ninyo ang aming panalangin. Kami po'y para nang mga patay. Nagkasala sa inyo ang aming mga ninuno nang sila'y hindi tumalima sa inyo, at kami ang nagdurusa dahil sa kanilang kasalanan. Huwag na po ninyong alalahanin ngayon ang kasalanan ng aming mga ninuno, kundi ang inyong pangalan at kapangyarihan. Sapagkat kayo lamang ang Panginoon naming Diyos, at kayo lamang ang lagi naming pupurihin. Ipinunla ninyo sa aming mga puso ang takot sa inyo upang kami ay tumawag sa inyong pangalan. Sa aming pagkabihag, pupurihin namin kayo, sapagkat tinalikuran na namin ang mga pagkakasalang ginawa sa inyo ng aming mga ninuno. Kami ngayon ay nasa gitna ng mga bansang pinagtapunan ninyo sa amin. Kinukutya at hinahamak nila kami. Pinaparusahan ninyo kami, Panginoon naming Diyos, dahil sa kasamaan ng aming mga ninuno na tumalikod sa inyo.”

Papuri sa Karunungan

Dinggin(A) mo, Israel, ang mga kautusang nagbibigay-buhay;
    makinig ka at nang ikaw ay matuto.
10 Israel, bakit ka nasa lupain ng iyong mga kaaway?
    Bakit ka tumanda sa ibang lupain?
    Bakit itinakwil kang parang patay
11     at ibinilang na sa mga nasa Hades?
12 Nangyari ito sapagkat itinakwil mo ang bukal ng Karunungan.
13 Kung lumakad ka lang sa landas ng Diyos,
    sana'y namumuhay kang matiwasay sa habang panahon.
14 Hanapin mo ang bukal ng pang-unawa, lakas at kaalaman,
    at malalaman mo kung nasaan ang mahabang buhay,
    ang liwanag na sa iyo'y papatnubay, at ang kapayapaan.

15 May(B) nakatuklas na ba kung saan nakatira ang Karunungan,
    o nakapasok sa kanyang taguan ng yaman?
16 Nasaan ngayon ang mga tagapamahala ng mga bansa,
    at namamahala sa mababangis na hayop?
17 Nasaan ang mga naglibang sa panghuhuli ng mga ibon?
    Nasaan ang mga nagtipon ng pilak at gintong pinagkatiwalaan ng tao,
    at kailanma'y di nasiyahan sa kanilang naimpok?
18 Nasaan ang mga nagsisikap magkamal ng salapi
    ngunit wala namang iniwang bakas ng kanilang pinagpaguran?
19 Pumanaw na silang lahat, lumipat na sila sa daigdig ng mga patay,
    at may pumalit na sa kanila.

20 May lumitaw ngang mga bagong lahi at nanirahan sa lupain.
    Nakita nga nila ang liwanag ng araw
ngunit hindi nila nakita ang daan ng kaalaman.
    Hindi rin nila natuklasan ang landas ng Karunungan
    at hindi rin nila ito nakamtan.
21 Naligaw ring tulad nila ang kanilang mga anak.
22 Ang Karunungan ay hindi narinig ng mga Canaanita;
    hindi ito nakita ng mga taga-Teman.
23 Hindi rin ito natagpuan ng mga anak ni Hagar
    at ng mga mangangalakal ng Meran at Teman.
Pawang nabigo rin ang mga nagkukuwento ng alamat
    at nagsasaliksik ng karunungan.

24 O Israel, anong laki ng sanlibutang pinaninirahan ng Diyos,
    at anong lawak ng kanyang nasasakupan.
25 Ito'y walang hangganan at di masusukat ang lapad at taas.
26 Noong(C) unang panahon, isinilang ang mga higante,
    malalaki't malalakas at batikang mandirigma.
27 Ngunit hindi sila pinili ng Diyos,
    hindi itinuro sa kanila ang landas ng kaalaman.
28 Pumanaw sila dahil sa kawalan ng karunungan,
    nalipol sila dahil sa kanilang kamangmangan.

29 May nakaakyat na ba sa kalangitan
    at nakapagbaba ng Karunungan mula sa mga ulap?
30 Mayroon na bang nagtawid-dagat
    upang bumili ng Karunungan sa pamamagitan ng ginto?
31 Walang nakakaalam ng daan patungo sa kanya,
    o nakatuklas ng paraan ng paglapit sa kanya.
32 Ang Diyos na nakakaalam ng lahat ng bagay
    ang tanging nakakakilala sa Karunungan.
Nauunawaan din niya ito sa pamamagitan ng kanyang kaalaman.
    Siya ang lumikha at naglagay dito ng lahat ng uri ng mga hayop.
33 Nag-utos siya at lumitaw ang liwanag;
    nanginginig ito sa takot kapag siya'y tumatawag.
34 Tinawag din niya ang mga bituin
    at madali silang nagsitugon, “Narito kami.”
    Lumagay sila sa kani-kanilang lugar at masayang nagniningning para bigyang-lugod ang lumikha sa kanila.
35 Ito ang ating Diyos!
    Walang makakapantay sa kanya.
36 Alam niya ang daan ng Karunungan,
    at ito'y ipinagkaloob niya sa lingkod niyang si Jacob,
    kay Israel na kanyang minamahal.
37 Mula noon, nakita na sa daigdig ang Karunungan,
    at nanatili sa sangkatauhan.

And now, Lord Almighty, God of Israel, a soul in anguishes, and a spirit annoyed (or harmed), crieth to thee. [And now, Lord God of Israel, the soul in anguishes, and the spirit tormented, crieth to thee.]

Lord, hear thou, and have mercy, for thou art merciful God [or Hear, Lord, and have mercy, for God thou art merciful]; and have thou mercy on us, for we have sinned before thee,

(for) thou sittest without end, and we shall not perish without end.

Lord God Almighty, God of Israel, hear thou now the prayer of the dead men of Israel, and of the sons of them, that (have) sinned before thee, and heard not the voice of their Lord God, and evils be fastened to us. [Lord God Almighty, God of Israel, hear now the orison of the dead men of Israel, and of the sons of them, for they have sinned before thee, and they heard not the voice of the Lord their God, and joined be to us evils.]

Do not thou have mind on the wickedness of our fathers, but have thou mind on thine hand, and on thy name, in this time;

for thou art our Lord God, and, Lord, we shall praise thee. [for thou art (the) Lord our God, and we shall praise thee, Lord.]

For why for this thing thou hast given thy dread in our hearts, (so) that we call (on) thy name to (or for) help, and praise thee in our captivity; for we shall be converted from the wickedness of our fathers, that sinned against thee. [For that thou hast given thy dread in our hearts, that we inwardly call thy name, and praise thee in our captivity; for we shall be turned from the wickedness of our fathers, that sinned in thee.]

And lo! we be in our captivity today, whither thou scatteredest us, into shame, and into cursing, and into sin, by all the wickedness of our fathers, that went away from thee, thou our Lord God. [And lo! we in our captivity be today, that us thou hast scattered, into reproof, and into cursing, and into sin, after all the wickednesses of our fathers, that went away from thee, Lord our God.]

Israel, hear thou the commandments of life; perceive thou with ears, (so) that thou know prudence. [Hear thou, Israel, the commandments of life; with ears perceive, that thou know prudence.]

10 Israel, what (or why) is it [or What (or Why) is (it), Israel], that thou art in the land of (thy) enemies? Thou waxedest eld in an alien land, thou art defouled with dead men,

11 (and) thou art areckoned with them, that go down into hell (or into the grave)?

12 Thou hast forsaken the well of wisdom;

13 for why if thou haddest gone in the ways of God, soothly thou haddest dwelled in peace on (the) earth. [for if in the ways of God thou haddest gone, thou shouldest have dwelled forsooth in peace upon earth.]

14 Learn thou, where is wisdom, where is prudence, where is virtue, where is understanding, (so) that thou know (al)together, where is long (en)during of life, [or where be long abiding of life], and lifelode, (or livelihood), (and) where is (the) light of (the) eyes, and peace.

15 Who found the place thereof, and who entered into the treasures thereof? [Who found his place? who entered into his treasures?]

16 Where be the princes of (the) heathen men, and that be lords over the beasts, that be on (the) earth?

17 Which played with the birds of heaven; which treasure silver and gold, in which men trust, and none end is [or and there is none end] of the purchasing of them?

18 Which make silver, and be busy, and no finding is of their works? [That forge silver, and be busy, nor there is finding of the works of them?]

19 They be destroyed, and went down to hells, [or to hell], (or to the grave); and other men rose (up) in the place of them.

20 The young men of them saw light, and dwelled on (the) earth. But they knew not the way of wisdom, [The young men of them saw light, and dwelt on earth. Soothly they knew not the way of discipline,]

21 neither understood the paths thereof [or neither understood the paths of it]; neither the sons of them received it. It was made far from the face of them;

22 it is not heard (of) in the land of Canaan, neither [it] is seen in Teman.

23 Also the sons of Hagar, that sought out prudence which is of (or on) (the) earth, the merchants of (the) earth, and of Teman, and the tale tellers [or the fablers, or janglers], and seekers out of prudence, and of understanding. But they knew not the way of wisdom, neither had mind on the paths thereof.

24 O! Israel, the house of God is full great, and the place of his possession is great; [O! Israel, how great is the house of God, and how great (is) the place of his possession;]

25 it is great and hath none end, high and great without measure. [great and not having end, high and without measure great.]

26 (The) Named giants were there; they that were of great stature at the beginning, and knew battle. [There were (the) named giants; those that from the beginning were in great stature, witting (in) battle.]

27 The Lord chose not these, neither they found the way of wisdom [or of discipline]; therefore they perished.

28 And for they had not wisdom, they perished for their unwisdom.

29 Who ascended, or went up, into heaven, and took that wisdom, and brought it down from the clouds?

30 Who (hath) passed over the sea, and found it, and brought it more than chosen gold?

31 None is, that may know the way thereof, neither that seeketh (out) the paths thereof; [There is not, that may know the way thereof, neither that seeketh out the paths thereof;]

32 but he that have all things [or but he that knoweth all things], knew it, and found it by his prudence. Which made ready the earth in everlasting time, and filled it with two-footed beasts, and (with) four-footed beasts.

33 Which sendeth out (the) light, and it goeth, and called it (again); and it obeyeth to him in trembling.

34 Forsooth (the) stars gave light in their keepings, and were glad; those were called, and those said, We be present; and those shined to him with mirth, that made those. [Forsooth stars gave light in their keepings, and gladded; they be called, and they said, We come to (thee); and they shined to him with mirth, that made them.]

35 This is our God, and none other shall be guessed against him.

36 (He) This found each way of wisdom, and gave it to Jacob, his child (or his servant), and to Israel, his darling. [He this found all way of discipline, and betook to Jacob, his child, and to Israel, his dearworth.]

37 After these things he was seen in lands [or in earth’s (or upon the earth)], and lived with men.

'Baruch 3 ' not found for the version: New International Version.