Font Size
                  
                
              
            
Awit ni Solomon 3:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Awit ni Solomon 3:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Ikatlong Awit
Babae:
6 Ano itong nakikitang nagmumula sa kaparangan?
    Wari'y pumapailanlang usok ng mira at kamanyang,
    na ang samyo ay katulad ng pabangong ubod mahal.
7 Dumarating si Solomon, sa trono niya'y nakaupo,
    ang kasamang mga bantay ay mayroong animnapu,
    pangunahing mga kawal, matatapang, matipuno.
8 Bawat isa ay may tabak at bihasa sa digmaan,
    nagbabantay kahit gabi, nakahanda sa paglaban.