Awit ng mga Awit 7
Ang Dating Biblia (1905)
7 Pagkaganda ng iyong mga paa sa mga panyapak, Oh anak na babae ng pangulo! Ang mga pagkakaugpong ng iyong mga hita ay gaya ng mga hiyas, na gawa ng mga kamay ng bihasang manggagawa.
2 Ang iyong katawan ay gaya ng mabilog na tasa, na hindi pinagkukulangan ng alak na may halo: ang iyong tiyan ay gaya ng bunton ng trigo na nalalagay sa palibot ng mga lila.
3 Ang iyong dalawang suso ay gaya ng dalawang batang usa na mga kambal na usa.
4 Ang iyong leeg ay gaya ng moog na garing; ang iyong mga mata ay gaya ng mga lawa sa Hesbon sa siping ng pintuang-bayan ng Batrabbim; ang iyong ilong ay gaya ng moog ng Libano na nakaharap sa Damasco.
5 Ang iyong ulo sa iyo ay gaya ng Carmelo, at ang buhok ng iyong ulo ay gaya ng kulay ube; ang hari ay nabibihag sa mga kinulot niyaon.
6 Pagkaganda at pagkaligaya mo, Oh sinta, sa mga kaluguran!
7 Itong iyong tayo ay parang puno ng palma, at ang iyong mga suso ay sa mga buwig ng mga ubas.
8 Aking sinabi, ako'y aakyat sa puno ng palma, ako'y hahawak sa mga sanga niyaon; ang iyong mga suso ay maging gaya ng mga buwig ng puno ng ubas, at ang amoy ng iyong hinga ay gaya ng mga mansanas;
9 At ang iyong bibig ay gaya ng pinakamainam na alak, na tumutulong marahan para sa aking sinisinta, na dumudulas sa mga labi ng nangatutulog.
10 Ako'y sa aking sinisinta, at ang kaniyang nasa ay sa akin.
11 Parito ka, sinisinta ko, lumabas tayo sa parang; tumigil tayo sa mga nayon.
12 Sampahin nating maaga ang mga ubasan: tingnan natin kung ang puno ng ubas ay nagbubuko, at kung ang kaniyang mga bulaklak ay nagsisibuka, at kung ang mga granada ay namumulaklak: doo'y idudulot ko sa iyo ang aking pagsinta.
13 Ang mga mandragora ay nagpapahalimuyak ng bango, at nasa ating mga pintuan ang lahat na sarisaring mahalagang bunga, bago at luma, na aking inilapag para sa iyo, Oh sinisinta ko.
Awit ng mga Awit 7
Ang Biblia (1978)
Pagpupurihan ng magkasuyong babae at lalake.
7 Pagkaganda ng iyong mga paa sa mga panyapak, (A)Oh anak na babae ng pangulo!
Ang mga pagkakaugpong ng iyong mga hita ay gaya ng mga hiyas,
Na gawa ng mga kamay ng bihasang manggagawa.
2 Ang iyong katawan ay gaya ng mabilog na tasa,
Na hindi pinagkukulangan ng alak na may halo:
Ang iyong tiyan ay gaya ng bunton ng trigo
Na nalalagay sa palibot ng mga (B)lila.
3 Ang iyong dalawang suso ay (C)gaya ng dalawang batang usa
Na mga kambal na usa.
4 Ang iyong leeg ay (D)gaya ng moog na garing;
Ang iyong mga mata ay gaya ng mga lawa sa (E)Hesbon
Sa siping ng pintuang-bayan ng Batrabbim;
Ang iyong ilong ay gaya ng moog ng Libano
Na nakaharap sa Damasco.
5 Ang iyong ulo sa iyo ay gaya ng Carmelo,
At ang buhok ng iyong ulo ay gaya ng kulay ube;
Ang hari ay nabibihag sa mga kinulot niyaon.
6 Pagkaganda at pagkaligaya mo, Oh sinta, sa mga kaluguran!
7 Itong iyong tayo ay parang puno ng palma,
At ang iyong mga suso ay sa mga buwig ng mga ubas.
8 Aking sinabi, Ako'y aakyat sa puno ng palma,
Ako'y hahawak sa mga sanga niyaon;
Ang iyong mga suso ay maging gaya ng mga buwig ng puno ng ubas,
At ang amoy ng iyong hinga ay gaya ng mga mansanas;
9 At ang iyong bibig ay gaya ng pinakamainam na alak,
Na tumutulong marahan para sa aking sinisinta,
Na dumudulas sa mga labi ng nangatutulog.
10 Ako'y (F)sa aking sinisinta,
At ang kaniyang nasa ay (G)sa akin.
11 Parito ka, sinisinta ko, lumabas tayo sa parang;
Tumigil tayo sa mga nayon.
12 Sampahin nating maaga ang mga ubasan:
Tingnan natin kung ang puno ng ubas ay (H)nagbubuko,
At kung ang kaniyang mga (I)bulaklak ay nagsisibuka,
At kung ang mga granada ay namumulaklak:
Doo'y idudulot ko sa iyo ang aking pagsinta.
13 Ang mga mandragora ay (J)nagpapahalimuyak ng bango,
At nasa ating mga pintuan (K)ang lahat na sarisaring mahalagang bunga, bago at luma,
Na aking inilapag para sa iyo, Oh sinisinta ko.
Song of Solomon 7
Amplified Bible
(The Bridegroom)
“Why should you gaze at the Shulammite,
As at the dance of the two armies?
Admiration by the Bridegroom
7 “How beautiful are your feet in sandals,
O prince’s daughter!
The curves of your hips are like jewels,
The work of the hands of an artist.
2
“Your navel is a round goblet
Which never lacks mixed wine.
Your belly is like a heap of wheat
Surrounded with lilies.
3
“Your two breasts are like two fawns,
The twins of a gazelle.
4
“Your neck is like a tower of ivory,
Your eyes the [sparkling] pools of Heshbon
By the gate of Bath-rabbim.
Your nose is like the tower of Lebanon
Which looks toward Damascus.
5
“Your head crowns you like Mount Carmel,
And the flowing hair of your head like purple threads;
I, the king, am held captive by your [a]tresses.
6
“How beautiful and how delightful you are,
My love, with all your delights!
7
“Your stature is like that of a palm tree
And your breasts like its clusters [of dates].
8
“I said, ‘I will climb the palm tree;
I will grasp its branches.
Let your breasts be like clusters of the grapevine,
And the fragrance of your breath like apples,
9
‘And your kisses like the best wine!’”
(The Shulammite Bride)
“It goes down smoothly and sweetly for my beloved,
Gliding gently over his lips while he sleeps.
The Union of Love
10
“I am my beloved’s,
And his desire is for me.(A)
11
“Come, my beloved, let us go out into the country,
Let us spend the night in the villages.(B)
12
“Let us go out early to the vineyards;
Let us see whether the vine has budded
And its blossoms have opened,
And whether the pomegranates have flowered.
There I will give you my love.
13
“The mandrakes give forth fragrance,
And over our doors are all [kinds of] choice fruits,
Both new and old,
Which I have saved up for you, my beloved.
Footnotes
- Song of Solomon 7:5 I.e. the long, unbound hair of a woman.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Copyright © 2015 by The Lockman Foundation, La Habra, CA 90631. All rights reserved.