Awit ng mga Awit 6
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Mga Babae ng Jerusalem
6 O babaeng pinakamaganda, nasaan na ang iyong mahal? Saan siya nagpunta upang matulungan ka naming hanapin siya?
Babae
2 Ang aking mahal ay nagpunta sa hardin niyang puno ng halamang ginagawang pabango, upang magpastol doon at kumuha ng mga liryo. 3 Akoʼy sa aking mahal, at ang mahal ko naman ay sa akin lang. Nagpapastol siya sa gitna ng mga liryo.
Lalaki
4 O napakaganda mo, irog ko. Kasingganda ka ng lungsod ng Tirza at kabigha-bighani gaya ng Jerusalem. Kamangha-mangha ka gaya ng mga kawal na may dalang mga bandila. 5 Huwag mo akong titigan dahil hindi ko ito matagalan. Ang buhok moʼy parang kawan ng kambing na pababa sa Bundok ng Gilead. 6 Ang mga ngipin moʼy kasimputi ng tupang bagong paligo. Buong-buo at maganda ang pagkakahanay nito. 7 Mamula-mula ang noo mong natatakpan ng belo, tulad ng bunga ng pomegranata.
8 Kahit na akoʼy may 60 asawang reyna, 80 asawang alipin, at hindi mabilang na mga dalaga, 9 nag-iisa lang ang aking sinisinta. Tunay na maganda at walang kapintasan. Ang tanging anak na babae ng kanyang ina at pinakapaborito pa. Ang mga babaeng nakakakita sa kanya ay hindi mapigilang purihin siya. Kahit na ang mga asawang reyna at asawang alipin ay humahanga sa kanya. 10 Ang sabi nila, “Sino ba ito na kapag tiningnan ay parang bukang-liwayway ang kagandahan? Kasingganda siya ng buwan, nakakasilaw na parang araw at nakakamangha tulad ng mga bituin.”[a]
11 Pumunta ako sa taniman ng almendro para tingnan ang mga bagong tanim na sumibol sa may lambak, at para tingnan na rin kung umuusbong na ang mga ubas at kung ang mga pomegranata ay namumulaklak na. 12 Hindi ko namalayan, ako palaʼy nandoon na sa maharlikang higaan kasama ang aking mahal.
Mga Babae ng Jerusalem
13 Bumalik ka, dalagang taga-Shulam, bumalik ka para makita ka namin.[b]
Lalaki
Bakit gusto ninyong makita ang dalaga ng Shulam na sumasayaw sa gitna ng mga manonood?
Awit ng mga Awit 6
Ang Dating Biblia (1905)
6 Saan naparoon ang iyong sinisinta, Oh ikaw na pinakamaganda sa mga babae? Saan tumungo ang iyong sinisinta, upang siya'y aming mahanap na kasama mo?
2 Ang sinisinta ko'y bumaba sa kaniyang halamanan, sa mga pitak ng mga especia, upang magaliw sa mga halaman, at upang mamitas ng mga lila.
3 Ako'y sa aking sinisinta, at ang sinisinta ko ay akin: pinapastulan niya ang kaniyang kawan sa gitna ng mga lila.
4 Ikaw ay maganda, sinta ko, na gaya ng Tirsa, kahalihalina na gaya ng Jerusalem, kakilakilabot na gaya ng hukbo na may mga watawat.
5 Ihiwalay mo ang iyong mga mata sa akin, Sapagka't kanilang dinaig ako. Ang iyong buhok ay gaya ng kawan ng mga kambing, na nangahihilig sa gulod ng Galaad.
6 Ang iyong mga ngipin ay gaya ng kawan ng mga babaing tupa, na nagsiahong mula sa pagpaligo; na bawa't isa'y may anak na kambal, at walang baog sa kanila.
7 Ang iyong mga pisngi ay gaya ng putol ng granada sa likod ng iyong lambong.
8 May anim na pung reina, at walong pung babae; at mga dalaga na walang bilang.
9 Ang aking kalapati, ang aking sakdal ay isa lamang; siya ang bugtong ng kaniyang ina; siya ang pili ng nanganak sa kaniya. Nakita siya ng mga anak na babae, at tinawag siyang mapalad; Oo, ng mga reina at ng mga babae, at pinuri siya nila.
10 Sino siyang tumitinging parang umaga, maganda na parang buwan, maliwanag na parang araw, kakilakilabot na parang hukbo na may mga watawat?
11 Ako'y bumaba sa halamanan ng mga pile, upang tingnan ang mga sariwang pananim ng libis, upang tingnan kung nagbubuko ang puno ng ubas, at ang mga puno ng granada ay namumulaklak.
12 Bago ko naalaman, inilagay ako ng aking kaluluwa sa gitna ng mga karo ng aking marangal na bayan.
13 Bumalik ka, bumalik ka, Oh Sulamita; bumalik ka, bumalik ka, upang ikaw ay aming masdan. Bakit ninyo titingnan ang Sulamita, nang gaya sa sayaw ng Mahanaim.
Song of Solomon 6
King James Version
6 Whither is thy beloved gone, O thou fairest among women? whither is thy beloved turned aside? that we may seek him with thee.
2 My beloved is gone down into his garden, to the beds of spices, to feed in the gardens, and to gather lilies.
3 I am my beloved's, and my beloved is mine: he feedeth among the lilies.
4 Thou art beautiful, O my love, as Tirzah, comely as Jerusalem, terrible as an army with banners.
5 Turn away thine eyes from me, for they have overcome me: thy hair is as a flock of goats that appear from Gilead.
6 Thy teeth are as a flock of sheep which go up from the washing, whereof every one beareth twins, and there is not one barren among them.
7 As a piece of a pomegranate are thy temples within thy locks.
8 There are threescore queens, and fourscore concubines, and virgins without number.
9 My dove, my undefiled is but one; she is the only one of her mother, she is the choice one of her that bare her. The daughters saw her, and blessed her; yea, the queens and the concubines, and they praised her.
10 Who is she that looketh forth as the morning, fair as the moon, clear as the sun, and terrible as an army with banners?
11 I went down into the garden of nuts to see the fruits of the valley, and to see whether the vine flourished and the pomegranates budded.
12 Or ever I was aware, my soul made me like the chariots of Amminadib.
13 Return, return, O Shulamite; return, return, that we may look upon thee. What will ye see in the Shulamite? As it were the company of two armies.
Song of Solomon 6
New King James Version
I Am My Beloved’s
The Daughters of Jerusalem
6 Where has your beloved gone,
(A)O fairest among women?
Where has your beloved turned aside,
That we may seek him with you?
The Shulamite
2 My beloved has gone to his (B)garden,
To the beds of spices,
To feed his flock in the gardens,
And to gather lilies.
3 (C)I am my beloved’s,
And my beloved is mine.
He feeds his flock among the lilies.
Praise of the Shulamite’s Beauty
The Beloved
4 O my love, you are as beautiful as Tirzah,
Lovely as Jerusalem,
Awesome as an army with banners!
5 Turn your eyes away from me,
For they have [a]overcome me.
Your hair is (D)like a flock of goats
Going down from Gilead.
6 (E)Your teeth are like a flock of sheep
Which have come up from the washing;
Every one bears twins,
And none is [b]barren among them.
7 (F)Like a piece of pomegranate
Are your temples behind your veil.
8 There are sixty queens
And eighty concubines,
And (G)virgins without number.
9 My dove, my (H)perfect one,
Is the only one,
The only one of her mother,
The favorite of the one who bore her.
The daughters saw her
And called her blessed,
The queens and the concubines,
And they praised her.
10 Who is she who looks forth as the morning,
Fair as the moon,
Clear as the sun,
(I)Awesome as an army with banners?
The Shulamite
11 I went down to the garden of nuts
To see the verdure of the valley,
(J)To see whether the vine had budded
And the pomegranates had bloomed.
12 Before I was even aware,
My soul had made me
As the chariots of [c]my noble people.
The Beloved and His Friends
13 Return, return, O Shulamite;
Return, return, that we may look upon you!
The Shulamite
What would you see in the Shulamite—
As it were, the dance of [d]the two camps?
Footnotes
- Song of Solomon 6:5 overwhelmed
- Song of Solomon 6:6 bereaved
- Song of Solomon 6:12 Heb. Ammi Nadib
- Song of Solomon 6:13 Heb. Mahanaim
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Scripture taken from the New King James Version®. Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved.