Add parallel Print Page Options

Ihiwalay mo ang iyong mga mata sa akin,
Sapagka't kanilang dinaig ako.
(A)Ang iyong buhok ay gaya ng kawan ng mga kambing,
Na nangahihilig sa gulod ng Galaad.
Ang iyong mga ngipin ay (B)gaya ng kawan ng mga babaing tupa,
Na nagsiahong mula sa pagpaligo;
Na bawa't isa'y may anak na kambal,
At walang baog sa kanila.
Ang iyong mga pisngi ay (C)gaya ng putol ng granada
Sa likod ng iyong lambong.

Read full chapter