Add parallel Print Page Options

Ako'y dumating sa aking halamanan, kapatid ko, kasintahan ko: aking dinampot ang aking mira pati ang aking especia; aking kinain ang aking pulotpukyutan pati ang aking pulot; aking ininom ang aking alak pati ang aking gatas. Magsikain kayo, Oh mga kaibigan; magsiinom kayo, oo, magsiinom kayo ng sagana, Oh sinisinta.

Ako'y nakatulog, nguni't ang aking puso ay gising: ang tinig ng aking sinta ang siyang tumutuktok, na kaniyang sinasabi, pagbuksan mo ako, kapatid ko, sinta ko, kalapati ko, sakdal ko: sapagka't ang aking ulo ay basa ng hamog, ang aking mga kulot na buhok ay ng mga patak ng gabi.

Aking hinubad ang aking suot; paanong aking isusuot? Aking hinugasan ang aking mga paa paanong sila'y aking dudumhan?

Read full chapter