Add parallel Print Page Options

69 Iligtas mo ako, Oh Dios; sapagka't ang tubig ay tumabon sa aking kaluluwa.

Ako'y lumulubog sa malalim na burak na walang tayuan: ako'y lumulubog sa malalim na tubig, na tinatabunan ako ng agos.

Ako'y hapo sa aking daing; ang lalamunan ko'y tuyo: ang mga mata ko'y nangangalumata habang hinihintay ko ang aking Dios.

Silang nangagtatanim sa akin ng walang anomang kadahilanan ay higit kay sa mga buhok ng aking ulo: silang ibig maghiwalay sa akin, na mga kaaway kong may kamalian, ay mga makapangyarihan: akin ngang isinauli ang hindi ko kinuha.

Oh Dios, kilala mo ang kamangmangan ko; at ang mga kasalanan ko'y hindi lihim sa iyo.

Huwag mangapahiya dahil sa akin ang nangaghihintay sa iyo, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo: huwag mangalagay sa kasiraang puri dahil sa akin ang nagsisihanap sa iyo, Oh Dios ng Israel.

Sapagka't dahil sa iyo ay nagdala ako ng kadustaan; kahihiyan ay tumakip sa aking mukha.

Ako'y naging iba sa aking mga kapatid, at taga ibang lupa sa mga anak ng aking ina.

Sapagka't napuspos ako ng sikap sa iyong bahay; at ang mga pagduwahagi nila na nagsisiduwahagi sa iyo ay nangahulog sa akin.

10 Pag umiiyak ako at pinarurusahan ko ng pagaayuno ang aking kaluluwa, yao'y pagkaduwahagi sa akin.

11 Nang magsuot ako ng kayong magaspang, ay naging kawikaan ako sa kanila.

12 Pinag-uusapan ako nilang nangauupo sa pintuang-bayan; at ako ang awit ng mga lango.

13 Nguni't tungkol sa akin, ang dalangin ko'y sa iyo, Oh Panginoon, sa isang kalugodlugod na panahon: Oh Dios, sa karamihan ng iyong kagandahang-loob,

14 Iligtas mo ako sa burak, at huwag mo akong ilubog: maligtas ako sa kanila na nangagtatanim sa akin, at sa malalim na tubig.

15 Huwag akong tangayin ng baha, ni lamunin man ako ng kalaliman: at huwag takpan ng hukay ang kaniyang bunganga sa akin.

16 Sagutin mo ako, Oh Panginoon; sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mabuti: ayon sa karamihan ng iyong mga malumanay na kaawaan ay bumalik ka sa akin.

17 At huwag mong ikubli ang iyong mukha sa iyong lingkod; sapagka't ako'y nasa kahirapan; sagutin mo akong madali.

18 Lumapit ka sa aking kaluluwa, at tubusin mo: Iligtas mo ako dahil sa aking mga kaaway.

19 Talastas mo ang aking kadustaan, at ang aking kahihiyan, at ang aking kasiraang puri: ang aking mga kaaway, ay pawang nangasa harap mo.

20 Kaduwahagihan ay sumira ng aking puso; at ako'y lipos ng kabigatan ng loob: at ako'y naghintay na may maawa sa akin, nguni't wala; at mga mangaaliw, nguni't wala akong masumpungan.

21 Binigyan naman nila ako ng pagkaing mapait; at sa aking kauhawan ay binigyan nila ako ng suka na mainom.

22 Maging lalang sa harap nila ang kanilang dulang; at maging isang silo kung sila'y nasa kapayapaan.

23 Manglabo ang kanilang mga mata, na sila'y huwag makakita; at papanginigin mong palagi ang kanilang mga balakang.

24 Ibugso mo ang iyong galit sa kanila, at datnan sila ng kabangisan ng iyong galit.

25 Magiba ang tahanan nila; walang tumahan sa kanilang mga tolda.

26 Sapagka't kanilang hinabol siya na iyong sinaktan, at sinaysay nila ang damdam niyaong iyong sinugatan.

27 At dagdagan mo ng kasamaan ang kanilang kasamaan: at huwag silang masok sa iyong katuwiran.

28 Mapawi sila sa aklat ng buhay, at huwag masulat na kasama ng matuwid.

29 Nguni't ako'y dukha at mapanglaw: sa pamamagitan ng pagliligtas mo, Oh Dios, ay iahon mo nawa ako.

30 Aking pupurihin ng awit ang pangalan ng Dios, at dadakilain ko siya ng pasalamat.

31 At kalulugdan ng Panginoon na higit kay sa isang baka, o sa toro na may mga sungay at mga paa.

32 Nakita ng mga maamo, at nangatuwa: mabuhay ang puso, ninyong nagsisihanap sa Dios.

33 Sapagka't dinidinig ng Panginoon ang mapagkailangan, at hindi hinahamak ang kaniyang mga bilanggo.

34 Purihin siya ng langit at lupa, ng mga dagat, at ng bawa't bagay na gumagalaw roon.

35 Sapagka't ililigtas ng Dios ang Sion, at itatayo ang mga bayan ng Juda; at sila'y magsisitahan doon, at tatangkilikin nila na pinakaari.

36 Mamanahin naman ng binhi ng kaniyang mga lingkod; at silang nagsisiibig ng kaniyang pangalan ay magsisitahan doon.

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Sosannim. Awit ni David.

69 Iligtas mo ako, Oh Dios; Sapagka't (A)ang tubig ay tumabon sa aking kaluluwa.
Ako'y lumulubog sa malalim na burak na walang tayuan:
Ako'y lumulubog sa malalim na tubig, na tinatabunan ako ng agos.
Ako'y hapo sa aking daing; ang lalamunan ko'y tuyo:
Ang mga mata ko'y nangangalumata habang hinihintay ko ang aking Dios.
(B)Silang nangagtatanim sa akin ng walang anomang kadahilanan ay higit kay sa mga buhok ng aking ulo:
Silang ibig maghiwalay sa akin, na mga kaaway kong may kamalian, ay mga makapangyarihan:
(C)Akin ngang isinauli ang hindi ko kinuha.
Oh Dios, kilala mo ang kamangmangan ko;
At ang mga kasalanan ko'y hindi lihim sa iyo.
Huwag mangapahiya dahil sa akin ang nangaghihintay sa iyo,
Oh Panginoong Dios ng mga hukbo:
Huwag mangalagay sa kasiraang puri dahil sa akin ang nagsisihanap sa iyo, Oh Dios ng Israel.
Sapagka't (D)dahil sa iyo ay nagdala ako ng kadustaan;
Kahihiyan ay tumakip sa aking mukha.
(E)Ako'y naging iba sa aking mga kapatid,
At taga ibang lupa sa mga anak ng aking ina.
(F)Sapagka't napuspos ako ng sikap sa iyong bahay;
(G)At ang mga pagduwahagi nila na nagsisiduwahagi sa iyo ay nangahulog sa akin.
10 Pag umiiyak ako at pinarurusahan ko ng pagaayuno ang aking kaluluwa,
Yao'y pagkaduwahagi sa akin.
11 Nang magsuot ako ng kayong magaspang,
Ay naging kawikaan ako sa kanila.
12 Pinag-uusapan ako nilang nangauupo sa pintuang-bayan;
At ako ang awit ng mga lango.
13 Nguni't tungkol sa akin, ang dalangin ko'y sa iyo, Oh Panginoon, (H)sa isang kalugodlugod na panahon:
Oh Dios, sa karamihan ng iyong kagandahang-loob,
14 (I)Iligtas mo ako sa burak, at huwag mo akong ilubog:
Maligtas ako sa kanila na nangagtatanim sa akin, at sa malalim na tubig.
15 Huwag akong tangayin ng baha,
Ni lamunin man ako ng kalaliman:
At huwag takpan ng (J)hukay ang kaniyang bunganga sa akin.
16 Sagutin mo ako, Oh Panginoon; sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mabuti:
(K)Ayon sa karamihan ng iyong mga malumanay na kaawaan ay bumalik ka sa akin.
17 At huwag mong ikubli ang iyong mukha sa iyong lingkod;
Sapagka't ako'y nasa kahirapan; sagutin mo akong madali.
18 Lumapit ka sa aking kaluluwa, at tubusin mo:
Iligtas mo ako dahil sa aking mga kaaway.
19 Talastas mo ang (L)aking kadustaan, at ang aking (M)kahihiyan, at ang aking kasiraang puri:
Ang aking mga kaaway, ay pawang nangasa harap mo.
20 Kaduwahagihan ay sumira ng aking puso; at (N)ako'y lipos ng kabigatan ng loob:
At ako'y naghintay na may maawa sa akin, nguni't wala;
At mga mangaaliw, nguni't wala akong masumpungan.
21 Binigyan naman nila ako ng pagkaing mapait;
(O)At sa aking kauhawan ay binigyan nila ako ng suka na mainom.
22 (P)Maging lalang sa harap nila ang kanilang dulang;
At maging isang silo kung sila'y nasa kapayapaan.
23 (Q)Manglabo ang kanilang mga mata, na sila'y huwag makakita;
At papanginigin mong palagi ang kanilang mga balakang.
24 (R)Ibugso mo ang iyong galit sa kanila,
At datnan sila ng kabangisan ng iyong galit.
25 (S)Magiba ang tahanan nila;
Walang tumahan sa kanilang mga tolda.
26 Sapagka't kanilang hinabol siya na iyong sinaktan,
At (T)sinaysay nila ang damdam niyaong iyong sinugatan.
27 (U)At dagdagan mo ng kasamaan ang kanilang kasamaan:
At huwag silang masok sa iyong katuwiran.
28 (V)Mapawi sila sa aklat ng buhay,
(W)At huwag masulat na kasama ng matuwid.
29 Nguni't ako'y dukha at mapanglaw:
Sa pamamagitan ng pagliligtas mo, Oh Dios, ay iahon mo nawa ako.
30 Aking pupurihin ng awit ang pangalan ng Dios,
At dadakilain ko siya ng pasalamat.
31 At kalulugdan ng Panginoon na higit kay sa isang baka,
O sa toro na may mga sungay at mga paa.
32 (X)Nakita ng mga maamo, at nangatuwa:
(Y)Mabuhay ang puso, ninyong nagsisihanap sa Dios.
33 Sapagka't dinidinig ng Panginoon ang mapagkailangan,
At hindi hinahamak ang kaniyang mga bilanggo.
34 (Z)Purihin siya ng langit at lupa,
Ng mga dagat, (AA)at ng bawa't bagay na gumagalaw roon.
35 (AB)Sapagka't ililigtas ng Dios ang Sion, at itatayo ang mga bayan ng Juda;
At sila'y magsisitahan doon, at tatangkilikin nila na pinakaari.
36 Mamanahin naman ng binhi ng kaniyang mga lingkod;
At silang nagsisiibig ng kaniyang pangalan ay magsisitahan doon.

Vapaj za pomoć

Voditelju zbora. Po melodiji »Ljiljani«. Davidova pjesma.

69 Bože, spasi me,
    voda mi do grla doseže!
Tonem u mulj duboki,
    noge mi se nemaju gdje osloniti.
U vodu tonem beskrajnu,
    valovi me preplavljuju.
Od dozivanja sam iznemogao,
    grlo mi je promuklo.
Vid mi je oslabio
    dok sam na Boga čekao.
Oni što me nizašto mrze brojniji su
    nego vlasi na mojoj glavi.
Mnogo je onih koji me žele uništiti,
    lažno me optužuju neprijatelji,
    traže da vratim što nisam ukrao.

Bože, znane su ti moje greške,
    moja krivnja nije ti skrivena.
Ne dopusti da se zbog mene osramote
    oni koji se u tebe pouzdaju.
Gospodaru, BOŽE, Svevladaru,
    ne dopusti da se zbog mene posrame
oni koji te traže,
    Bože Izraela!
Jer, zbog tebe trpim uvrede,
    od srama mi se crveni lice.
Svojim rođacima sam kao stranac,
    svojoj braći kao tuđinac.
Revnost za tvoj Hram me obuze,
    na mene padaju uvrede tebi upućene.
10 Kad plačem i postim,
    vrijeđaju me.
11 Kad obučem tkaninu za žalovanje,
    rugaju mi se.
12 Ljudi na javnim mjestima
    protiv mene govore,
    a pijanci o meni pjevaju rugalice.

13 Ali ja se tebi molim, BOŽE.
    Kad je tebi, Bože, po volji,
u svojoj velikoj ljubavi
    odgovori mi tako što ćeš me spasiti.
14 Iščupaj me iz blata,
    ne daj da potonem!
Spasi me od mrzitelja,
    i od dubokih voda!
15 Ne daj da me odnese poplava,
    niti da me odvuče dubina,
    ili grobna jama da me proguta.

16 Odgovori mi, BOŽE, iz svoje vjerne ljubavi.
    Okreni se k meni u svojoj velikoj samilosti.
17 Ne skrivaj se od svoga sluge,
    brzo mi odgovori jer sam u nevolji.
18 Dođi k meni i izbavi me,
    od neprijatelja oslobodi me.
19 Ti znaš kako su me izvrijeđali,
    kakvu sramotu su mi nanijeli
    i tko su moji neprijatelji.
20 Uvrede su mi srce slomile,
    u očaj me bacile.
Želio sam da se netko sažali,
    ali nije bilo nikoga.
Čekao sam da me netko utješi,
    ali nitko nije došao.
21 U jelo su mi stavili žuč,
    za piće su mi dali ocat.

22 Neka im njihova gozba zamka postane
    i klopka za njihove saveznike.
23 Neka im se pomrače oči da ne vide
    i neka im se stalno tresu noge.
24 Daj oduška svojoj srdžbi,
    tvoj vatreni gnjev nek' ih sprži.
25 Neka im opuste boravišta—
    neka nitko ne stanuje u njima.
26 Jer, progone one koje si već srušio,
    nanose bol onima koje si već ranio.
27 Krivnju im dodaj na krivnju,
    ne daj da se pred tobom opravdaju.
28 Neka budu izbrisani iz knjige živih,
    da ne budu upisani s pravednima.

29 A ja patim i bolujem.
    Bože, zaštiti me svojim spasenjem.
30 Pjesmom ću hvaliti Božje ime
    i veličati ga zahvalama.
31 Bit će to BOGU draže nego da mu žrtvujem vola
    ili bika s rogovima i papcima.

32 Vidjet će to siromašni i radovati se.
    Vi koji Boga tražite, ohrabrite se!
33 BOG čuje potrebite
    i ne zaboravlja zatočene.
34 Neka ga hvale nebo i zemlja,
    mora i sve što se u njima kreće!
35 Jer, Bog će spasiti Sion
    i obnoviti Judine gradove.
    Narod će se ondje naseliti i zemlju zaposjesti.
36 Potomci njegovih slugu će je naslijediti,
    koji njegovo ime vole, u njoj će prebivati.