Awit 3
Ang Dating Biblia (1905)
3 Panginoon, ano't ang aking mga kaaway ay nagsisidami! Marami sila na nagsisibangon laban sa akin.
2 Marami ang nagsasabi sa aking kaluluwa: walang tulong sa kaniya ang Dios. (Selah)
3 Nguni't ikaw, Oh Panginoon ay isang kalasag sa palibot ko: aking kaluwalhatian; at siyang tagapagtaas ng aking ulo.
4 Ako'y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon, at sinasagot niya ako mula sa kaniyang banal na bundok. (Selah)
5 Ako'y nahiga, at natulog; ako'y nagising; sapagka't inaalalayan ako ng Panginoon.
6 Ako'y hindi matatakot sa sangpung libo ng bayan, na nagsihanda laban sa akin sa buong palibot.
7 Bumangon ka, Oh Panginoon; iligtas mo ako, Oh aking Dios: sapagka't iyong sinampal ang lahat ng aking mga kaaway; iyong binungal ang mga ngipin ng masasama.
8 Pagliligtas ay ukol sa Panginoon: sumaiyong bayan nawa ang iyong pagpapala. (Selah)
Mga Awit 3
Ang Biblia, 2001
Awit(A) ni David nang Takasan Niya si Absalom
3 Panginoon, ang mga kaaway ko ay dumarami!
    Ang tumitindig laban sa akin ay marami;
2 marami ang nagsasabi tungkol sa aking kaluluwa,
    walang tulong mula sa Diyos para sa kanya. (Selah)
3 Ngunit ikaw, O Panginoon ay isang kalasag sa palibot ko,
    aking kaluwalhatian, at siyang tagapagtaas ng aking ulo.
4 Ako'y dumadaing nang malakas sa Panginoon,
    at sinasagot niya ako mula sa kanyang banal na burol. (Selah)
5 Ako'y nahiga at natulog;
    ako'y muling gumising sapagkat inaalalayan ako ng Panginoon.
6 Sa sampung libu-libong tao ako'y hindi natatakot,
    na naghanda ng kanilang mga sarili laban sa akin sa palibot.
7 Bumangon ka, O Panginoon!
    Iligtas mo ako, O aking Diyos!
Sapagkat iyong sinampal sa pisngi ang lahat ng aking mga kaaway,
    iyong binasag ang mga ngipin ng masama.
8 Ang pagliligtas ay sa Panginoon;
    sumaiyong bayan nawa ang iyong pagpapala. (Selah)
Psalm 3
Living Bible
3 A psalm of David when he fled from his son Absalom
O Lord, so many are against me. So many seek to harm me. I have so many enemies. 2 So many say that God will never help me. 3 But Lord, you are my shield, my glory, and my only hope. You alone can lift my head, now bowed in shame.[a]
4 I cried out to the Lord, and he heard me from his Temple in Jerusalem.[b] 5 Then I lay down and slept in peace and woke up safely, for the Lord was watching over me. 6 And now, although ten thousand enemies surround me on every side, I am not afraid. 7 I will cry to him, “Arise, O Lord! Save me, O my God!” And he will slap them in the face, insulting them and breaking off their teeth.[c]
8 For salvation comes from God. What joys he gives to all his people.
The Living Bible copyright © 1971 by Tyndale House Foundation. Used by permission of Tyndale House Publishers Inc., Carol Stream, Illinois 60188. All rights reserved.
