A A A A A
Bible Book List

Awit 121Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905)

121 Ititingin ko ang aking mga mata sa mga bundok; saan baga manggagaling ang aking saklolo?

Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at lupa.

Hindi niya titiising ang paa mo'y makilos: siyang nagiingat sa iyo, ay hindi iidlip.

Narito, siyang nagiingat ng Israel hindi iidlip ni matutulog man.

Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo: ang Panginoon ay lilim mo sa iyong kanan.

Hindi ka sasaktan ng araw sa araw, ni ng buwan man sa gabi.

Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan; kaniyang iingatan ang iyong kaluluwa.

Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok, mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.

  Back

1 of 1

You'll get this book and many others when you join Bible Gateway Plus. Learn more

Viewing of
Cross references
Footnotes