Add parallel Print Page Options

10 Bakit ka tumatayong malayo, Oh Panginoon? Bakit ka nagtatago sa mga panahon ng kabagabagan?

Sa kapalaluan ng masama ang dukha ay hinahabol na mainam; mahuli nawa sila sa mga lalang na kanilang inakala.

Sapagka't ang masama ay nagmamalaki sa nais ng kaniyang puso, at ang mapagimbot ay nagtatakuwil, oo, nagwawalang kabuluhan sa Panginoon.

Ang masama, sa kapalaluan ng kaniyang mukha, ay nagsasabi, hindi niya sisiyasatin. Lahat niyang pagiisip ay, walang Dios.

Ang kaniyang mga lakad ay panatag sa lahat ng panahon; ang iyong mga kahatulan ay malayong totoo sa kaniyang paningin: tungkol sa lahat niyang mga kaaway, tinutuya niya sila.

Sinasabi niya sa kaniyang puso, Hindi ako makikilos: sa lahat ng sali't saling lahi ay hindi ako malalagay sa karalitaan.

Ang kaniyang bibig ay puno ng panunungayaw, at pagdaraya, at pang-aapi: sa ilalim ng kaniyang dila ay kalikuan at kasamaan.

Siya'y nauupo sa mga pinakasulok na dako ng mga nayon: sa mga kubling dako ay pinapatay niya ang walang sala; ang kaniyang mga mata ay natititig laban sa walang nagkakandili.

Siya'y bumabakay sa kubli, na parang leon sa kaniyang lungga: siya'y nagaabang upang hulihin ang dukha: hinuhuli niya ang dukha, pagka kaniyang dinadala siya sa silo niya.

10 Siya'y naninibasib, siya'y nagpapakaliit, at ang mga walang nagkakandili ay nangahuhulog sa kaniyang mga malakas.

11 Sinasabi niya sa kaniyang puso: ang Dios ay nakalimot: kaniyang ikinukubli ang kaniyang mukha, hindi na niya makikita kailan man.

12 Bumangon ka, Oh Panginoon, Oh Dios, itaas mo ang iyong kamay: huwag mong kalimutan ang dukha.

13 Bakit sinusumpa ng masama ang Dios, at nagsasabi sa kaniyang puso: hindi mo sisiyasatin?

14 Iyong nakita; sapagka't iyong minamasdan ang pahirap at pangduduwahagi upang mapasa iyong kamay: ang walang nagkakandili ay napakukupkop sa iyo; ikaw ay naging tagakandili sa ulila.

15 Baliin mo ang bisig ng masama: at tungkol sa masamang tao, pag-usigin mo ang kaniyang kasamaan hanggang sa wala ka nang masumpungan.

16 Ang Panginoon ay Hari magpakailan-kailan man. Ang mga bansa ay nalilipol sa kaniyang lupain.

17 Panginoon, iyong narinig ang nasa ng mga maamo: iyong ihahanda ang kanilang puso, iyong pakikinggan ng iyong pakinig:

18 Upang hatulan ang ulila at ang napipighati, upang huwag nang makapangilabot ang tao na taga lupa.

Panalangin para sa Katarungan

10 Bakit ka nakatayo sa malayo, O Panginoon?
    Bakit ka nagtatago kapag magulo ang panahon?
Sa kapalaluan ay mainit na hinahabol ng masama ang dukha;
    mahuli nawa sila sa binalangkas nilang mga pakana.

Sapagkat ipinagmamalaki ng masama ang nais ng kanyang puso,
    sinusumpa at tinatalikuran ang Panginoon ng taong sakim sa patubo.
Sa kapalaluan ng kanyang mukha, ang masama ay hindi naghahanap sa kanya;
    lahat niyang iniisip ay, “Walang Diyos.”
Ang kanyang mga lakad sa lahat ng panahon ay umuunlad,
    malayo sa kanyang paningin ang iyong mga hatol na nasa itaas;
    tungkol sa lahat niyang mga kaaway, kanyang tinutuya silang lahat.
Iniisip niya sa kanyang puso, “Hindi ako magagalaw;
    sa buong panahon ng salinlahi ay hindi ako malalagay sa kaguluhan.”
Ang(A) kanyang bibig ay punô ng pagsumpa, pang-aapi at panlilinlang,
    sa ilalim ng kanyang dila ay kalikuan at kasamaan.
Siya'y nakaupo sa mga tagong dako ng mga nayon;
    sa mga kubling dako ang walang sala ay ipinapapatay,
ang kanyang mga mata ay palihim na nagmamatyag sa walang kakayahan.
    Siya'y lihim na nagbabantay na parang leon sa kanyang lungga;
siya'y nag-aabang upang hulihin ang dukha,
    sinusunggaban niya ang dukha kapag kanyang nahuli siya sa lambat niya.

10 Siya ay gumagapang, siya'y yumuyuko,
    at ang sawing-palad ay bumabagsak sa kanyang mga kuko.
11 Sinasabi niya sa kanyang puso, “Ang Diyos ay nakalimot,
    ikinubli niya ang kanyang mukha, hindi niya ito makikita kailanman.”

12 O Panginoon, O Diyos, itaas mo ang iyong kamay, bumangon ka;
    huwag mong kalilimutan ang nagdurusa.
13 Bakit tinatalikuran ng masama ang Diyos,
    at sinasabi sa kanyang puso, “Hindi mo ako hihingan ng sulit?”

14 Iyong nakita; oo, iyong namamasdan ang kaguluhan at pagkayamot,
    upang iyong mailagay ito sa mga kamay mo;
itinalaga ng sawing-palad ang sarili sa iyo;
    sa mga ulila ikaw ay naging saklolo.

15 Baliin mo ang bisig ng masama at gumagawa ng kasamaan;
    hanapin mo ang kanyang kasamaan hanggang sa wala kang matagpuan.
16 Ang Panginoon ay hari magpakailanpaman,
    mula sa kanyang lupain ang mga bansa ay mapaparam.

17 O Panginoon, iyong maririnig ang nasa ng maamo;
    iyong palalakasin ang kanilang puso, iyong papakinggan ng iyong pandinig
18 upang ipagtanggol ang mga naaapi at ulila,
    upang hindi na makapanakot pa ang taong mula sa lupa.

Panalangin upang mabuwal ang masama.

10 Bakit ka tumatayong malayo, Oh Panginoon?
Bakit ka nagtatago sa mga panahon ng kabagabagan?
Sa kapalaluan ng masama ang dukha ay hinahabol na mainam;
(A)Mahuli nawa sila sa mga lalang na kanilang inakala.
Sapagka't ang masama ay nagmamalaki sa nais ng kaniyang puso,
At ang mapagimbot ay nagtatakuwil, oo, nagwawalang kabuluhan sa Panginoon.
Ang masama, sa kapalaluan ng kaniyang mukha, ay nagsasabi, Hindi niya sisiyasatin.
Lahat niyang pagiisip ay, (B)Walang Dios.
Ang kaniyang mga lakad ay panatag sa lahat ng panahon;
(C)Ang iyong mga kahatulan ay malayong totoo sa kaniyang paningin:
Tungkol sa lahat niyang mga kaaway, tinutuya niya sila.
Sinasabi niya sa kaniyang puso, (D)Hindi ako makikilos:
Sa lahat ng sali't saling lahi ay hindi ako malalagay sa karalitaan.
(E)Ang kaniyang bibig ay puno ng panunungayaw, at pagdaraya, at pang-aapi:
Sa ilalim ng kaniyang dila ay kalikuan at kasamaan.
Siya'y nauupo sa mga pinakasulok na dako ng mga nayon:
(F)Sa mga kubling dako ay pinapatay niya ang walang sala;
Ang kaniyang mga mata ay natititig laban sa walang nagkakandili.
(G)Siya'y bumabakay sa kubli, na parang leon sa kaniyang lungga:
Siya'y nagaabang upang hulihin ang dukha:
Hinuhuli niya ang dukha, pagka kaniyang dinadala siya sa silo niya.
10 Siya'y naninibasib, siya'y nagpapakaliit,
At ang mga walang nagkakandili ay nangahuhulog sa kaniyang mga malakas.
11 Sinasabi niya sa kaniyang puso: Ang Dios ay nakalimot:
(H)Kaniyang ikinukubli ang kaniyang mukha, hindi na niya makikita kailan man.
12 Bumangon ka, Oh Panginoon, Oh Dios, (I)itaas mo ang iyong kamay:
Huwag mong kalimutan ang dukha.
13 Bakit sinusumpa ng masama ang Dios,
At nagsasabi sa kaniyang puso: Hindi mo (J)sisiyasatin?
14 Iyong nakita; sapagka't iyong minamasdan ang pahirap at pangduduwahagi upang mapasa iyong kamay:
Ang walang nagkakandili ay napakukupkop (K)sa iyo; (L)Ikaw ay naging tagakandili sa ulila.
15 (M)Baliin mo ang bisig ng masama:
At tungkol sa masamang tao, pag-usigin mo ang kaniyang kasamaan hanggang sa wala ka nang masumpungan.
16 Ang Panginoon ay (N)Hari magpakailan-kailan man.
Ang mga bansa ay nalilipol sa kaniyang lupain.
17 Panginoon, iyong narinig ang nasa ng mga maamo:
Iyong ihahanda ang kanilang puso, iyong pakikinggan ng iyong pakinig:
18 Upang (O)hatulan ang ulila at ang napipighati,
Upang huwag nang makapangilabot ang tao na taga lupa.

Panalangin upang Tulungan

10 Panginoon, bakit parang kay layo nʼyo sa akin?
    Bakit sa panahon ng kaguluhan kayo ay nagtatago sa amin?
Ang dukha ay pinahihirapan ng masasama at mayayabang.
    Sanaʼy mangyari rin sa kanila ang kanilang masasamang plano.
Ipinagmamalaki nila ang kanilang masasamang kagustuhan.
    Pinupuri nila ang mga sakim,
    ngunit kinukutya ang Panginoon.
Dahil sa kahambugan ng mga taong masama,
    binabalewala nila ang Dios,
    at ayaw nila siyang lapitan.
Ang kanilang pamumuhay ay laging matagumpay,
    at hindi man lang sila nag-aalala na silaʼy inyong hahatulan.
    Hinahamak nila ang lahat ng kanilang mga kaaway.
Akala nilaʼy walang mangyayaring masama sa kanila at wala silang magiging problema.
Silaʼy lapastangan kapag nagsalita, sinungaling at mapagbanta,
    at sila na rin ang nagsasabi ng masasakit at masasamang salita.
Sa liblib na mga lugar silaʼy nagtatago,
    at nag-aabang sa mga inosente na kanilang papatayin.
Naghihintay silang nakakubli na parang leon,
    upang sakmalin at kaladkarin ang mahihirap.
10 Dahil malakas sila, ibinabagsak nila ang mga kawawa,
    hanggang sa hindi na makabangon.
11 Ang akala nilaʼy hindi sila pinapansin ng Dios at hinding-hindi niya nakikita ang kanilang mga ginagawa.

12 Sige na Panginoong Dios, parusahan nʼyo na po ang mga taong masama.
    Huwag nʼyong pababayaan ang mga inaapi.
13 O Dios, bakit nilalait kayo ng mga taong masama?
    Sinasabi pa nila, “Hindi tayo parurusahan ng Dios.”
14 Ngunit nakikita nʼyo, O Dios, ang mga taong nagdurusa at naghihirap.
    Lumalapit sa inyo ang mga kaawa-awa tulad ng mga ulila,
    at nakahanda kayong tumulong sa kanila.
15 Alisan nʼyo ng lakas ang mga taong masama,
    at parusahan nʼyo sila hanggang sa silaʼy tumigil na sa paggawa ng masama.
16 Panginoon, kayo ay Hari magpakailanman!
    At ang masasamang tao ay maglalaho sa mundo.
17 Panginoon, narinig nʼyo ang dalangin ng mga mahihirap.
    Pakinggan nʼyo po sila at palakasin.
18 Bigyan nʼyo ng katarungan ang mga ulila at mga api,
    upang wala ng mga taong mananakot ng kapwa, dahil silaʼy tao rin lang.