Mga Awit 10
Ang Biblia (1978)
Panalangin upang mabuwal ang masama.
10 Bakit ka tumatayong malayo, Oh Panginoon?
Bakit ka nagtatago sa mga panahon ng kabagabagan?
2 Sa kapalaluan ng masama ang dukha ay hinahabol na mainam;
(A)Mahuli nawa sila sa mga lalang na kanilang inakala.
3 Sapagka't ang masama ay nagmamalaki sa nais ng kaniyang puso,
At ang mapagimbot ay nagtatakuwil, oo, nagwawalang kabuluhan sa Panginoon.
4 Ang masama, sa kapalaluan ng kaniyang mukha, ay nagsasabi, Hindi niya sisiyasatin.
Lahat niyang pagiisip ay, (B)Walang Dios.
5 Ang kaniyang mga lakad ay panatag sa lahat ng panahon;
(C)Ang iyong mga kahatulan ay malayong totoo sa kaniyang paningin:
Tungkol sa lahat niyang mga kaaway, tinutuya niya sila.
6 Sinasabi niya sa kaniyang puso, (D)Hindi ako makikilos:
Sa lahat ng sali't saling lahi ay hindi ako malalagay sa karalitaan.
7 (E)Ang kaniyang bibig ay puno ng panunungayaw, at pagdaraya, at pang-aapi:
Sa ilalim ng kaniyang dila ay kalikuan at kasamaan.
8 Siya'y nauupo sa mga pinakasulok na dako ng mga nayon:
(F)Sa mga kubling dako ay pinapatay niya ang walang sala;
Ang kaniyang mga mata ay natititig laban sa walang nagkakandili.
9 (G)Siya'y bumabakay sa kubli, na parang leon sa kaniyang lungga:
Siya'y nagaabang upang hulihin ang dukha:
Hinuhuli niya ang dukha, pagka kaniyang dinadala siya sa silo niya.
10 Siya'y naninibasib, siya'y nagpapakaliit,
At ang mga walang nagkakandili ay nangahuhulog sa kaniyang mga malakas.
11 Sinasabi niya sa kaniyang puso: Ang Dios ay nakalimot:
(H)Kaniyang ikinukubli ang kaniyang mukha, hindi na niya makikita kailan man.
12 Bumangon ka, Oh Panginoon, Oh Dios, (I)itaas mo ang iyong kamay:
Huwag mong kalimutan ang dukha.
13 Bakit sinusumpa ng masama ang Dios,
At nagsasabi sa kaniyang puso: Hindi mo (J)sisiyasatin?
14 Iyong nakita; sapagka't iyong minamasdan ang pahirap at pangduduwahagi upang mapasa iyong kamay:
Ang walang nagkakandili ay napakukupkop (K)sa iyo; (L)Ikaw ay naging tagakandili sa ulila.
15 (M)Baliin mo ang bisig ng masama:
At tungkol sa masamang tao, pag-usigin mo ang kaniyang kasamaan hanggang sa wala ka nang masumpungan.
16 Ang Panginoon ay (N)Hari magpakailan-kailan man.
Ang mga bansa ay nalilipol sa kaniyang lupain.
17 Panginoon, iyong narinig ang nasa ng mga maamo:
Iyong ihahanda ang kanilang puso, iyong pakikinggan ng iyong pakinig:
18 Upang (O)hatulan ang ulila at ang napipighati,
Upang huwag nang makapangilabot ang tao na taga lupa.
Salmo 10
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Panalangin upang Tulungan
10 Panginoon, bakit parang kay layo nʼyo sa akin?
Bakit sa panahon ng kaguluhan kayo ay nagtatago sa amin?
2 Ang dukha ay pinahihirapan ng masasama at mayayabang.
Sanaʼy mangyari rin sa kanila ang kanilang masasamang plano.
3 Ipinagmamalaki nila ang kanilang masasamang kagustuhan.
Pinupuri nila ang mga sakim,
ngunit kinukutya ang Panginoon.
4 Dahil sa kahambugan ng mga taong masama,
binabalewala nila ang Dios,
at ayaw nila siyang lapitan.
5 Ang kanilang pamumuhay ay laging matagumpay,
at hindi man lang sila nag-aalala na silaʼy inyong hahatulan.
Hinahamak nila ang lahat ng kanilang mga kaaway.
6 Akala nilaʼy walang mangyayaring masama sa kanila at wala silang magiging problema.
7 Silaʼy lapastangan kapag nagsalita, sinungaling at mapagbanta,
at sila na rin ang nagsasabi ng masasakit at masasamang salita.
8 Sa liblib na mga lugar silaʼy nagtatago,
at nag-aabang sa mga inosente na kanilang papatayin.
9 Naghihintay silang nakakubli na parang leon,
upang sakmalin at kaladkarin ang mahihirap.
10 Dahil malakas sila, ibinabagsak nila ang mga kawawa,
hanggang sa hindi na makabangon.
11 Ang akala nilaʼy hindi sila pinapansin ng Dios at hinding-hindi niya nakikita ang kanilang mga ginagawa.
12 Sige na Panginoong Dios, parusahan nʼyo na po ang mga taong masama.
Huwag nʼyong pababayaan ang mga inaapi.
13 O Dios, bakit nilalait kayo ng mga taong masama?
Sinasabi pa nila, “Hindi tayo parurusahan ng Dios.”
14 Ngunit nakikita nʼyo, O Dios, ang mga taong nagdurusa at naghihirap.
Lumalapit sa inyo ang mga kaawa-awa tulad ng mga ulila,
at nakahanda kayong tumulong sa kanila.
15 Alisan nʼyo ng lakas ang mga taong masama,
at parusahan nʼyo sila hanggang sa silaʼy tumigil na sa paggawa ng masama.
16 Panginoon, kayo ay Hari magpakailanman!
At ang masasamang tao ay maglalaho sa mundo.
17 Panginoon, narinig nʼyo ang dalangin ng mga mahihirap.
Pakinggan nʼyo po sila at palakasin.
18 Bigyan nʼyo ng katarungan ang mga ulila at mga api,
upang wala ng mga taong mananakot ng kapwa, dahil silaʼy tao rin lang.
Psalm 10
King James Version
10 Why standest thou afar off, O Lord? why hidest thou thyself in times of trouble?
2 The wicked in his pride doth persecute the poor: let them be taken in the devices that they have imagined.
3 For the wicked boasteth of his heart's desire, and blesseth the covetous, whom the Lord abhorreth.
4 The wicked, through the pride of his countenance, will not seek after God: God is not in all his thoughts.
5 His ways are always grievous; thy judgments are far above out of his sight: as for all his enemies, he puffeth at them.
6 He hath said in his heart, I shall not be moved: for I shall never be in adversity.
7 His mouth is full of cursing and deceit and fraud: under his tongue is mischief and vanity.
8 He sitteth in the lurking places of the villages: in the secret places doth he murder the innocent: his eyes are privily set against the poor.
9 He lieth in wait secretly as a lion in his den: he lieth in wait to catch the poor: he doth catch the poor, when he draweth him into his net.
10 He croucheth, and humbleth himself, that the poor may fall by his strong ones.
11 He hath said in his heart, God hath forgotten: he hideth his face; he will never see it.
12 Arise, O Lord; O God, lift up thine hand: forget not the humble.
13 Wherefore doth the wicked contemn God? he hath said in his heart, Thou wilt not require it.
14 Thou hast seen it; for thou beholdest mischief and spite, to requite it with thy hand: the poor committeth himself unto thee; thou art the helper of the fatherless.
15 Break thou the arm of the wicked and the evil man: seek out his wickedness till thou find none.
16 The Lord is King for ever and ever: the heathen are perished out of his land.
17 Lord, thou hast heard the desire of the humble: thou wilt prepare their heart, thou wilt cause thine ear to hear:
18 To judge the fatherless and the oppressed, that the man of the earth may no more oppress.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
