Add parallel Print Page Options

At sa mga araw na yaon ay (A)hahanapin ng mga tao ang kamatayan, at sa anomang paraa'y hindi nila masusumpungan; at mangagnanasang mamatay, at ang kamatayan ay tatakas sa kanila.

At (B)ang anyo ng mga balang ay katulad ng mga kabayong nahahanda sa pagbabaka; at sa kanilang mga ulo ay gaya ng mga putong na katulad ng ginto, at ang kanilang mga mukha ay gaya ng mga mukha ng mga tao.

At sila'y may buhok na gaya ng buhok ng mga babae, at ang (C)kanilang mga ngipin ay gaya ng sa mga leon.

Read full chapter