Add parallel Print Page Options

Ang Ikapitong Tatak

Nang buksan ng Kordero ang ikapitong tatak ay nagkaroon ng katahimikan sa langit nang may kalahating oras.

At nakita ko ang pitong anghel na nakatayo sa harapan ng Diyos at sila'y binigyan ng pitong trumpeta.

Dumating(A) ang isa pang anghel at tumayo sa harap ng dambana, na may hawak na isang gintong lalagyan ng insenso; at binigyan siya ng maraming insenso, upang idagdag ito sa mga panalangin ng lahat ng mga banal sa ibabaw ng dambanang ginto, na nasa harapan ng trono.

At umakyat ang usok ng insenso, kalakip ng mga panalangin ng mga banal, mula sa kamay ng anghel patungo sa harapan ng Diyos.

At(B) kinuha ng anghel ang lalagyan ng insenso at pinuno niya ng apoy ng dambana, itinapon niya sa lupa at nagkaroon ng mga kulog, mga tunog, mga kidlat, at ng lindol.

Ang Pitong Trumpeta

At ang pitong anghel na may pitong trumpeta ay naghanda upang hipan ang mga trumpeta.

Hinipan(C) ng unang anghel ang kanyang trumpeta at umulan ng yelo at apoy na may halong dugo, at itinapon ang mga ito sa lupa. Ang ikatlong bahagi ng lupa ay nasunog, at ang ikatlong bahagi ng mga punungkahoy ay nasunog, at ang lahat ng luntiang damo ay nasunog.

Hinipan ng ikalawang anghel ang kanyang trumpeta at ang tulad sa isang malaking bundok na nagliliyab sa apoy ay itinapon sa dagat.

Ang ikatlong bahagi ng dagat ay naging dugo, namatay ang ikatlong bahagi ng mga nilalang na may buhay na nasa dagat at ang ikatlong bahagi ng mga barko ay nawasak.

10 Hinipan(D) ng ikatlong anghel ang kanyang trumpeta at nahulog mula sa langit ang isang malaking bituin, na nagliliyab na gaya ng isang sulo, at nahulog sa ikatlong bahagi ng mga ilog, at sa mga bukal ng tubig.

11 Ang(E) pangalan ng bituin ay Halamang Mapait at ang ikatlong bahagi ng tubig ay naging mapait at maraming tao ang namatay dahil sa tubig, sapagkat ito ay mapait.

12 Hinipan(F) ng ikaapat na anghel ang kanyang trumpeta at tinamaan ang ikatlong bahagi ng araw, ang ikatlong bahagi ng buwan, at ang ikatlong bahagi ng bituin kaya't nagdilim ang ikatlong bahagi nila, at ang ikatlong bahagi ng maghapon ay hindi nagliwanag, at gayundin naman ang gabi.

13 At tumingin ako, at aking narinig ang isang agila, na lumilipad sa gitna ng himpapawid, na nagsasabi ng malakas na tinig, “Kahabag-habag, kahabag-habag, kahabag-habag ang mga naninirahan sa ibabaw ng lupa, dahil sa mga tunog ng mga trumpeta na malapit nang hipan ng tatlo pang anghel.”

At nang buksan niya ang ikapitong tatak, ay nagkaroon ng katahimikan sa langit na may kalahating oras.

At nakita ko ang pitong anghel na nangakatayo sa harapan ng Dios; at sila'y binigyan ng pitong pakakak.

At dumating ang ibang anghel at tumayo sa harap ng dambana, na may hawak na isang gintong pangsuob ng kamangyan; at binigyan siya ng maraming kamangyan, upang idagdag ito sa mga panalangin ng lahat ng mga banal sa ibabaw ng dambanang ginto, na nasa harapan ng luklukan.

At ang usok ng kamangyan, kalakip ng mga panalangin ng mga banal, ay napailanglang mula sa kamay ng anghel, sa harapan ng Dios.

At kinuha ng anghel ang pangsuob ng kamangyan; at pinuno niya ng apoy ng dambana, at itinapon sa lupa: at nagkaroon ng mga kulog, at mga tinig, at mga kidlat, at ng isang lindol.

At ang pitong anghel na may pitong pakakak ay nagsihanda upang magsihihip.

At humihip ang una, at nagkaroon ng granizo at apoy, na may halong dugo, at itinapon sa lupa: at ang ikatlong bahagi ng lupa ay nasunog, at ang ikatlong bahagi ng mga punong kahoy ay nasunog, at ang lahat ng sariwang damo ay nasunog.

At humihip ang ikalawang anghel, at ang tulad sa isang malaking bundok na nagliliyab sa apoy ay nabulusok sa dagat: at ang ikatlong bahagi ng dagat ay naging dugo;

At namatay ang ikatlong bahagi ng mga nilalang na nasa dagat, na mga may buhay; at ang ikatlong bahagi sa mga daong ay nawalat.

10 At humihip ang ikatlong anghel, at nahulog mula sa langit ang isang malaking bituin, na nagliliyab na gaya ng isang sulo, at nahulog sa ikatlong bahagi ng mga ilog, at sa mga bukal ng tubig;

11 At ang pangalan ng bituin ay Ajenjo: at ang ikatlong bahagi ng tubig ay naging ajenjo; at maraming tao ay nangamatay dahil sa tubig, sapagka't mapait ang tubig.

12 At humihip ang ikaapat na anghel, at nasugatan ang ikatlong bahagi ng araw, at ang ikatlong bahagi ng buwan, at ang ikatlong bahagi ng bituin; upang magdilim ang ikatlong bahagi nila, at upang ang ikatlong bahagi ng maghapon ay huwag lumiwanag, at gayon din naman ang gabi.

13 At nakita ko, at narinig ko ang isang anghel, na lumilipad sa pagitan ng langit, na nagsasabi ng malakas na tinig, Sa aba, sa aba, sa aba ng mga nananahan sa ibabaw ng lupa, dahil sa mga ibang tunog ng pakakak ng tatlong anghel, na magsisihihip pa.

Ang Ikapitong Selyo at ang Ginintuang Sunugan ng Insenso

At nang buksan niya ang ikapitong selyo, tumahimik sa langit nang may kalahating oras.

At nakita ko ang pitong anghel na nakatayo sa harapan ng Diyos. Binigyan sila ng pitong trumpeta.

At isa pang anghel ang dumating at tumayo sa tabing dambana. Siya ay may taglay na gintong suuban ng kamangyan. Binigyan siya ng maraming kamangyan upang ihandog niya itong kasama ng mga panalangin ng lahat ng banal sa ginintuang dambana na nasa harapan ng trono. Ang usok ng kamangyan, kasama ang mga panalangin ng mga banal ay pumailanglang sa harapan ng Diyos mula sa kamay ng anghel. Kinuha ng anghel ang suuban ng kamangyan at pinuno ito ng apoy na mula sa dambana. Inihagis niya ito sa lupa. Nagkaroon ng ingay, kulog, kidlat at lindol.

Ang mga Trumpeta

Inihanda ng pitong anghel, na may pitong trumpeta, ang kanilang mga sarili upang hipan ang kanilang mga trumpeta.

Hinipan ng unang anghel ang kaniyang trumpeta. Bumagsak ang graniso at apoy na may kahalong dugo. Inihagis ito sa lupa. Ika-tatlong bahagi ng mga punong-kahoy ang nasunog at lahat ng sariwang damo ay nasunog.

Hinipan ng pangalawang anghel ang kaniyang trumpeta. At isang katulad ng malaking bundok na nagliliyab, ito ay itinapon sa dagat. At ang ika-tatlong bahagi ng dagat ay naging dugo. At ang ika-tatlong bahagi ng mga buhay na nilalang na nasa dagat ang namatayat ang ika-tatlong bahagi ng mga sasakyang dagat ay nawasak.

10 Hinipan ng pangatlong anghel ang kaniyang trumpeta. Isang malaking bituin ang bumagsak mula sa langit na nagniningas na katulad ng isang ilawan. At ito ay bumagsak sa ikatlong bahagi sa mga ilog at sa mga bukal ng tubig. 11 Ang pangalan ng bituin ay Kapaitan. Ang ika-tatlong bahagi ng tubig ay pumait. Maraming tao ang namatay dahil pumait ang tubig.

12 Hinipan ng pang-apat na anghel ang kaniyang trumpeta. Napinsala ang ika-tatlong bahagi ng araw at ang ika-tatlong bahagi ng buwan at ang ika-tatlong bahagi ng mga bituin upang magdilim ang ika-tatlong bahagi nito at ang ika-tatlong bahagi ng isang araw ay hindi magliliwanag at gayundin ng sa gabi.

13 At nakita ko at narinig ang isang anghel na lumilipad sa gitna ng langit na nagsasabi sa malakas na tinig: Sa aba, sa aba, sa aba sa kanila na naninirahan sa lupa dahil sa nananatili pang tunog ng trumpeta ng tatlong anghel na kanila pang hihipan.

The Seventh Seal and the Golden Censer

When he opened the seventh seal,(A) there was silence in heaven for about half an hour.

And I saw the seven angels(B) who stand before God, and seven trumpets were given to them.(C)

Another angel,(D) who had a golden censer, came and stood at the altar. He was given much incense to offer, with the prayers of all God’s people,(E) on the golden altar(F) in front of the throne. The smoke of the incense, together with the prayers of God’s people, went up before God(G) from the angel’s hand. Then the angel took the censer, filled it with fire from the altar,(H) and hurled it on the earth; and there came peals of thunder,(I) rumblings, flashes of lightning and an earthquake.(J)

The Trumpets

Then the seven angels who had the seven trumpets(K) prepared to sound them.

The first angel(L) sounded his trumpet, and there came hail and fire(M) mixed with blood, and it was hurled down on the earth. A third(N) of the earth was burned up, a third of the trees were burned up, and all the green grass was burned up.(O)

The second angel sounded his trumpet, and something like a huge mountain,(P) all ablaze, was thrown into the sea. A third(Q) of the sea turned into blood,(R) a third(S) of the living creatures in the sea died, and a third of the ships were destroyed.

10 The third angel sounded his trumpet, and a great star, blazing like a torch, fell from the sky(T) on a third of the rivers and on the springs of water(U) 11 the name of the star is Wormwood.[a] A third(V) of the waters turned bitter, and many people died from the waters that had become bitter.(W)

12 The fourth angel sounded his trumpet, and a third of the sun was struck, a third of the moon, and a third of the stars, so that a third(X) of them turned dark.(Y) A third of the day was without light, and also a third of the night.(Z)

13 As I watched, I heard an eagle that was flying in midair(AA) call out in a loud voice: “Woe! Woe! Woe(AB) to the inhabitants of the earth,(AC) because of the trumpet blasts about to be sounded by the other three angels!”

Footnotes

  1. Revelation 8:11 Wormwood is a bitter substance.