Add parallel Print Page Options

At nang buksan niya (A)ang ikapitong tatak, ay nagkaroon ng katahimikan sa langit na may kalahating oras.

At nakita ko ang pitong anghel na nangakatayo sa harapan ng Dios; at sila'y binigyan ng pitong (B)pakakak.

At dumating ang ibang anghel at tumayo sa harap ng dambana, na may hawak na (C)isang gintong pangsuob ng kamangyan; at binigyan siya ng maraming kamangyan, upang idagdag ito sa (D)mga panalangin ng lahat ng mga banal sa ibabaw (E)ng dambanang ginto, na nasa harapan ng luklukan.

At ang usok ng kamangyan, kalakip ng mga panalangin ng mga banal, ay napailanglang mula sa kamay ng anghel, sa harapan ng Dios.

At kinuha ng anghel ang pangsuob ng kamangyan; at (F)pinuno niya ng apoy ng dambana, at itinapon sa lupa: at nagkaroon ng mga kulog, at mga (G)tinig, at mga kidlat, at ng isang lindol.

At ang pitong anghel na may pitong pakakak ay nagsihanda upang magsihihip.

At humihip ang una, (H)at nagkaroon ng granizo at apoy, na may halong dugo, at (I)itinapon sa lupa: at (J)ang ikatlong bahagi ng lupa ay nasunog, at ang ikatlong bahagi ng mga punong kahoy ay nasunog, at ang lahat ng sariwang damo ay nasunog.

At humihip ang ikalawang anghel, (K)at ang tulad sa isang malaking bundok na nagliliyab sa apoy ay nabulusok sa dagat: (L)at ang ikatlong bahagi ng dagat (M)ay naging dugo;

At namatay ang ikatlong bahagi ng mga nilalang na nasa dagat, na mga may buhay; at ang ikatlong bahagi sa mga daong ay nawalat.

10 At humihip ang ikatlong anghel, (N)at nahulog mula sa langit ang isang malaking bituin, na nagliliyab na gaya ng isang sulo, (O)at nahulog sa ikatlong bahagi ng mga ilog, at sa mga bukal ng tubig;

11 At ang pangalan ng bituin ay (P)Ajenjo: at ang ikatlong bahagi ng tubig ay naging ajenjo; at maraming tao ay nangamatay dahil sa tubig, sapagka't mapait ang tubig.

12 At humihip ang ikaapat na anghel, at (Q)nasugatan ang ikatlong bahagi ng araw, at ang ikatlong bahagi ng buwan, at ang ikatlong bahagi ng bituin; upang magdilim ang ikatlong bahagi nila, at upang ang ikatlong bahagi ng maghapon ay huwag lumiwanag, at gayon din naman ang gabi.

13 At nakita ko, at narinig ko ang isang agila, na lumilipad sa pagitan ng langit, na nagsasabi ng malakas na tinig, (R)Sa aba, sa aba, sa aba ng mga nananahan sa ibabaw ng lupa, dahil sa mga ibang tunog ng pakakak ng tatlong anghel, na magsisihihip pa.

Ang Ikapitong Selyo at ang Ginintuang Sunugan ng Insenso

At nang buksan niya ang ikapitong selyo, tumahimik sa langit nang may kalahating oras.

At nakita ko ang pitong anghel na nakatayo sa harapan ng Diyos. Binigyan sila ng pitong trumpeta.

At isa pang anghel ang dumating at tumayo sa tabing dambana. Siya ay may taglay na gintong suuban ng kamangyan. Binigyan siya ng maraming kamangyan upang ihandog niya itong kasama ng mga panalangin ng lahat ng banal sa ginintuang dambana na nasa harapan ng trono. Ang usok ng kamangyan, kasama ang mga panalangin ng mga banal ay pumailanglang sa harapan ng Diyos mula sa kamay ng anghel. Kinuha ng anghel ang suuban ng kamangyan at pinuno ito ng apoy na mula sa dambana. Inihagis niya ito sa lupa. Nagkaroon ng ingay, kulog, kidlat at lindol.

Ang mga Trumpeta

Inihanda ng pitong anghel, na may pitong trumpeta, ang kanilang mga sarili upang hipan ang kanilang mga trumpeta.

Hinipan ng unang anghel ang kaniyang trumpeta. Bumagsak ang graniso at apoy na may kahalong dugo. Inihagis ito sa lupa. Ika-tatlong bahagi ng mga punong-kahoy ang nasunog at lahat ng sariwang damo ay nasunog.

Hinipan ng pangalawang anghel ang kaniyang trumpeta. At isang katulad ng malaking bundok na nagliliyab, ito ay itinapon sa dagat. At ang ika-tatlong bahagi ng dagat ay naging dugo. At ang ika-tatlong bahagi ng mga buhay na nilalang na nasa dagat ang namatayat ang ika-tatlong bahagi ng mga sasakyang dagat ay nawasak.

10 Hinipan ng pangatlong anghel ang kaniyang trumpeta. Isang malaking bituin ang bumagsak mula sa langit na nagniningas na katulad ng isang ilawan. At ito ay bumagsak sa ikatlong bahagi sa mga ilog at sa mga bukal ng tubig. 11 Ang pangalan ng bituin ay Kapaitan. Ang ika-tatlong bahagi ng tubig ay pumait. Maraming tao ang namatay dahil pumait ang tubig.

12 Hinipan ng pang-apat na anghel ang kaniyang trumpeta. Napinsala ang ika-tatlong bahagi ng araw at ang ika-tatlong bahagi ng buwan at ang ika-tatlong bahagi ng mga bituin upang magdilim ang ika-tatlong bahagi nito at ang ika-tatlong bahagi ng isang araw ay hindi magliliwanag at gayundin ng sa gabi.

13 At nakita ko at narinig ang isang anghel na lumilipad sa gitna ng langit na nagsasabi sa malakas na tinig: Sa aba, sa aba, sa aba sa kanila na naninirahan sa lupa dahil sa nananatili pang tunog ng trumpeta ng tatlong anghel na kanila pang hihipan.