Apocalipsis 5
Ang Biblia, 2001
Ang Aklat at ang Kordero
5 At(A) nakita ko sa kanang kamay ng nakaupo sa trono ang isang aklat[a] na may sulat sa loob at sa likod, na tinatakan ng pitong tatak.
2 At nakita ko ang isang makapangyarihang anghel na nagpapahayag sa malakas na tinig, “Sino ang karapat-dapat magbukas ng aklat at magtanggal ng mga tatak nito?”
3 At walang sinuman sa langit, o sa ibabaw man ng lupa, o sa ilalim man ng lupa, ang makapagbukas ng aklat o makatingin man sa loob nito.
4 Ako'y labis na umiyak, sapagkat walang natagpuang sinuman na karapat-dapat magbukas ng aklat, o tumingin sa loob nito.
5 At(B) sinabi sa akin ng isa sa matatanda, “Huwag kang umiyak. Tingnan mo, ang Leon sa lipi ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang mabuksan niya ang aklat at ang pitong tatak nito.”
6 Pagkatapos(C) ay nakita ko sa gitna ng trono at ng apat na nilalang na buháy at sa gitna ng matatanda ang isang Korderong nakatayo, na tulad sa isang pinaslang, na may pitong sungay at pitong mata na siyang pitong Espiritu ng Diyos, na sinugo sa buong daigdig.
7 Siya'y lumapit, at kinuha ang aklat sa kanang kamay ng nakaluklok sa trono.
8 Pagkakuha(D) niya sa aklat, ang apat na nilalang na buháy at ang dalawampu't apat na matatanda ay nagpatirapa sa harapan ng Kordero, na ang bawat isa'y may alpa, at mga mangkok na ginto na punô ng insenso, na siyang mga panalangin ng mga banal.
9 At(E) sila'y nag-aawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi,
“Ikaw ay karapat-dapat na kumuha sa aklat
at magbukas ng mga tatak nito,
sapagkat ikaw ay pinatay, at sa pamamagitan ng iyong dugo ay binili mo para sa Diyos
ang mga tao mula sa bawat lipi, wika, bayan, at bansa.
10 At(F) sila'y iyong ginawang isang kaharian at mga pari para sa aming Diyos;
at sila'y maghahari sa ibabaw ng lupa.”
11 Nakita(G) ko at narinig ang tinig ng maraming mga anghel sa palibot ng trono at ng mga nilalang na buháy at ng matatanda; at ang bilang nila ay milyun-milyon at libu-libo,
12 na nagsasabi ng may malakas na tinig,
“Ang Kordero na pinaslang ay karapat-dapat
tumanggap ng kapangyarihan, kayamanan, karunungan, kalakasan, karangalan, kaluwalhatian, at kapurihan.”
13 At ang bawat bagay na nilalang na nasa langit, at nasa ibabaw ng lupa, at nasa ilalim ng lupa, at nasa ibabaw ng dagat, at lahat ng mga bagay na nasa mga ito ay narinig kong nagsasabi,
“Sa kanya na nakaupo sa trono at sa Kordero
ay ang kapurihan, karangalan, kaluwalhatian, at kapangyarihan, magpakailanpaman.
14 At ang apat na nilalang na buháy ay nagsabi, “Amen!” At ang matatanda ay nagpatirapa at sumamba.
Footnotes
- Apocalipsis 5:1 o balumbon .
Pahayag 5
Ang Salita ng Diyos
Ang Balumbon na Aklat at ang Kordero
5 At nakakita ako ng isang balumbon sa kanang kamay ng nakaupo sa trono na may sulat sa loob at sa likod nito, tinatakan ito ng pitong selyo.
2 At nakita ko ang isangmalakas na anghel na nagpapahayag sa isang malakas na tinig: Sino ang karapat-dapat na magbukas sa selyo ng balumbon at magpaluwag ng mga selyo nito. 3 Walang sinuman sa langit, o sa lupa, o sa ilalim ng lupa ang makakapagbukas ng balumbon o makatingin man dito. 4 Dahil hindi sila makakita ng sinumang karapat-dapat na magbukas at magbasa ng balumbon o makatingin man nito, ako ay tumangis ng labis. 5 Sinabi ng isa sa mga matanda sa akin: Huwag kang tumangis. Narito, ang leon na mula sa lipi ni Juda at ang ugat ni David ay nagtagumpay upang buksan ang balumbon at luwagan ang pitong selyo nito.
6 At nakita, narito, isang Kordero ang nakatayong katulad niyaong pinatay sa gitna ng trono at sa kanilang apat na nilalang at sa gitna ng mga matanda. Siya ay may pitong sungay at pitong mga mata na ang mga ito ay ang pitong Espiritu ng Diyos na sinugo sa lahat ng lupa. 7 At siya ay dumating at kinuha ang balumbon mula sa kanang kamay ng nakaupo sa trono.
8 Nang kunin niya ang balumbon, ang apat na buhay na nilalang at ang dalawampu’t apat na mga matanda ay may mga alpa at mga gintong mangkok na pinuno ng kamangyan na ito ang mga panalangin ng mga banal. 9 At sila ay umawit ng bagong awit. Sinabi nila:
Ikaw ay karapat-dapat kumuha ng balumbon at magbukas ng selyo nito. Dahil pinatay ka nila at tinubos mo kami para sa Diyos ng iyong dugo, sa bawat lipi at wika, mga tao at bansa.
10 Ginawa mo kaming mga hari at mga saserdote para sa aming Diyos. At kami ay maghahari sa ibabaw ng lupa.
11 Nakita ko at narinig ang tinig ng maraming anghel na nakapalibot sa trono, ng mga buhay na nilalang, ng mga matanda at ng mga sampunlibo ng sampunlibo at mga libu-libo ng mga libu-libo. 12 Sinabi nila sa pamamagitan ng isang malakas na tinig:
Ang Korderong kanilang pinatay ay karapat-dapat na tumanggap ng kapangyarihan at kayamanan at karunungan at kalakasan at karangalan at kaluwalhatian at pagpapala.
13 Narinig ko ang tinig ng lahat ng nilalang na naroon sa langit, at sa lupa, at ilalim ng lupa, at silang nasa karagatan at ang lahat ng bagay na nasa kanila, nagsasabi:
Sa kaniya na nakaupo sa trono at sa Kordero, pagpapala at karangalan at kaluwalhatian at kapangyarihan magpakailan pa man.
14 At ang apat na buhay na nilalang ay nagsabi: Siya nawa. At ang dalawampu’t apat na mga matanda ay nagpatirapa at sinamba siyang nabubuhay magpakailan pa man.
Apocalipsis 5
Reina-Valera 1960
El rollo y el Cordero
5 Y vi en la mano derecha del que estaba sentado en el trono un libro escrito por dentro y por fuera,(A) sellado con siete sellos. 2 Y vi a un ángel fuerte que pregonaba a gran voz: ¿Quién es digno de abrir el libro y desatar sus sellos? 3 Y ninguno, ni en el cielo ni en la tierra ni debajo de la tierra, podía abrir el libro, ni aun mirarlo. 4 Y lloraba yo mucho, porque no se había hallado a ninguno digno de abrir el libro, ni de leerlo, ni de mirarlo. 5 Y uno de los ancianos me dijo: No llores. He aquí que el León de la tribu de Judá,(B) la raíz de David,(C) ha vencido para abrir el libro y desatar sus siete sellos.
6 Y miré, y vi que en medio del trono y de los cuatro seres vivientes, y en medio de los ancianos, estaba en pie un Cordero como inmolado,(D) que tenía siete cuernos, y siete ojos,(E) los cuales son los siete espíritus de Dios enviados por toda la tierra. 7 Y vino, y tomó el libro de la mano derecha del que estaba sentado en el trono. 8 Y cuando hubo tomado el libro, los cuatro seres vivientes y los veinticuatro ancianos se postraron delante del Cordero; todos tenían arpas, y copas de oro llenas de incienso, que son las oraciones de los santos;(F) 9 y cantaban un nuevo cántico, diciendo: Digno eres de tomar el libro y de abrir sus sellos; porque tú fuiste inmolado, y con tu sangre nos has redimido para Dios, de todo linaje y lengua y pueblo y nación; 10 y nos has hecho para nuestro Dios reyes y sacerdotes,(G) y reinaremos sobre la tierra. 11 Y miré, y oí la voz de muchos ángeles alrededor del trono, y de los seres vivientes, y de los ancianos; y su número era millones de millones,(H) 12 que decían a gran voz: El Cordero que fue inmolado es digno de tomar el poder, las riquezas, la sabiduría, la fortaleza, la honra, la gloria y la alabanza. 13 Y a todo lo creado que está en el cielo, y sobre la tierra, y debajo de la tierra, y en el mar, y a todas las cosas que en ellos hay, oí decir: Al que está sentado en el trono, y al Cordero, sea la alabanza, la honra, la gloria y el poder, por los siglos de los siglos. 14 Los cuatro seres vivientes decían: Amén; y los veinticuatro ancianos se postraron sobre sus rostros y adoraron al que vive por los siglos de los siglos.
Copyright © 1998 by Bibles International
Reina-Valera 1960 ® © Sociedades Bíblicas en América Latina, 1960. Renovado © Sociedades Bíblicas Unidas, 1988. Utilizado con permiso. Si desea más información visite americanbible.org, unitedbiblesocieties.org, vivelabiblia.com, unitedbiblesocieties.org/es/casa/, www.rvr60.bible