Apocalipsis 3
Ang Biblia, 2001
Ang Mensahe sa Sardis
3 “At sa anghel ng iglesya sa Sardis ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may pitong Espiritu ng Diyos at may pitong bituin:
“Alam ko ang iyong mga gawa, sa pangalan ikaw ay nabubuhay, ngunit ikaw ay patay.
2 Gumising ka, at palakasin mo ang mga bagay na natitira, na malapit nang mamatay, sapagkat hindi ko natagpuang ganap ang iyong mga gawa sa harapan ng aking Diyos.
3 Kaya't(A) alalahanin mo kung paano mo ito tinanggap at narinig; tuparin mo ito at magsisi ka. Kaya't kung hindi ka gigising, darating akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong oras ako darating sa iyo.
4 Ngunit mayroon ka pang ilan sa Sardis[a] na hindi dinungisan ang kanilang mga damit; at sila'y kasama kong lalakad na nakaputi, sapagkat sila'y karapat-dapat.
5 Ang(B) magtagumpay ay bibihisang gayon ng mapuputing damit; at hindi ko kailanman papawiin ang kanyang pangalan sa aklat ng buhay. At ipahahayag ko ang kanyang pangalan sa harapan ng aking Ama, at sa harapan ng kanyang mga anghel.
6 Ang may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.
Ang Mensahe sa Filadelfia
7 “At(C) sa anghel ng iglesya sa Filadelfia ay isulat mo:
“Ang mga bagay na ito ang sinasabi ng banal, ng totoo,
na may susi ni David,
na nagbubukas at hindi maisasara ng sinuman, na nagsasara at walang makakapagbukas.
8 “Alam ko ang iyong mga gawa. Tingnan mo, inilagay ko sa harapan mo ang isang pintong bukas, na hindi maisasara ng sinuman. Alam kong ikaw ay may kaunting kapangyarihan, ngunit tinupad mo ang aking salita, at hindi mo itinakuwil ang aking pangalan.
9 Ibinibigay(D) ko sa mga sinagoga ni Satanas na nagsasabing sila'y mga Judio, at sila'y hindi, kundi nagsisinungaling: sila'y aking papupuntahin at pasasambahin sa harap ng iyong mga paa, at malalaman nilang ikaw ay aking inibig.
10 Sapagkat tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sa oras ng pagsubok na darating sa buong daigdig, upang subukin ang mga naninirahan sa ibabaw ng lupa.
11 Ako'y dumarating na madali; panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang walang makaagaw ng iyong korona.
12 Ang(E) magtagumpay ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Diyos, at hindi na siya lalabas pa roon, at isusulat ko sa kanya ang pangalan ng aking Diyos, at ang pangalan ng lunsod ng aking Diyos, ang bagong Jerusalem, na bumababa buhat sa langit, mula sa aking Diyos, at ang aking sariling bagong pangalan.
13 Ang may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.
Ang Mensahe sa Laodicea
14 “At(F) sa anghel ng iglesya sa Laodicea ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Amen, ng saksing tapat at totoo, nang pasimula ng paglalang ng Diyos:
15 “Alam ko ang iyong mga gawa; ikaw ay hindi malamig o mainit man. Ibig ko sanang ikaw ay malamig o mainit.
16 Kaya, dahil ikaw ay malahininga, at hindi mainit o malamig man, ay isusuka kita mula sa aking bibig.
17 Sapagkat sinasabi mo, ‘Ako'y mayaman, at naging mariwasa at hindi ako nangangailangan ng anuman.’ Hindi mo nalalamang ikaw ay aba, kahabag-habag, maralita, bulag at hubad.
18 Ipinapayo ko sa iyo na bumili ka sa akin ng gintong dinalisay ng apoy upang ikaw ay yumaman, at ng mapuputing damit upang iyong maisuot, at upang huwag mahayag ang iyong kahiyahiyang kahubaran, at ng pampahid na ilalagay sa iyong mga mata, upang ikaw ay makakita.
19 Ang(G) lahat na aking iniibig ay aking sinasaway at dinidisiplina. Ikaw nga'y magsikap, at magsisi.
20 Makinig ka! Ako'y nakatayo sa may pintuan at tumutuktok; kung diringgin ng sinuman ang aking tinig at buksan ang pinto, ako'y papasok sa kanya, at kakaing kasalo niya, at siya'y kasalo ko.
21 Ang magtagumpay ay pagkakalooban ko na umupong kasama ko sa aking trono, gaya ko naman na nagtagumpay at umupong kasama ng aking Ama sa kanyang trono.
22 Ang may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.”
Footnotes
- Apocalipsis 3:4 Sa Griyego ay ilang pangalan sa Sardis .
Pahayag 3
Ang Salita ng Diyos
Ang Sulat Para sa Iglesiya sa Sardis
3 Sumulat ka sa anghel ng iglesiya sa Sardis:
Ako na may taglay ng pitong Espiritu ng Diyos at ng pitong bituin ang nagsasabi ng mga bagay na ito: Nalalaman ko ang iyong mga gawa, mayroon kang pangalan na ikaw ay nabubuhay, ngunit ikaw ay patay.
2 Magbantay ka. Palakasin mo ang mga bagay na natitira na malapit nang mamatay sapagkat nasumpungan ko na ang inyong mga gawa ay hindi ganap sa paningin ng Diyos. 3 Kaya nga, alalahanin mo kung papaano ka tumanggap at nakinig. Tuparin mo ito at magsisi ka. Kaya nga, kung hindi ka magbantay, ako ay paririyan sa iyo katulad ng isang magnanakaw. Kailanman ay hindi mo malalaman kung anong oras ako paririyan sa iyo.
4 Mayroon kang ilang tao sa Sardis na hindi narumihan ang kanilang mga kasuotan. Sila ay kasama kong lalakad na nararamtan ng maputing damit dahil sila ay karapat-dapat. 5 Ang magtatagumpay ay daramtan ko ng maputing damit. Hindi ko buburahin kailanman ang kaniyang pangalan sa aklat ng buhay. Kikilalanin ko ang kaniyang pangalan sa harapan ng aking Ama at sa harapan ng kaniyang mga anghel. 6 Ang may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesiya.
Ang Sulat Para sa Iglesiya sa Filadelfia
7 Sumulat ka sa anghel ng iglesiya sa Filadelfia:
Ako ang Banal at Totoo. Ako ang may hawak ng susi ni David na nagbubukas at walang makakapagsara nito, nagsasara ako at walang makakapagbukas nito.
8 Nalalaman ko ang iyong mga gawa, narito, inilagay ko sa harap mo ang isang pintuang bukas at walang makakapagsara nito sapagkat kaunti ang iyong lakas at tinupad mo ang aking salita at hindi mo ipinagkaila ang aking pangalan. 9 Narito, sinasabi ko ito sa kanila na kabahagi ng sinagoga ni Satanas, yaong mga nagsasabi na sila ay mga Judio at hindi naman. Subalit sila ay nagsinungaling. Narito, palalapitin ko sila upang magpatirapa sa iyong paanan. Ipaaalam ko sa kanila na iniibig kita. 10 Dahil tinupad mo ang aking salita na ikaw ay dapat maging matiisin, iingatan kita sa panahong ito ng pagsubok na darating na sa mga tao sa buong sanlibutan upang subukin ang mga naninirahan sa lupa.
11 Narito, darating na ako agad. Panghawakan mo ang anumang iyong tinataglay upang walang sinumang makakuha ng iyong gantimpalang putong. 12 Ang magtatagumpay ay gagawin kong isang haligi sa banal na dako ng aking Diyos. Siya ay hindi na lalabas kailanman. Isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Diyos at ang pangalan ng lungsod ng aking Diyos, ang bagong Jerusalem na bumababang galing sa langit mula sa aking Diyos. Isusulat ko sa kaniya ang bago kong pangalan. 13 Ang may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesiya.
Ang Sulat Para sa Iglesiya sa Laodicea
14 Isulat mo sa anghel ng iglesiya sa Laodicea:
Ako, na tinatawag na Siya nawa, ang tapat at totoong saksi, ang pasimula ng mga nilalang ng Diyos, ang nagsasabi ng mga bagay na ito:
15 Nalalaman ko ang iyong mga gawa na ikaw ay hindi malamig o mainit. Ang nais ko ay maging malamig ka o mainit. 16 Kaya nga, sapagkat ikaw ay maligamgam, hindi malamig o mainit, isusuka na kita mula sa aking bibig. 17 Sinasabi mo: Ako ay mayaman. Ako ay naging mayaman at hindi nangangailangan ng anuman. Hindi mo alam na ikaw ay sawimpalad, nararapat kahabagan, maralita, bulag at hubad. 18 Dahil dito, pinapayuhan kita na bumili ng ginto mula sa akin na dinalisay ng mga tao sa apoy upang yumaman ka. Bumili ka ng maputing damit upang ikaw ay mabihisan. Sa ganitong paraan ay hindi makikita ng mga tao ang kahihiyan ng iyong kahubaran. Pahiran mo ang iyong mga mata ng gamot para sa mata upang makakita ka.
19 Sinasaway ko at sinusupil ko ang aking mga minamahal. Kaya nga, magsumigasig ka at magsisi. 20 Narito, ako ay nakatayo sa pintuan at patuloy na kumakatok. Kapag marinig ng sinuman ang aking tinig at magbukas ng pinto, ako ay papasok sa kaniya. Ako ay maghahapunang kasama niya at siya ay kakaing kasama ko.
21 Ang magtatagumpay ay bibigyan ko ng karapatang maupong kasama ko sa aking trono, katulad din ng aking pagtatagumpay. At ako ay umupong kasama ng aking Ama sa kaniyang trono. 22 Ang may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesiya.
Revelation 3
King James Version
3 And unto the angel of the church in Sardis write; These things saith he that hath the seven Spirits of God, and the seven stars; I know thy works, that thou hast a name that thou livest, and art dead.
2 Be watchful, and strengthen the things which remain, that are ready to die: for I have not found thy works perfect before God.
3 Remember therefore how thou hast received and heard, and hold fast, and repent. If therefore thou shalt not watch, I will come on thee as a thief, and thou shalt not know what hour I will come upon thee.
4 Thou hast a few names even in Sardis which have not defiled their garments; and they shall walk with me in white: for they are worthy.
5 He that overcometh, the same shall be clothed in white raiment; and I will not blot out his name out of the book of life, but I will confess his name before my Father, and before his angels.
6 He that hath an ear, let him hear what the Spirit saith unto the churches.
7 And to the angel of the church in Philadelphia write; These things saith he that is holy, he that is true, he that hath the key of David, he that openeth, and no man shutteth; and shutteth, and no man openeth;
8 I know thy works: behold, I have set before thee an open door, and no man can shut it: for thou hast a little strength, and hast kept my word, and hast not denied my name.
9 Behold, I will make them of the synagogue of Satan, which say they are Jews, and are not, but do lie; behold, I will make them to come and worship before thy feet, and to know that I have loved thee.
10 Because thou hast kept the word of my patience, I also will keep thee from the hour of temptation, which shall come upon all the world, to try them that dwell upon the earth.
11 Behold, I come quickly: hold that fast which thou hast, that no man take thy crown.
12 Him that overcometh will I make a pillar in the temple of my God, and he shall go no more out: and I will write upon him the name of my God, and the name of the city of my God, which is new Jerusalem, which cometh down out of heaven from my God: and I will write upon him my new name.
13 He that hath an ear, let him hear what the Spirit saith unto the churches.
14 And unto the angel of the church of the Laodiceans write; These things saith the Amen, the faithful and true witness, the beginning of the creation of God;
15 I know thy works, that thou art neither cold nor hot: I would thou wert cold or hot.
16 So then because thou art lukewarm, and neither cold nor hot, I will spue thee out of my mouth.
17 Because thou sayest, I am rich, and increased with goods, and have need of nothing; and knowest not that thou art wretched, and miserable, and poor, and blind, and naked:
18 I counsel thee to buy of me gold tried in the fire, that thou mayest be rich; and white raiment, that thou mayest be clothed, and that the shame of thy nakedness do not appear; and anoint thine eyes with eyesalve, that thou mayest see.
19 As many as I love, I rebuke and chasten: be zealous therefore, and repent.
20 Behold, I stand at the door, and knock: if any man hear my voice, and open the door, I will come in to him, and will sup with him, and he with me.
21 To him that overcometh will I grant to sit with me in my throne, even as I also overcame, and am set down with my Father in his throne.
22 He that hath an ear, let him hear what the Spirit saith unto the churches.
Copyright © 1998 by Bibles International
