Add parallel Print Page Options

At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, (A)ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at (B)ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila:

At papahirin niya ang bawa't luha (C)sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon (D)ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng (E)dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na.

(F)At yaong nakaluklok sa luklukan ay nagsabi, (G)Narito, ginagawa kong bago ang lahat ng mga bagay. At sinabi niya, Isulat mo: (H)sapagka't ang mga salitang ito ay tapat at tunay.

Read full chapter