Font Size
Apocalipsis 20:12-14
Ang Biblia (1978)
Apocalipsis 20:12-14
Ang Biblia (1978)
12 At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan (A)ang mga aklat: (B)at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, (C)ayon sa kanilang mga gawa.
13 At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; (D)at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila'y hinatulan bawa't tao ayon sa kanikaniyang mga gawa.
14 At (E)ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito (F)ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978