Font Size
Apocalipsis 2:14-16
Ang Biblia, 2001
Apocalipsis 2:14-16
Ang Biblia, 2001
14 Subalit(A) mayroon akong ilang bagay na laban sa iyo: sapagkat mayroon ka diyang ilan na sumusunod[a] sa aral ni Balaam, na siyang nagturo kay Balak na maglagay ng katitisuran sa harapan ng mga anak ni Israel, upang kumain sila ng mga bagay na inihandog sa mga diyus-diyosan at upang makiapid.
15 Gayundin naman, mayroon kang ilan na sumusunod[b] sa aral ng mga Nicolaita.
16 Kaya't magsisi ka. Kung hindi, madali akong darating sa iyo, at didigmain ko sila ng tabak ng aking bibig.
Read full chapterFootnotes
- Apocalipsis 2:14 Sa Griyego ay nanghahawak .
- Apocalipsis 2:15 Sa Griyego ay nanghahawak .