Add parallel Print Page Options

13 “Alam ko kung saan ka naninirahan, sa kinaroroonan ng trono ni Satanas. Ngunit iniingatan mong mabuti ang aking pangalan, at hindi mo ipinagkaila ang pananampalataya mo sa akin,[a] kahit nang mga araw ni Antipas na aking tapat na saksi, na pinatay sa gitna ninyo, kung saan nakatira si Satanas.

14 Subalit(A) mayroon akong ilang bagay na laban sa iyo: sapagkat mayroon ka diyang ilan na sumusunod[b] sa aral ni Balaam, na siyang nagturo kay Balak na maglagay ng katitisuran sa harapan ng mga anak ni Israel, upang kumain sila ng mga bagay na inihandog sa mga diyus-diyosan at upang makiapid.

15 Gayundin naman, mayroon kang ilan na sumusunod[c] sa aral ng mga Nicolaita.

Read full chapter

Footnotes

  1. Apocalipsis 2:13 o ang aking pananampalataya .
  2. Apocalipsis 2:14 Sa Griyego ay nanghahawak .
  3. Apocalipsis 2:15 Sa Griyego ay nanghahawak .