Font Size
Apocalipsis 19:1-3
Ang Biblia, 2001
Apocalipsis 19:1-3
Ang Biblia, 2001
Ang Pagsasaya sa Langit
19 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay narinig ko ang gaya ng isang malakas na tinig ng napakaraming tao sa langit, na nagsasabi,
“Aleluia!
Ang kaligtasan, at kaluwalhatian, at kapangyarihan ay nauukol sa ating Diyos.
2 Sapagkat(A) tunay at matuwid ang kanyang mga paghatol;
hinatulan niya ang tanyag na mahalay na babae[a]
na nagpasama sa daigdig sa pamamagitan ng kanyang pakikiapid,
at ipinaghiganti ng Diyos[b] ang dugo ng kanyang mga alipin[c] laban sa babae.”[d]
3 At(B) sa ikalawang pagkakataon ay kanilang sinabi,
“Aleluia!
At ang usok ng babae[e] ay pumailanglang magpakailanpaman.”
Footnotes
- Apocalipsis 19:2 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .
- Apocalipsis 19:2 Sa Griyego ay niya .
- Apocalipsis 19:2 o lingkod .
- Apocalipsis 19:2 Sa Griyego ay kanya .
- Apocalipsis 19:3 Sa Griyego ay niya .