Add parallel Print Page Options

20 Magalak(A) ka tungkol sa kanya, O langit,
    at kayong mga banal at mga apostol, at mga propeta;
sapagkat iginawad na ng Diyos para sa inyo ang hatol sa kanya!”

21 Pagkatapos(B) ay dinampot ng isang malakas na anghel ang isang bato, na gaya ng isang malaking gilingang bato, at inihagis sa dagat na sinasabi,

“Sa ganitong karahasan ibabagsak ang dakilang Babilonia,
    at hindi na matatagpuan pa.
22 At(C) (D) ang tunog ng mga manunugtog ng alpa at ng mga musikero at ng mga manunugtog ng plauta, at ng mga manunugtog ng trumpeta
    ay hindi na maririnig pa sa iyo;
at wala nang manggagawa ng anumang gawa
    ang matatagpuan pa sa iyo;
at ang ingay ng gilingan
    ay hindi na maririnig pa sa iyo;

Read full chapter