Apocalipsis 18:19-21
Ang Biblia (1978)
19 At sila'y (A)nangagbubuhos ng alabok sa kanilang mga ulo, at nagsisigawan, na nagiiyakan at nagtataghuyan, na nangagsasabi, Sa aba, sa aba, ang dakilang bayan, na siyang iniyaman ng lahat na may mga daong sa dagat dahil sa kaniyang mga kayamanan! sapagka't sa loob ng isang oras ay nalipol.
20 Magalak ka tungkol sa kaniya, Oh (B)langit, at kayong mga banal, at kayong mga apostol, at kayong mga propeta; (C)sapagka't inihatol ng Dios ang inyong hatol sa kaniya.
21 (D)At dinampot ng isang anghel na malakas ang isang bato, na gaya ng isang malaking gilingang bato, at inihagis sa dagat, na sinasabi, (E)Gayon sa isang kakilakilabot na pagkahulog, igigiba ang Babilonia, ang dakilang bayan, at hindi na masusumpungan pa.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978