Font Size
Apocalipsis 18:17-19
Ang Biblia, 2001
Apocalipsis 18:17-19
Ang Biblia, 2001
17 Sapagkat(A) sa loob ng isang oras ay nalipol ang ganito kalaking kayamanan!”
At ang bawat pinuno ng barko, ang bawat naglalayag saan mang dako, ang mga mandaragat, at lahat ng naghahanap-buhay sa dagat, ay nakatayo sa malayo,
18 at(B) nagsisisigaw pagkakita sa usok ng pagsusunog sa kanya, na nagsasabi,
“Anong lunsod ang katulad ng dakilang lunsod?”
19 At(C) sila'y nagbubuhos ng alabok sa kanilang mga ulo at nagsisigawan, na nag-iiyakan at nananaghoy, na nagsasabi,
“Kahabag-habag, kahabag-habag ang dakilang lunsod,
na siyang nagpapayaman sa lahat na may mga barko sa dagat, dahil sa kanyang mga kayamanan!
Sapagkat sa loob ng isang oras siya ay nawasak!