Font Size
Apocalipsis 18:14-16
Ang Biblia, 2001
Apocalipsis 18:14-16
Ang Biblia, 2001
14 “Ang mga bungang ninanais ng kaluluwa mo
ay wala na sa iyo,
at lahat ng mga bagay na mararangya at mariringal
ay nalipol sa iyo,
at hindi na kailanman matatagpuan pang muli!”
15 Ang(A) mga mangangalakal ng mga bagay na ito na tumatangis at tumataghoy, na yumaman dahil sa kanya, ay tatayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kanya,
16 na nagsasabi,
“Kahabag-habag, kahabag-habag ang dakilang lunsod,
siyang nagsusuot ng pinong lino at ng kulay-ube, at pula,
at napapalamutian ng ginto, mahahalagang bato at perlas!