Font Size
Apocalipsis 17:3-5
Ang Biblia (1978)
Apocalipsis 17:3-5
Ang Biblia (1978)
3 At ako'y kaniyang dinalang (A)nasa Espiritu sa isang ilang: at nakita ko ang isang babae na nakasakay sa isang hayop na pula, na puno ng mga (B)pangalang pamumusong, na may pitong ulo at sangpung sungay.
4 At nararamtan ang babae ng kulay-ube at ng pula, (C)at nahihiyasan ng ginto at ng mga mahalagang bato at mga perlas, na sa kaniyang kamay ay (D)may isang sarong ginto na puno ng mga kasuklamsuklam, at ng mga bagay na marurumi ng kaniyang pakikiapid,
5 At sa kaniyang noo ay nakasulat ang isang pangalan, (E)HIWAGA, DAKILANG BABILONIA, INA NG MGA PATUTOT AT NG MGA KASUKLAMSUKLAM SA LUPA.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978