Add parallel Print Page Options

At humayo ang una, at ibinuhos ang kaniyang mangkok (A)sa lupa; at (B)naging sugat na masama at mabigat sa mga taong (C)may tanda ng hayop na yaon, at (D)nangagsisamba sa kaniyang larawan.

At ibinuhos ng ikalawa ang kaniyang mangkok (E)sa dagat; at naging dugo na gaya ng isang patay; (F)at bawa't kaluluwang may buhay, sa makatuwid ay ang nangasa dagat ay nangamatay.

At ibinuhos ng ikatlo ang kaniyang mangkok (G)sa mga ilog at sa mga bukal ng tubig; (H)at nangaging dugo.

Read full chapter