Add parallel Print Page Options

Sinong(A) hindi matatakot
    at luluwalhati sa iyong pangalan O Panginoon,
sapagkat ikaw lamang ang banal.
    Ang lahat ng mga bansa ay darating
    at sasamba sa harapan mo;
sapagkat ang iyong mga matuwid na gawa ay nahayag.”

Pagkatapos(B) ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at ang templo ng tolda ng patotoo sa langit ay nabuksan.

At mula sa templo ay lumabas ang pitong anghel na may pitong salot, na nakadamit ng dalisay at makintab na lino, at nabibigkisan ng gintong pamigkis ang kanilang mga dibdib.

Read full chapter